UIL: chapter 44 - Just this once.

1.3K 15 1
                                    

Chapter 44

Tine's POV

*flashback*

"By any chance, yung lalaki kanina is that your boyfriend?" Shin asked me.

But I didn't say anything instead I just cry. I want to go home now and slump myself in my bed, It feels like hell. . .sobrang sakit na hindi na ko makahinga habang umiiyak, sobrang sakit na parang nakalimutan ko na kung paano tumahan. I'm angry, confused, frustrated and hurt at the same time.

Hindi ko na nga namalayan na umalis na pala kami ni Shin sa NBS at isinakay niya na ko sa loob ng taxi. Wala akong maramdaman after kong umiyak dun sa bookstore.

---------

Hindi ko pa siya nakakausap. I'm not yet ready to see his face, I can't even say his name.

Ilang araw na akong hindi kumakain, hindi ako makakain. . .wala akong gana. Hindi ako makatulog sa gabi kasi lagi kong inisip kung saan ba ako nagkulang sa kanya? Ano bang ginawa ko para gantuhin niya ko? Mahal niya ba talaga ako? Minahal niya ba ako? Mas better ba yung babaeng yun kesa sakin?

I failed my physics quiz last time at kinausap na ako ng prof ko about it. What can I do? I can't concentrate. Walang pumapasok sa utak ko nabulok na ata ang nerve cells ko, pag nakukulong ako sa kwarto sinasabi ko sa friends ko nagrereview ako but the truth is wala akong ginawa kundi umiyak.

Mahal ko siya eh. Mahal na mahal kaya ako nagkaka ganito.

Kakatanga naman oh ayan na naman naiiyak na naman ako.

"Shit naman na Lacrimal duct yan galit na galit! haha." I laughed bitterly as I wipe my tears away.

Gusto niyong malaman kung anong nafefeel ko?

IT FEELS LIKE SOMEONE STABBED YOU IN THE HEART. It's the worst feeling in the world. It plays you hard emotionally and it drains out everything inside of you.. you feel like your being gutted and you can't stop crying.

Like someone has literally taken out your heart, stepped on it, twisted it and squeezed it, then threw it to the side like it was trash. It literally hurts in your chest - like you can physically feel it.

There is nothing in the world so bad as being betrayed by someone who promised to love you forever. Two years yun eh! Two years! Asan na? Itinapon niya na lang yun basta basta, does that two years of us being together means nothing to him? Para sakin kasi napakasaya ko sa two years na yun, ako na lang pala saming dalawa ang masaya. . . siya pala hindi na kaya naghanap na siya ng iba.

TOK TOK TOK!!!! TOK TOK TOK!!!

Napahinto ako sa pag-iyak and I hurriedly calmed myself bago buksan ang pinto, siguradong si Chloe to siya lang naman ang inis na inis sakin this past few days eh.

Pagkabukas ko ng pinto tumambad sakin ang galit niyang mukha and to her side there's Gian standing na parang handang pakalmahin si Chloe anytime.

"Why?" I asked her.

"Mag-usap tayo sa baba. NGAYON NA." pagkatapos niyang sabihin yun hinila niya ako pababa ng hagdan or more kinakaladkad niya ako.

Nang makarating kaming sala nandun ang ColFri except kay Tree. Mukhang pati sila clueless kung bakit ganto si Chloe at kung bakit nandito si Gian sa Apartment.

She stood up in front of us and she crossed her arms looking so pissed. Kinakabahan ako, ano bang problema at parang ang seryoso niya?

"Tine. . . kelan mo pa alam na ginagago ka ni Lex?"

Halos parang nabingi ako sa tanong niya. But I remained my expression na parang wala lang at hindi ako nagulat sa sinabi niya.

Si Ree, Lian, at Neva hindi makapagsalita at nakatingin lang sila samin ni Chloe with shocked expression on their faces.

"Ha? Ano bang sinasabi mo dyan Chloe?" I tried my best to sound innocent and managed to give her a fake smile.

I don't want them to get involved with this, It's my mess kaya ako ang magliligpit.

"T*NGNA TINE WAG KANG UMARTE DYAN! ANO HINDI MO PA RIN SASABIHIN?! MAGPAPANGGAP KA NA LANG DYAN? ANO WALA KANG GAGAWIN?!" She shouted at me and I think I saw a nerve twitch through her neck.

"What do you want me to say ha? Na ano? OO NILOLOKO NIYA KO AT WALA PA RIN AKONG GINAGAWA HANGGANG NGAYON, NA ANG TATANGA TANGA KO NA ANG BOBO BOBO KO! Fine there I've said it already I am one stupid girl to believe in him ano okay na ba?!" Lahat sila nagulat sa sudden outbursts ko at hindi ko na napigilan ang sunod sunod na patak ng luha ko.

Agad naman akong niyakap ni Lian at hinagod niya ang likod ko. First time nila akong nakitang umiyak, hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na madalas malungkot eh. Siguro kahit ngayon lang hahayaan kong makita nila akong ganito. . .na weak akong tao na vulnerable din ako. Nasasaktan din ako at hindi ako ganong katalino tulad ng iniisip nila.

-------------------------TBC---------------

A/N : Is wattpad down again? Ang gara kasi di ako magkapag log in if not connecting it to facebook, Can't dedicate, I can't Manage, Can't change the cover. :(((( Why???

UNEXPECTEDLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon