Part 5

12K 146 0
                                    

Dahil talagang gutom na si Emman ay agad syang nag sandok ng pagkain at na upo sa harap ng mesa, akmang susubo na sya ng tarantang pumasok ng dining area si Via.

"Sis si Gelo daw di maka hinga sabi ni Patrick, I need to go there para may kasamang nurse sa ambulance." Agad na bungad nito.

"What?! Ano daw nangyari? Sis sa sama ako." Taranta na ring sabi nya, na agad binitiwan ang hawak na kubyertos sabay tayo.

Naunahan nya pa lumabas ng dining area Si Via at agad na hinagilap ang overnight bag nya at kinuha sa loob ang di lalakihang clutch bag nya. Si Via naman ay binitbit ang emergency first aid kit bag nito at agad syang sinundan sa paglabas. Lakad takbo silang lumabas ng bakuran, kapwa hingal na hingal sila ng maka Sakay sa tricycle.

Ilang sandali pa at pumarada na sila sa harap ng plaza, agad bumaba si Emman at patakbong pumasok sa plaza. Naki pag siksikan sya sa mga taong nag o osyoso at ng hindi sya maka daan ay sinigawan nya ang mga tao.

"Tabi! Out of the way! Kaya di maka hinga ang bata walang hangging maka daan. Pwede ba alis! Alis!" Pa sigaw na pag tataboy nya sa mga tao. Na pahiya yata at binigay sya ng daan.

Nabungaran nyang kandong ni Rolf ang halos kulay ube ng si Gelo, habang sinusuri ng doctor.

"What happened? Bat di sya maka hinga?" Malakas na tanong nya. Iling Lang ang sagot ni Rolf habang hindi sya pinansin ng Doktor.

Pagbungad ni Via ah tinanong rin nito ang doctor saka lang ito sumagot, saying wala itong makitang kakaiba sa bata maliban sa pangingitim at pangangapos ng hininga. Iginala nya ang mga mata hanggang sa mapuna nya ang mga balat ng nilagang mani sa sahig at mesa. Nan laki ang mga mata nya at mabilis na tinabig ang mga nasa ibabaw ng mesa ng malinis iyon. Napa tingin sa kanya ang mga tao dahil sa ingay na nilikha ng mga nabasag na bote, pinagalitan rin sya ng doctor pero wala syang paki. Si Rolf ang tinignan nya.

"Rolf itagilid mo sa mesa si Gelo ngayon na bilisan mo!" Malakas na utos nya at ng hindi ito kumilos ay sya na ang kusang kumuha sa bata sa kandungan nito.

"Gelo, baby nandito si mommy, trust me on this okay I'm not going to hurt you." Bulong nya sa bata, Saka ito marahang ihiniga sa mesa at mabilis na hinubad ang soot nitong denim pants. Saka nya itinagilid.

"Em, anong ginagawa mo?! Isakay na natin si Gelo sa ambulance." Sabi ni Via.

"No! Hindi sya aabot! Pwede ba palayasin nyo na lang yang mga tao, pati ako di maka hinga wala ng hanging maka pasok." Pa bulyaw na sagot nya, Saka tarantang binuksan ang clutch bag nya at itinaktak ang laman. At ng makita ang hinahanap ay agad iyong dinampot at binuksan. Wala syang sinayang na sandali at mabilis nyang isinaksak ang pen injector sa hita ni Gelo.

At sa na nginginig na kamay ay hinugot iyon saka binitiwan sa mesa. At hinawakan ang mga kamay ng bata at hinaplos- haplos iyon. In a matter of a second ay nagbago ang pag hinga ni Gelo at ang kaninang kulay ubeng mukha nito ay unti - unting binalikan ng normal na kulay, na iiyak na binuhat at niyakap nya ang bata.

"Mommy, I cant breath!" Maya maya'y reklamo nito pero di bumitiw sa pag kaka yakap sa leeg nya, niluwagan nya ang yakap sa bata at hinaplos - haplos ang likod nito.

At muntik na syang mapa pitlag ng may bahagyang tumikhim sa tabi nya.

"Baka pwede ko ng hawakan ang anak ko." Ani Rolf na di nya namalayang naka tayo sa tabi nya.

Napa tingin sya dito, saka nya lang na pansin na halos ga hibla lang ang layo nito sa kanya, at naka tunghay sa mukha nya ang kulay tsokolate at na mumungay nitong mga mata, at gumuhit ang Tipid na ngiti sa ma mula - mula nitong mga labing ga dangkal na lang ang layo sa mukha nya.

Unexpectedly ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon