UIL: chapter 35 - Paluin ng drumsticks!

1.5K 19 7
                                    

Chapter 35 : Paluin ng drumsticks!

Tree's POV

Ngayon ko isasagawa ang  'Oplan reconcillation' ng mag-ama. Sana lang maging successful to! Ang kailangan ko lang namang gawin ay ayain si Still kumain sa Japanese restaurant, kung saan hindi niya alam nandun si Tito James naghihintay at pagkatapos iiwan ko silang mag-ama para makapag-usap in short sisibat na ko!

Oh di ba ang Brilliant ng naisip ko? Kinunstaba ko pa yung Manager ng resto para dito! Paano? Ayun Binugaw ko sandali si Reena XD

Pinuntahan kasi namin ni Reena kahapon yung resto. Ayaw ko kasing maging makasaysayang EPIC FAIL ang pagbabati nung mag tatay, kaya kinausap namin yung manager. Baka kasi pag pinapunta ko si Still dito tapos nalaman niyang kakausapin niya ang dad niya nako siguradong lalayas yun! Kaya naman ang dinner hall na pinareserve ko yung may pinto para pwedeng ilock! Hindi na makalayas si Still at pag nangyari yun no choice siya kundi kausapin ang Dad niya.

Tinext ko si Tito James para ipaalala yung dinner mamaya. Wala rin kasi siyang alam tungkol dito, ang alam niya makikipagkita lang ako para kausapin siya.

Nakarating ako sa practice room ng Fridays. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang knob ng pinto, kailangan ko siyang mapapayag sumama sakin mamaya. Eh paano kung ireject ako? Nakakahiya naman tong gagawin ko pero sige bahala na.I’ll finished what I’ve started.

Pagpasok ko sa loob napa tigil sila sa pagprapractice. Mukha silang pagod?

Lumapit sakin si KELVS, TYLER AT SHIN.

"Ui Treeeeee! Buti nandito ka na, You're our saviour!" sabi ni Kelvs sabay kapit sa kaliwang braso ko.

Si Still ayun nakaheadset at nagdru-drums pa rin parang walang nakikita? Hello Andito ako! Halos 2 araw niya kaya akong di pinapansin, Maski pang -aasar wala kang maririnig sa kanya. Dinadaan niya ako sa silent eklat treatment niya na yan.

Si Shin at Tyler naman binati rin ako pero inihiwalay nila si Kelvs sa pagkakakapit sakin.

"Busy kayo?." tanong ko naman sa kanila.

"Kanina pa kami dito, si Still ang hirap kausap eh. May topak." Sabi ni Shin.

"Kanina niya pa kami pinapahirapan, feeling ko nga mamamaga na lalamunan ko kakanta! Kausapin mo yang Boyfriend mo laki ng sapak sa utak." sumbong ni Kelvs.

UNEXPECTEDLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon