UIL: chapter 30 - Kawang gawa *period*

1.6K 19 1
                                    

CHAPTER 30

TREE'S POV

Now he's ignoring me -_____- Hay ganun ba kalaki ang galit niya sa Tatay niya? kada ibribring up ko yung Topic linalayasan ako! The eff lang talaga. Paano ko sila mapagbabati kung ayaw niyang maki-cooperate? 

Pero nag-iisip pa rin ako ng Brilliant idea . . . eh yun nga lang hindi ko pa alam kung ano! kaya nga iniisip eh =_¬¬___=

Dahil nga sa linayasan niya ako, pupuntahan ko na lang, si Juan para ibalik yung sweater na ipinahiram niya sakin tsaka hihingi na rin ako ng advice kung anong pwedeng gawin sa bestfriend niyang matigas ang ulo! Crap, rephase that: matigas ang puso!

Nagpunta ako sa Gym, alam ko kasi nandito lang siya pag ganitong araw at oras. AKO NA STALKER!

Pagkapasok ko ng Gym. . . hindi naman ako nagkamali nandito nga siya at nagprapractice mag-isa. Dati lagi ko siyang pinapanuod ng palihim dito tuwing nag-prapratice siya, masaya ako pagpinapanuod siya kahit sa malayo. Yung pakiramdam kasi . . .alam mo yun iba,  hindi ko madescribe yung feeling eh pasensya na mahina ako dyan -_____- Inatake na naman ako ng Alexithymia? Narinig ko lang kay Tine yan wag niyo akong batuhin dahil sa pagsasalita ng malalim na words!

Nakakamiss din pa lang panuorin siya, lately kasi hindi ko na nagagawa pa to. Alam mo na dahil sa Deal.

Umupo muna ako sa gilid dun malapit sa court, mukang hindi yata niya napansin na may tao. Pinanuod ko muna siya sandali. . . Hayyy bakit ba kahit pawisan at mukang pagod na siya ang gwapo niya pa rin? why so handsome?

"Tree, It's rude to stare." sabi niya sakin sabay shoot ng bola sa ring. Natauhan naman ako sa sinabi niya O__o nakita niya kong nakakatitig!? 

"O-oi h-hindi ahh!" pagdedeny ko.

"If you say so." tapos ngumiti siya then lumapit sa kinauupuan ko.

"Ahh Juan ibabalik ko sana yung sweater mo, eto oh Thanks pala uli." Inabot ko sa kanya ang paper bag, laman ay sweater niya. 

Sa totoo lang ayaw ko pa nga sanang ibalik eh! Pero napicturan ko na yan nung inuwi ko sa bahay kaya pwede na yun. Makuntento na sa picture.

"You're welcome, basta ikaw."

Pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya. Narinig niyo yun! kyahh basta ako raw O///O Ansabee ng mga Iglesia ni Cristo sa haba ng hair ko!

"Ano ahh pwede bang magtanong sayo?" Aishh anung sabi ko? tanga talaga nagtatanong na nga ako eh. Kasi naman pag nasa harap ko siya para akong mauubusan ng sasabihin >____<

"Sure, what is it?" sabi niya habang nagpupunas ng pawis. Kahit ako na lang magpunas!

Ok Tree hindi ka nandito para Lumandi ha?! Umayos ka wag mo na lang siyang tingnan ok? Kaya natin yan Tree! Go Fight lang ang mantra!

"Si Still kasi . . .ayaw niyang makipag-usap sa Dad niya, Hay ganun ba siya kagalit? May alam ka bang paraan kung paano siya makikipagbati?"

"So I guess Tito James talked to you. Si Still kasi may katigasan ang ulo, even us his friends can't convince him to settle out things with his Dad. Pero kung gusto mo talaga siyang makipagbati daanin mo sa santong paspasan"

"Huh what do you mean? Yung kasabihan na: 'kung hindi madaan sa santong dasalan daanin sa santong paspasan' "

"Exactly!"

Teka parang alam ko na kung ano ang ibig sabihin nitong si Juan. Tama daanin sa santong paspasan. muahahahaha.

"Tree."

"Oh?" lutang kong sagot. Nag-iisip pa kasi ako kung paano ko gagawin yung plano ko eh.

"You know what. . . Still is lucky to have you."

"huh? maswerte. .bakit naman?"

"Kasi. . . you care for him a lot."

"Hahaha yun ba? kawang gawa lang yon!" 

"Huh? kawang gawa?" Ay shit! ano bang sinasabi ko?! Girlfriend nga pala ako kaya dapat hindi ganun ang sinagot ko.

"Ahahaha what I mean dapat lang na mag care ako para sa kanya kasi . . . girlfriend niya ako. haha. tama yun nga" Grabe muntik na!

"Ahh sige Tree, maybe I should comeback practicing." 

Tumango lang ako. 

Narinig ko na may ibinulong siya, sabi niya: "nakakainggit naman." Ha? bakit niya nasabi? naiinggit siya kanino? kay Still? Bakit naman eh halos perfect na nga siya, wala na siyang dapat pang ikainggit!

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at muli tiningnan siya habang seryosong nagprapractice. Dati hanggang tingin na lang ako sa kanya pero ngayon nakakusap ko na at nahihingan pa ng advice.

Lumabas na ako ng Gym habang iniisip kung paano ko pa rin mapagbabati yung mag-ama. Pero malaking tulong na ang sinabi ni Juan hindi ko lang alam kung kelan ko gagawin pero alam ko na talaga. 

Hayy pero magagalit sakin si Still. . . panigurado! Bahala na nga siyang magalit tutal para naman din to sa kanya kaya wag siyang mag-inarte diyan >___<

----------------------TBC------------------

:)

UNEXPECTEDLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon