BORED na si Kevin. Kanina pa daldal ng daldal ang kausap niya, wala naman siyang maintindihan sa sinasabi nito. Ang alam niya, binibentahan siya nito ng surveillance camera pero masyadong technical ang mga terms- hindi niya ma-gets."So ano sir, kukuha ho ba kayo?" tanong ng lalakeng ahente. Payat ito at maluwag ang suot na long-sleeves polo- halatang mumurahin. Nasa anyo nito ang hope- na sana ay bumili siya.
Naawa naman siyang tumanggi. Kahit papano ay naghirap naman ito sa pagbiyahe at pagpunta sa trabaho. Saka ipinakiusap kasi sa kanya ng Yaya Pacing niya na tulungan ang ahente dahil apo daw niya ito sa pamangkin. Itinext pa sa kanya noong isang linggo.
"Magkano uli yan?"
"Fourteen thousand ho, kasama na ang installation."
Kumuha ng kinse mil sa wallet si Kevin saka iniabot sa lalake.
"Tip ko na sayo ang one thousand," anito. Naisip ni Kevin na kesa mapunta sa gimikan ang pera, mas mabuti na rin sigurong maitulong nalang niya sa iba.
Halos lumundag sa tuwa ang ahente- kulang na lang ay yakapin siya.
"Thank you sir! Thank you po!" hindi ito magkandaugaga sa pagpapasalamat."Ipapa-install niyo na ba ngayon?"
"Hindi. Huwag na muna. Saka na."
"Sir, tawag lang po kayo anytime kapag may kailangan kayo ha?" wika ng lalake habang nagsusulat sa resibo. Pagkatapos ay iniabot niya iyun kay Kevin. Sinamahan niya pa iyun ng calling card.
"Sige lang." Kinuha ni Kevin ang calling card at binasa iyun. Saka inilapag sa side table.
Pagkatapos maibigay ang buong box ng surveillance camera at ilang kable, nagpaalam na ang ahente- di mailarawan ang mukha sa sobrang katuwaan.
Nang wala na ang ahente ay tinawagan na ni Kevin ang Yaya Pacing niya na nasa probinsiya. Ang may-edad na babae ang nagpalaki sa kanya. Sanggol pa lang siya ay ito na ang nag-alaga sa kanya kaya't malapit siya dito.
"Ayan, bumili na ako ng ibinibenta ng apo niyo ha?" bungad niya sa phone nang marinig ang boses ng yaya niya.
"Naku anak, salamat! Malaking tulong yun kay Bobby!" ang tinutukoy nitoay ang ahente. "Ikaw ang first customer niya!"
"Anhin ko naman ho itong surveillance camera?" natatawang wika ni Kevin. Kung di lang sa pakiusap sa kanya ni Yaya Pacing, di naman siya bibili e. Di naman siya VIP para magkaroon pa ng mga camera-camera na yan.
"Malay mo, magamit mo?"
"Yaya, nakatira ho ako sa condo. Sa lobby palang at mga elevators e tadtad na ng camera."
"Basta alam kong mapapakinabangan mo rin yan," giit ni Yaya Pacing. Kaya hindi na kumontra ang binata.
Matapos ang ilang minutong pangungumusta ay nagpaalam na rin si Kevin. May pupuntahan pa kasi siyang party sa Makati.
FINE Arts graduate ang bente tres anyos na si Kevin. Wala siyang permanenteng trabaho- puro 'raket' lang kapag may project. Kapag hindi gumagawa ng story board sa mga advertising agencies ay nagpipintasiya. Marami din siyang oras sa kanyang social life- bagay na hindi approve sa kanyang pamilya. Imbes daw kasi maglaan siya ng panahon sa negosyo ay sa date at lakwatsa lang nauubos ang oras niya! May food processing business sila sa probinsya at malaki ang kanilang farm sa Batangas. Ang tatlo niyang kapatid na babae ay puro lahat involved sa kanilang business- pati na rin ang kanilang papa. Pero siya, mas pinili niyang i-pursue ang kanyangpagiging 'artist.'
Malakas ang loob niyang magpaka-artist dahil may trust fund talagang inilaan para sa kanya ang kanyang namayapang lola. Kahit twenty years siyang hindi magtrabaho ay mabubuhay siya ng marangya. May monthly allowance din siyang natatanggap mula sa kanilang family corporation.
Matagal nang natanggap ng mga kapatid niyang babae na iba ang gusto niya sa buhay. Hindi siya mahilig sa negosyo, although paminsan-minsan ay sinusubukan pa rin siya ng mga ito na kumbinsihin. Pero anong magagawa niya? Hindi niya talaga type ang magbantay sa farm o manood ng mga inagawang tapa at tocino.
Ang papa lang naman niya ang talagang tahasang nagsasalita na hindi nito gusto ang kursong kinuha at ang kanyang mga pa-raket-raket. Hanggang saan daw siya dadalhin ng pagpipinta niya? Nag-aalala kasi itong mamulubi ang bunsong anak dahil sa kaka-art!
"You can't blame your father," sinabi sa kanya ng mama niya nang minsang nagkausap sila ng masinsinan. "Galing kasi sila sa hirap. He worked his way to finish college. Nagsikap talaga siyang makaalis sa Mindoro, nagtrabaho sa pier sa Batangas habang nag-aaral. Madami siyang pinagdaanan and I know, ayaw niyang maranasan nyo yun."
"Maganda naman ang takbo ng negosyo natin di ba. May kanya-kanya naman kaming trust fund."
"Kasi ipinagpilitan yun ng mga lolo at lola mo. Ayaw kasing tumanggap ng kahit ano from my parents ang papa mo- alam mo naman yan, masyadoring mataas ang pride, kaya't sa inyong mga anak ko ibinigay ang mga naiwan nilang pera."
Typical poor boy meets rich girl kasi ang kuwento ng parents ni Kevin. Noong una ay kontra ang lolo at lola niya sa papa niya dahil akala nila ay oportunista ito. Pero pinatunayan ng papa niya na kaya nitong bigyan ng magandang buhay ang pamilya. Masipag kasi at matalino, bukod sa maabilidad pa. Kaya nagkaroon sila ng malaking farm at umunlad ang negosyo.
"Masuwerte ka nga, at least, nagagawa mo ang gusto mo. Nasunod mo ang passionmo," makahulugang wika ng mama niya noon.
Alam ni Kevin na sa ina siya nagmana ng kanyang talento sa pagpipinta. Magaling magdrawing ang mama niya. Ang gusto pala nito dati ay maging fashion designer, pero medicine ang pinakuha ng parents niya kaya't naging doktora ito. May private clinic ito na katabi lamang ng bahay nila at may libreng konsulta pa para sa mga tauhan nila sa farm. Ang mama din niya ang nangunguna sa mga medical mission para sa mga kababayan nila kaya't iginagalang ito sa kanila.
Dati ay once a month siyang nakakauwi sa kanila. Pero lately ay isang beses na lang every two months siya nakakabisita. Minsan ay inaabot ng tatlong buwan bago siya makauwi. Busy naman nga kasi siya- in fairness. Malakas yata ang raket niya sa TV commercials.
![](https://img.wattpad.com/cover/61045200-288-k706523.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You
ЧиклитA romantic comedy about two people who were born to compete with each other but destined to fall for each other.