Chapter 38
TREE's POV
Nakarating kami ng condo habang akay akay ko siya. Imagine that? Ang bigat niya! Kundi lang talaga kasalanan ang mang-iwan ng taong may sakit kanina pa ako sumibat, lakas kasing mangunsensya ni Manong taxi driver eh.
At ngayon nasa tapat kami ng pinto, wala na tulog na siya inupo ko muna siya sa sahig. Grabe kasi eh masama na nga pakiramdam pumapasok pa!
"Still anong passcode nito?" tanong ko sa kanya. Umupo ako para mapantayan siya, kaso wala No response. Paano ngayon kami makakapasok sa loob?
Huminga ako ng malalim at sinubukang magtry ng random ng numbers. Di ko naman kasi alam kung kelan birthday niya malay ko kung yun pala ang passcode?! Sana naman sapian ako ng kaluluwa ni Einstein baka sakaling maisip ko di ba?
"Shet ano ba to nakaka-limang try nako ayaw pa din! Wooo patience Trinity patience. Kaya mo yan isang try na lang." sabi ko sa sarili ko pag ito di pa gumana gigibain ko tong pinto! Jk lang as if naman na kaya ko!
I entered numbers 123454321. At biglang tumunog ang pinto pabukas. O____o Yun lang yung pinaghihirapang kong passcode kanina pa? Oh good Lord thank you very much akala ko dito na lang kami sa labas ng pinto eh!
Binuhat ko si Still patayo at pumasok kami sa loob.
Hinanap ko agad ang kwarto niya at inihiga siya dun, paano na ngayon ang gagawin ko? Di ko naman pwedeng iwan dito yan ng mag-isa kasi wala naman siyang kasama tapos may sakit pa siya! Baka pag-iniwan ko yan mabalitaan ko na lang bukas na deads na >__< Nakulong pa ko ng di oras. Hay no choice!
Basang basa ang damit ko kaya naman ang hanap muna ako ng pwedeng pamalit, hihiram muna ako sa kanya at baka pati ako magkasakit.
Naghanap ako sa closet niya ng pwede kong suotin.
"Hmm alin kaya dito?" hinalungkay ko yung mga nakasabit sa aparador. In the end kinuha ko na lang yung white long sleeves polo shirt niya, Eto na lang ang lamig kasi eh!
After kong magpalit sa CR, pinuntahan ko ulit siya sa kinahihigaan niya.
Ang taas ng lagnat! Paano to hindi naman ako marunong mag-alaga ng may sakit? Tawagan ko kaya si Tine? siya may alam sa mga ganto.
I dialed Tine's number pero walang sumasagot. Ano ba yan kelan pa siya natutong mag patay ng phone? Laging open ang phone nun kasi pag tumatawag ang BF niya todo sagot siya?! Sa landline na nga lang ako tatawag.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY IN LOVE
RomanceThe best love story is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. And sometimes in life, you end up falling for the person you thought you have never have feeling for.