NASA lobby na sila at patungo na sana sa parking lot ng condo nang sabihin ng guard kay Kevin na may naghahanap sa lalake.
Kitang-kita ni Maita nang lumapit ang isang maganda at seksing babae- parang artista dahil makinis ang kutis at makintab ang umaalon-alon na buhok nito.
"Kev!" agad na humalik sa labi ng lalake ang bagong dating na babae. Nanlaki ang mata ni Maita.
"Pixie!"Halatang nagulat si Kevin sa ginawa nito. "Kelan ka pa dumating?"
"Kanina lang! I was calling your mobile phone, di mo naman sinasagot. Kaya I decided to come over." Tiningnan ni Pixie si Maita mula ulo hanggang paa. "Who is she?" prangkang tanong nito.
Nakaramdam ng hiya si Maita. Naka-tshirt siya na pinahiram ni Kevin kanina at isinuot din niya ang pants niyang nagamit na. Pinagpag nalang niya.Naka-rubber shoes din siya. Wala siyang make-up at itinali lang niya ang kanyang buhok. Mukha siyang maid kapag itinabi sa babaeng ang pangalan ay Pixie.
"Her name is Maita. Kababata ko sa probinsya."
"Dinalaw ka?" Nakita ni Maita na bahagyang tumaas ang kilay ni Pixie.
"No. May kailangan lang ayusin and sa akin kasi ibinilin ni mama."
"So you guys are going somewhere?"
"Yeah! May aasikasuhin nga. Ikaw? Do you want to stay?"
"No. Mabo-bored lang ako sa unit mo, wala naman akong kasama. Just call me pag nakauwi ka na. I'll just go to the spa and relax." Pagkasabi nun ay muli nitong hinalikan sa labi si Kevin bago tuluyang nagpaalam.
Deadma naman ang lalake habang papunta sila sa kotse nito sa parking lot. Para bang walang nangyari. Pero si Maita ay hindi nakatiis.
"Gusto ka yatang makasama ng girlfriend mo."
"Di ko girlfriend yun," natatawang sagot ni Kevin.
"Hindi mo girlfriend?" Hindi naitago ng dalaga ang gulat. Meron bang naghahalikan na hindi naman pala mag-on?
"Bakit parang gulat na gulat ka?" puna ni Kevin. "Kung maka-react ka, parang may ginawa akong mortal sin ah!"
"H-hindi lang siguro ako sanay na..."
"Na makakita ng naghahalikan?" napahalakhak ang lalake.
Hindi na kumibo si Maita. Sa loob-loob niya, para kasi sa kanya- mga taong may relasyon lang ang gumagawa ng ganun.
"Malambing lang talaga si Pixie- very touchy. Saka lovable naman kasi ako kaya close kami," nakangisi pa rin si Kevin, tila enjoy itong makita ang panlalaki ng mata niya. Nasa loob na sila ng sasakyan nito- isang lime green na Ford Escape.
![](https://img.wattpad.com/cover/61045200-288-k706523.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You
ЧиклитA romantic comedy about two people who were born to compete with each other but destined to fall for each other.