ALAS-sais pa lang ay ginising na ni Kevin si Antonina. Nagi-guilty man siya, sinabihan niya ang Venezuelan na aalis siya ng maaga patungong Batangas. Mahilo-hilong bumangon ang modelo at nagbihis. Sinamahan niya ito hanggang sa baba at inihatid sa labas para makakuha ng taxi. Saka dali-daling umakyat pabalik sa condo unit niya. Alam niyang tulog pa si Maita dahil nakasara pa ang pinto ng guest room. Kaya may oras pa siyang magpa-impress!Ganado siyang nagluto ng breakfast. Shanghai rice ang una niyang ginawa. Naghiwa siya ng cheese para sa itlog at nilagyan yun ng kaunting nestle cream- saka niya binati at niluto. Maraming sibuyas din ang nilagay niya sa Palm Corned beef. Nagprito din siya ng ilang pirasong danggit at naghiwa ng kamatis. Halos ready na ang breakfast na inihanda niya nang biglang bumukas ang main door. Nagulat si Kevin nang makitang pumasok si Maita- obviously ay galing ito sa labas dahil nakabihis ito!
"Saan ka galing?" bahagyang tumaas ang boses niya. Nagulat naman kasi talaga siya dahil all the while, ang akala niya ay tulog pa si Maita pero nakaalis pala ito nang wala siyang malay.
"Nagsimba sa Baclaran," kaswal na sagot ng babae. "Wow, mukhang ang sarap ng niluto mo ah?" anito saka lumapit sa kusina.
"Anong oras ka umalis? Bakit hindi ka man lang nagpaalam? E kung may nangyari sayo? E kung nakita ka ng mga naghahanap sa'yo at nakidnap ka? Ni hindi ko man lang pala namalayan?" Hindi napigilan ni Kevin ang sarili.
"Hindi kita inistorbo dahil alam kong may bisita ka."
"E saan ka kumuha ng pamasahe papuntang Baclaran? Di ba wala ka namang pera?"
"Binenta ko yung ibang load na nasa cellphone ko tutal ang laki-laki naman ng laman. Ipinasa-load ko. Yung 50 pesos worth na pasaload, 45 pesos ko ibinenta sa ibaba. Yung dalawang guards ang nagpa-load sa akin kaya may 90 pesos akong ginamit bilang pamasahe."
"Nagkasya ang 90 pesos?" Hindi makapaniwala si Kevin. At lalong namangha siya sa naisip na paraan ni Maita para lang magkapera at makapagsimba!
"Naglakad ako papuntang Edsa, saka nag-bus ako papuntang Baclaran. Kasya naman, may sobra pa nga."
"Bakit hindi mo ako ginising? O hinintay man lang? E di sana nasamahan kita?" Hindi pa rin maka-get over ang binata! Bakit nagsarili ng lakad si Maita? Galit ba ito sa kanya?
"May bisita ka nga kasi. E maaga akong nagsimba, ayoko namang mang-istorbo, sobra-sobra na nga ang ginawa mong tulong para sa akin e."
Hindi na nakasagot ang binata. Tumalikod siya at kinuha ang brewed coffee.
"Kumain na muna tayo. Kanina pa ako nagugutom." Masama ang loob niya. Hindi niya alam kung bakit. Kung tutuusin ay dapat siyang matuwa na nagsimba si Maita- it's just that- nagawa nitong umalis ng hindi nagpapaalam. What if bigla na lang itong mawala sa buhay niya?
"Huwag ka nang magalit, please?" Lumapit sa kanya si Maita at hinawakan siya sa braso. "Pasensya ka na, hindi na mauulit."
Agad namang lumambot ang puso niya. Kaya kahit naiinis siya sa ginawani Maita, pinalampas na lamang niya iyun. Nag-breakfast sila at pinag-usapan nila ang mga susunod na hakbang.
"Nakausap ko si tatay kagabi," pahayag ni Maita. "Ang sabi daw sa kanya ng papa mo, i-remind daw kita na kontakin yung taga-PNP na sinabi niya dahil matutulungan daw ako."
"Actually kokontakin ko na nga talaga yun. Naka-save na nga sa cellphone ko ang number ni Lt. Diaz. Pagkatapos nito ay tatawagan natin siya."
Nakita niyang napangiti si Maita sa sinabi niya. Na-realize ng binata na mas gusto niyang nakikitang nakangiti ang babae dahil tila lumiliwanag ang buong kapaligiran kapag masaya ito.
