Chapter 37
PHOTOGRAPHY CLUB ROOM
TREE's POV
"Ate Margaux ok na ba ang pagkaka-edit ko dito?" Iniharap ko kay Ate Margaux ang monitor para makita niya kung ayos na ba tong bagong logo ng Org namin.
"Super ganda walang biro Tree! Talo na yung ibang Orgs sa logo natin Muahahaha." nag-evil laugh pa siya. Medyo may pagka luka luka talaga tong si Ate, disidido siyang matalo yung ibang Orgs. Ako din naman pero hindi ako ganung ka-competitive na tao.
"Nga pala Tree I heard nag-usap na si Tito James tsaka si Still at ikaw ang may gawa! OMG ikaw na!" humarap siya sakin habang nag gugupit ng cut-outs for our bulletin.
Nabalitaan niya na agad yun? kagabi lang naman yun nangyari ahh.
"Ahh eh ginawa ko lang naman kung anong tama." totoo naman tumutulong lang ako, no other reasons involved.
"Tree alam mo ba ikaw lang nakapagpapayag dyan maski nga kami ni Zai hindi pinapakinggan niyan nako talagang in love siguro sayo ang pinsan ko! Kinikilig ako sa inyo >///<"
Jusme ayan na naman =___= Kung alam lang niya kung gaano kahirap papayagin yung pinsan niya!
Tsaka yung text sakin kahapon ni Still mukha atang galit pa. "Ready your explanation tomorrow" para mong boss ko siya?!
"Ui Still!"- Ate
Napatingin naman ako sa pintuan pati ang mga clubmates ko. Kakapasok lang niya, pilit kong binabasa ang expression ng mukha niya. . Di malaman kung galit ba o hindi? Hindi kasi siya nagsalita at dirediretcho siyang lumapit samin ni Ate Margaux.
Nakatingin siya sakin, I can sense it! >___< Nakayuko lang ako kunwari walang nakikita. Bahala siya dyan!
"Oh ano maguusap ba kayo?" tanong ni Ate Margaux.
Walang umimik saming dalawa.
"Ayy LQ ? Naks naman sige lalabas na kami tutal 5 minutes na lang naman eh. *Ehem ehem* Hoy wag na kayong makichika tara na labas na tayo dismiss ko na kayo ng maaga!" sigaw ni Ate Margaux sa members namin na halata namang nakadungaw malapit sa pwesto ko!
Unti unti ng nawalan ng tao sa room, hanggang sa kaming dalawa na lang.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY IN LOVE
RomanceThe best love story is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. And sometimes in life, you end up falling for the person you thought you have never have feeling for.