"Excuse me mister!" Alanganin ang ngiting sabi nya sabay kalabit sa balikat ng lalaking agad na lumingod at kunot noong sinipat sya ng tingin.
Gusto nyang panginigan ng tuhod sa klase ng tinging ibinigay nito pero pilit nyang inignora ang kabang na raramdaman at bahagyang tumikhim, saka napa kagat labing sinulyapan ang mga kasama nito sa mesa saka muling yumuko sa lalaking naka tingala sa kanya at kunot noo paring matiim syang tinitignan.
"Ahmm... Ahmmm..." pa ulit ulit nyang sabi pero tila di nya mahagilap sa isip kung anong sasabihin nya at kung hindi pa nag tawanan ang mga lalaki sa mesa maliban sa kinalabit nya na hanggang ngayon ay naka titig sa kanya ay di sya mahihimsmasan.
"Pare wag mong paka titigan, ni ni nerbyos tuloy sayo si miss beautiful." sabi ng lalaki sa kaliwa nito.
"So miss anong kailangan mo kay pareng Rolf." sabi naman ng isa pa.
"Ahmmm... Rolf nice name, ahmmm my friends and i had a...de...dare...can i, can i kiss you?" kanda utal na sabi nya.
napa taas ang sulok ng labi ng lalaki, habang ang lima naman ay nag halakhakan.
"Ano pre? can she kiss you daw?" muling sabi ng isa pa.
"Of course you can miss beautiful!" sabi naman ng isa pa.
Ngumisi ang lalaking tinawag na Rolf, saka walang babalang tumayo, towering over her at mabilis syang hinapit sa beywang at walang babalang sinibasib sya ng halik. nanlalaki ang matang na pa singhap sya at naibuka nya ang bibig bagay na sinamantala ng lalaki at ipinasok sa bibig nya ang dila nito at ginalugad ang bawat sulot ng bibig nya.
Di nya na gawang kumilos man lang, na himasmasan lang sya ng marinig nya ang paswetan ng mga tao at ang mapanuksong kantyawan ng mga kaibigan nito. mabilis nyang itinulak ang lalaki na agad naman syang binitiwan.
Pinilit nyang huwag ipahalatang na nginginig ang mga tuhod nya, saka matapos hagurin ng sariling dila ang mga labi ay bahagyang kinagat iyon saka kiming nag thank you sya sa lalaki at kagat labing mabilis na tumalilis pabalik sa mesa ng mga kaibigan nya.
Na datnan nyang tulala ang tatlong bruha habang ang mga lalaki naman ay may mga nakaka bwesit na ngisi sa mukha. mabilis nyang dinampot ang clutch bag nya at walang sabi sabing lakad takbo syang tumalilis pa labas ng bar. Di pinansin ang pag tawag ni Berna sa pangalan nya.
Nang maka labas sya ay mabilis syang pumara ng taxi at agad na sumakay at nag pahatid sa dormitoryo nya. Habang nasa daan ay di nya mapigilang di salatin ang mga labing kinuyumos ng halik ng estranghero, di nya rin maunawaan ang sarili kung bakit tila kuma kalabog ang puso nya sa pag tibok.
"Well wala akong experience sa pakikipag halikan, so siguro ganito talaga ang pakiramdam pag first time." Bulong ni Emman sa sarili habang salat - salat ang ang sariling labi, Saka pasimpleng napa ngiti ng maalala ang itsura ng lalaki.
Ang gwapo! Walang panama ang mga lalaking kasama nila sa mesa kanina, kahit na ang handsome prof. nilang si mr. Vital na matagal nya ng crush at reason kung bakit wala syang matipuhang mga boys sa university kasi para sakanya university boys are boys, while mr. Vital is a man. Pero ang lalaki kanina hindi Lang basta man, kundi hunk pa!
"Haist! Maka laglag panty si kuya, too bad we might not see each other again!" Muling bulong nya sa sarili. Saka pa simpleng sinulyapan ang driver at ramdam nya ang pamumula ng mukha ng makitang tila na papantastikohan itong naka tingin sa kanya sa salamin. Napa ngisi pa ito Saka.
"In love yata kayo ma'am." Biglang sabi nito. Lalo tuloy syang pinamulahan ng mukha.
"Naku, hindi ah, ikaw talaga kuya!" Sabi nya na lang sabay tingin sa labas ng bintana, sakto namang pumasok na sila sa arko ng intramuros kung nasaan ang dormitoryong tinitirhan nya. Ilang sandali pa at nag bayad na sya sa driver at agad na umibis at umakyat sa itaas.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly Expected
RomanceTruth or Dare?! A childish game that she played one faithful summer night, and before she could think, the word dare came out of her mouth and the next thing she knew she was kissing a random stranger in that crowded bar. Emmanuelle was never bee...