"Salamat talaga. Sobrang salamat," inabot ng dalaga ang kamay niya saka pinisil yun. "Hindi ko alam kung papano ako makakabayad sayo."
"Makita lang kitang masaya, okay na," sagot ng binata. And he meant what he said- with all his heart!
PAGKATAPOS nilang kumain ay tinawagan na nga niya si Lt. Diaz. Mabait ang lalake sa telepono. At kilala nito ang papa niya. Nagpasalamat si Kevin sa lalake dahil willing itong tulungan sila. Bago mag-lunch ay pupunta daw ito sa condominium niya para makausap ng personal si Maita.
Pero nang makita niya ang police officer ay parang ayaw na niya itong ma-involved pa. Hindi niya ini-expect na bata pala ito, matikas at magandang lalake! Worse, napansin niya kung paano nito tinitigan si Maita- at kung paano nag-blush ang babae! Bigla siyang kinabahan!
Pero kahit mabigat na ang loob niya sa opisyal ay polite pa din siya. Ipinakita niya ang cellphone kay Lt. Diaz at mataman naman nitong pinanood ang video scandal na naroroon. Kilala rin nito si Mrs Vita Morgan dahil minsan na raw itong na-assign sa House of Congress. Habang nag-uusap sila sa sala ay nag-prepare ng lunch nila si Maita. Nang maihanda na ang mesa ay tinawag na sila nito.
"Ikaw ba nagluto nito?" tanong ni Lt. Diaz kay Maita. Ang tinutukoy nito ay ang nilagang baka.
"Yes sir. Matabang ho ba? Puwede niyong lagyan ng patis." Tumayo pa si Maita para asikasuhin ang opisyal.
Nagpapa-cute ba itong si Maita?! Hindi niya nagustuhan ang ikinikilos ng babae pero tumahimik lang siya.
"Huwag mo na akong i-sir or i-ho. Halos magka-edad lang tayo ah. Jake na lang," ngumiti si Lt. Diaz.
At talagang pa-cute din itong isa! Sarap batuhin ng patatas. Gigil na gigil siya pero walang magawa.
"Ang bata mo nga e, nagulat ako." Ngumiti si Maita habang nakatingin sa police officer. "Saka hindi ka mukhang pulis..."
"Mukhang artista ba?" sinundan yun ni Jake ng mahinang tawa. Pero si Maita, parang kinikiliti- napahalakhak talaga ito sa sinabi ng opisyal!
Gusto na talagang mapikon ni Kevin. Para siyang audience na nanonood ng stage play. Parang sina Jake at Maita lang ang nasa dining table!
"Saan ka kamo graduate, Jake?" sabad niya nang hindi makatiis. Hindi na niya gusto ang tinatakbo ng eksena at dialogue ng dalawa!
"Sa PNPA. Four years na rin ako sa serbisyo."
"Sa tingin mo, ano ang dapat nating gawin dito? Worse scenario- can we go public?"
"Well, ang first kong gagawin ay makakuha ng info tungkol sa mga tauhan ni Congressman Morgan. Kung galing nga sa kampo niya ang mga nagtangkang kumidnap kay Maita, then sila ang naghahangad ng cellphone. But we cannot rule the other party. Ang isa kong naisip ay baka may blackmail na nagaganap at ang video scandal ang prime instrument."
"Pwede nga," sang-ayon ni Maita. Walang choice si Kevin kundi sumang-ayon din dahil may theory nga siya na hindi cellphone camera ang gamit sa pagrecord ng video scandal.
"Sana ay may feedback na agad para matapos na ang gulong ito," nasabi na lamang niya.
"Don't worry Kevin, mabilis namang kumilos ang team ko. And makikipag-ugnayan kami sa technical group ng PNP para mas mapadali ang pag-solve namin nito."
"Wow parang James Bond," komento ni Maita. Lihim na napasimangot si Kevin. Masasapak na talaga niya itong si Maita.
"Idol ko yun simula nung bata pa ako," sagot naman ni Jake na nakangiti. Sa tingin ni Kevin ay parang kinilig naman si Maita.
Isa pa to! Pag-untugin ko kaya ang dalawang ito? Hindi na talaga siya natutuwa!
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You
ChickLitA romantic comedy about two people who were born to compete with each other but destined to fall for each other.