UIL: chapter 29 - Breaking Rule #4

1.6K 21 3
                                    

CHAPTER 29

TREE'S POV

Kasalukuyan kaming naglulunch ni Still ngayon sabay kami dahil parehas kami ng break.

Nasa garden kami ng school, ang ganda kasi dito tapos ang aliwalas ang sarap ng simoy ng hangin kaya dito na kami puwesto.

"Asarap nito ahh. Hindi ikaw nagluto ano? HAHAHA." ayan nagsisimula na naman po siyang mang-asar =____=

"Che! kumain ka na nga lang, If I know hindi ka rin marunong magluto!"

"Hindi man ako marunong mag-luto, Yung ibang Hererra marunong!" pagyayabang naman niya.

Nung binanggit niya ang apelido niya naalala ko ang Tatay niya. Bakit? Hayy ikukwento ko na lang sa inyo ang nanyari kahapon.

--------------------------FLASHBACK-------------------------

Kakatapos lang ng Humanities class ko kaya naman inayos ko na ang gamit ko then sabi sakin ng classmate ko may naghahanap daw sakin "Tatay ko daw" hinihintay daw ako sa labas ng classroom. Natawa na lang ako kasi ka-aalis lang ng Papa ko nung isang buwan para magtrabaho uli sa ibang bansa.

Pagkalabas ko ng classroom nakita ko ang isang lalaki na kung tatansahin siguro nasa 50's na ang edad kung idedescribe ko naman siya mukhang mayaman yung tipong Businessman ang dating tapos kahit halatang nasa singkwenta na ang edad eh ang gwapo!

"Excuse me po kayo po ba ang naghahanap sakin?"

"Yes, You're Trinity right?"

"Ahh Opo, may kailangan po ba kayo?"

"I'm James Herrera, Dad ni Still nice meeting you Hija. *shake hands* pwede ka bang makausap kahit sandali lang?"

O_____________o DAD NI STILL? Hala bakit kaya niya ako gustong kausapin? eto ba yung napapanuod ko sa mga drama na sasabihin niya "Lumayo ka sa anak ko dahil hindi kita gusto para sa kanya! Here's the 10 million at siguraduhin mo lang na hindi ka na magpapakita pa!" Wahh 10 million? tatangapin ko yan ng buong puso! $____$  *batok sa sarili* tama na yang pagdedaydream! nakakaloka! eh paano kung iyon nga ang sabihin niya???

Sa Photography club room na lang kami ng nag-usap, wala naman kasing tao ngayon ako lang.

"Hija, I'm going straight to the point why I came to see you"

Nakuu >___< sabi na nga ba eh! aalukin niya ako ng 10 million at uutusang lumayo sa anak niya!

"I want to talk to you about my son, alam mo kasi yang bata na yan may misunderstanding kaming dalawa and that's the reason why he's living alone at his condo." Ayy akala ko 10 million sayang! =_____= masyado akong nag-expect, Lesson learned: lower your expectations. Hindi seryoso na nga!

Magkagalit sila ni Still kaya niya ako kinakausap?

"Ahh Sir magkagalit po kayo ni Still ganun po ba?"

"Just call me Tito James besides you're my son's girlfriend. Ahmm I'm not mad at him but he is. It's been a year since he left home and lived at his condo, There are many times which I told him to come back but he didn't. I know that It's my fault why he acted that way, I blamed him after his Mom died... My wife died. But I already regret what I did. Now I lost both my wife and my son." Napakalungkot ng boses ni Tito James habang nagkukwento. Grabe ang English mga teh! hindi ko kinaya nosebleed! tissue please +____+ pero nakakalungkot naman isang taon silang magkagalit?

"Tito James, nakausap niyo na po ba si Still ng kayong dalawa lang?"

"That's another thing, he doesn't want to talk to me... Hija can you do me a favor?"

"Sige po, ano po ba yun?"

"Can you make him talk to me? I know that what I'm asking you is hard but. . . I'm desperate."

"Tito James susubukan ko po kung may magagawa ako, pero kung sakaling ayaw po niya wag po kayong mag-alala gagawan ko po ng paraan."

"Thanks Hija, I'm counting on you."

---------------------------END OF FLASHBACK-----------------------

At iyon nga ang nangyari. Hindi ko pa nakakausap si Still tungkol dito pero tutal magkaharap na naman kami ngayon baka pwede ko ng sabihin diba?

Alam niyo kasi naawa ako sa tatay niya dun kay Tito James, biruin mo halos isang taon din silang magkagalit ng anak niya tapos hindi man lang sila nagkakausap?! Kung tutuusin naiinggit ako kay Still, ako kasi 1-2 months ko lang nakakasama ang Papa ko kada isang taon pag nagbabakasyon siya pagkatapos ng kontrata niya sa trabaho. Kaya maswerte sila dahil marami silang pagkakataon para magkasama kaya dapat wag nilang sayangin.

"Tree!" Nagulat ako sa pagtawag niya habang kinakaway ang kamay niya sa tapat ng mukha ko. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako at nahinto sa pagkain kakaisip diyan sa problema nilang mag-ama.

"Oh?"

"You're idling, hanggang ngayon ba kinikilig ka pa rin dun sa pagkanta ko sayo nung isang araw? MEE naman masyado kang obvious hahaha!" panunukso niya sakin.

"Natulala lang iniisip ka na agad? MEE ka diyan?!" Grabe na talaga ang kakapalan ng pagmumukha nito. Nakuu >___< sarap tapyasan!!! penge ngang kitchen knife!

"Hahaha Pikon! ..Aray!" pinalo ko siya sa braso.

Hay paano ako makakahanap ng timing para sabihin sa kanya yung tungkol kay Tito James kung puro siya kalokohan? Eh kung ngayon na lang kaya?

"Still. Ahh kasi ano... ano kasi" aishh bakit ba hindi ko masabi?

"What?"

"Kausapin mo yung Dad mo para magka-ayos na kayo, alam mo mahirap kung may kaalitan ka sa pamilya."

"Did he went here and asked you to say that to me?" Hala ang sungit na ng tono ng pananalita niya.

"Still, ano naman kung oo? Gusto lang niya makipag-ayos sayo."

"Rule #4 have you forgot?"

Hay alam ko syempre rule #4 "Never ever interfere with my personal life" Pero kahit na!

"Hindi ko nakakalimutan. Pero di ba hindi naman habang buhay magkagalit kayo?"

"Stop meddling in other people's business." Pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya at iniwan ako sa may garden. Hindi man lang niya tinapos yung pagkain bago ako nilayasan!

Antigas ng ulo niya, mukang mahihirapan ako dito. Pero kailangan nilang magkabati! Gusto ko magkabati sila +___+ Pakialamera na kung pakialamera pero nakakalungkot naman kung dahil lang sa isang away nakalimutan na nilang mag-ama sila. Tsaka sobrang lalim ng pagpapahalaga ko sa pamilya!

-------------------------TBC---------------------

UNEXPECTEDLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon