BANDANG alas-dos ng hapon nang magpaalam na si Lt. Jake Diaz. Nagbigay ito ng calling card kina Kevin at Maita. Tawagan lang daw siya anytime.Tumango si Kevin.
"Ang bait niya no?" komento ni Maita nang silang dalawa nalang ang naiwan. "Sana lahat ng pulis katulad niya."
"Ang bilis mo namang madevelop," nakangiti si Kevin pero sarcastic angtono niya. "Friendly lang sa'yo, parang gusto mo nang ipa-canonize sa Vatican?"
"Ay? Nagsusungit?" hinawakan ni Maita ng dalawang kamay ang pisngi ng binata. "Hindi po bagay sa inyo ang magsungit dahil alam ko na kung gaano ka kabait!"
"Talaga? Sigurado kang mabait ako?" Bigla niyang hinapit sa beywang ang babae. "Paano kung salbahe pala ako?"
Napatili si Maita, saka natatawang itinulak siya.
"Ayoko ng ganyang biro. Sige na, magsungit ka na lang. Tutal, sanay naman na ako sayo!"
"Hoy, ikaw kaya ang masungit sa ating dalawa. Elementary palang tayo, inaaway mo na ako!" Natawa na rin siya, although hindi nawawala sa isip niya kung gaano kalambot ang katawan ni Maita nang hapitin niya ito palapit sa kanya.
"Hindi kaya!" Lalong lumakas ang tawa ni Maita.
Bagay na sa paningin niya ay mas nagpaganda sa babae. Hindi kasi ito takot tumawa ng malakas- unlike other girls. Ang mga babaeng nakilala niya ay laging de-numero kung gumalaw. Mula pagkain ay binabantayan, at pati ang pagtawa ay dapat sukat- dapat demure- dahil takot na mabansagang 'walang poise.'
Out of the blue ay niyaya ni Kevin ang babae na lumabas at pumunta sa Rockwell.
"Anong gagawin natin doon?" tanong ni Maita. "Wala ka bang trabaho ngayon?"
"Matagal pa ang deadline ng isa kong project. Kaya nga gusto ko ang ganitong trabaho kasi I own my time," paliwanag niya. "Ano, punta tayo sa mall?"
Natawa ang babae pero hindi naman ito tumanggi. Sa halip ay tumayo ito mula sa sofa saka naglakad na patungo sa guest room na ginagamit nito.
"Para lang akong walang problema ah," anito nang tumigil sa may pinto at nilingon ang binata.
"Alangan namang magkulong lang tayo dito? Saka walang gagalaw sa'yo hangga't nandito ako. Di mo ba alam, si Superman ang kasama mo?" biro niya.
"Sira ka talaga!" natawa uli si Maita. "Sige na, magbibihis na muna ako." Yun lang at isinara na nito ang pinto.
Pumasok na rin si Kevin sa sariling kuwarto saka mabilis na nag shower at nagbihis. Pasipol-sipol pa siya, bagay na matagal na niyang hindi nagagawa!
Dinala niya sa isang Thai restaurant si Maita pagdating sa Rockwell. Pagkatapos kumain ay niyaya niya itong tumingin sa mga shops pero tumanggi ito. Baka daw kasi kung ano na naman ang maisipan niyang bilhin. Natawa na lang siya sa babae dahil kung iba ang kasama niya, tiyak na nagkumahog na sa pag-shopping!
Niyaya nalang niya itong manood ng sine at pumayag naman. Romantic-comedya ng napili nilang panoorin at ang lakas ng tawa ni Maita sa sinehan- pati siya ay nahahawa. Paglabas nila ay kaswal niyang hinawakan ang kamay nito, hindi naman umangal ang babae kaya hindi niya ito binitawan habang naglalakad sila.
"KEVIN?"
Halatang nagulat ang lalake nang makilala ang kasalubong. Agad nitong binitiwan ang kamay niya.
"Jessica!" Niyakap ni Kevin ang babaeng kahawig ni Angelica Panganiban. "Imiss you!"
"Same here! I miss you too!" Tumingin sa kanya ang babaeng nagngangalang Jessica.
"This is Maita, my childhood friend," pakilala sa kanya ni Kevin.
Childhood friend na naman. Nagtataka siya kung bakit laging ganun ang tawag sa kanya ng lalake.
Ano ba dapat? Former classmate? Academic rival? Hindirin niya gusto ang options na ibinigay ng isip niya. Hindi rin niya maintindihan kung bakit affected siya kapag ipinapakilala ng lalake sa ibang tao gayung nakikiamot lang naman siya sa oras nito kung tutuusin. Kung hindi pa siya nagkaroon ng matinding problema, nuncang magku-krus uli ang landas nila dahil obviously, magkaiba talaga sila ng mundo!
"And Maita, this is Jessica..."
"Soulmate niya," sagot ni Jessica saka naglahad ito ng kamay. "Hi,Maita!"
"Hi!"Ngumiti si Maita.
Soulmate?! Gusto na niyang diretsuhin si Kevin. Ilang babae ba ang ka-relasyon nito? May Pixie, may Antonina, tapos ito, may Jessica. Hindi na siya maka-cope sa dami!
"Saan kayo galing?" narinig niyang tanong ni Jessica.
"Diyan lang, kumain," sagot ni Kevin.
Hindi nito sinabi na nanood sila ng sine! Ikinahihiya ba siya ng lalake? Parang biglang sumama ang loob niya kahit alam niyang hindi naman dapat. Wala siyang karapatan!
"Hey, I'd love to catch up with you sweety. Kaso I'm in a hurry."
"Okay lang. Just call me anytime. Labas tayo," ani Jessica. "Or we could just stay in my penthouse." Kumindat pa ang babae kay Kevin. Natawa lang ang lalake.
Bago umalis ay niyakap pa ni Kevin ang babaeng artistahin. Humalik naman ito sa labi ng lalake. Napapikit na lang siMaita dahil sobra na ang nasaksihan niya. Gusto na niyang mandiri kay Kevin! Dapat na yata niyang palitan ng Holy Water ang mouthwash ng lalake!
"Bye Maita! Nice meeting you!" kumaway pa si Jessica sa kanya bago tuluyang naglakad palayo.
Hindi na siya umimik pa . Hanggang sa makasakay na sila ng sasakyan atmakabalik ng condominium ay tahimik lang siya. Ilang beses na siyangtinanong ni Kevin kung masama ba ang pakiramdam niya or kung mayproblema ba pero ang sagot lang niya ay meron siyang iniisip.
Whichis true. Iniisip niya na dapat ay mapabilis na ang pagtapos sakinasasangkutan niyang gulo. At hiling niya na makalayo na kay Kevin,dahil habang kasama niya ang lalake- unti-unting nahuhulog angdamdamin niya. Which is wrong- dahil alam niyang masasaktan lang siyang todo- dahil saksakan talaga ng playboy ang kanyang childhoodfriend!
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You
Literatura FemininaA romantic comedy about two people who were born to compete with each other but destined to fall for each other.