CHAPTER FOURTEEN

2.3K 106 12
                                    


THREE weeks na ang nakalipas simula nang umalis sa condo niya si Maita. And Kevin has been miserable since then. Ilang beses niyang tinawagan ang babae para kumbinsihing bumalik sa condo niya pero ayaw talaga. May tinitirhan na daw itong dorm na inirekomenda ni Jake. Sinubukan din niyang imbitahin si Maita para lumabas man lang sana at kumain pero laging may dahilan ang babae!


Kaya naman tinapos lang niya ang mga deadlines sa advertising agency and decided not to accept projects for the meantime. Nagsabi na lang siyang magbabakasyon siya abroad although ang totoo ay hindi naman siya lumabas ng bansa. Mas gusto kasi muna niyang magpahinga at magrelax dahil hindi rin naman siya makapag-concentrate ng maayos. Ni hindi nga rin siya lumalabas o gumigimik kahit panay ang tawag sa kanya ng mga babae at maging ng mga friends niya. All of a sudden ay wala na siyang gana! And it's all because of Maita.


Kaya ngayon ay eto siya-- nagda-drive pauwi sa kanila sa Batangas. Pinili na lang niyang magpakita muna sa mga magulang at magbakasyon sa farm kahit ilang araw. Well actually- may iba pa siyang balak bukod sa bakasyon. Plano niyang isumbong si Maita sa mga magulang nito!


Kailangang malaman ng nanay at tatay mo na puro ka na lang Lt Jake Diaz! Nakilala mo lang ang lalakeng yun, kinalimutan mo na ako! Samantalang sa akin ka unang tumakbo, babae ka!


Nakaplano na ang lahat ng sasabihin niya sa nanay at tatay ni Maita-- pero talaga yatang inaasar siya ng tadhana dahil pagpasok pa lang niya sa bahay nila ay agad siyang sinalubong ng mama niya-- na kasama ang mga magulang ni Maita! Paano siya ngayon magsusumbong kung maririnig ng kanyang ina ang mga sasabihin niya? And as if it wasn't enough-- may sinabi ang tatay ni Maita na muntik nang ikalaglag ng puso niya!


"Naku sayang iho, hindi kayo nagkaabutan ni Maita at nung boyfriend niya!" Nakangiting wika ng tatay ni Maita. "Kababalik lang nila ng Maynila."


"B-boyfriend?"Huminto yata ang paghinga niya! "S-sino po?"


"Yung tinyente sa PNP!"


"Hindi naman yata niya boyfriend yun," sabad ng nanay ni Maita.


"E bakit sumama pa dito sa probinsiya?"


"Nagpunta dito si Lt Jake Diaz?" Gusto niyang makasiguro.


Nang makita niyang tumango ang tatay ni Maita ay pasimple niyang naikuyom ang isang kamao- nagbabaga ang selos sa puso niya!


"E kasi nga nanliligaw yun sa anak mo at gusto niya tayong makilala. Mas mainam nga ang ganun... marunong humarap sa magulang ng babae. Hindi takot kasi malinis ang hangarin." Pakiramdam ni Jake ay nasaksak ang puso niya sa narinig!


"Gusto ko yung Jake, sa totoo lang. Mabait, magalang, mukhang di paiiyakin yung anak natin."


Muling napa-aray ang anino ni Kevin sa narinig. Gusto na niyang sumabad na mas ang mga katangian niya kesa kay Jake! Hindi lang siya mabait at magalang-- guwapo pa, matalino, mayaman at wala siyang balak paiyakin si Maita!


'Baka nga ako pa ang paiyakin ng babaeng yun, sa loob-loob niya.


I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon