Tanghali na ng magising si Emman kina magahan, dapat uuwi sya ngayon sa Pangasinan dahil sa highschool alumni celebration bukas pero tinatamad sya, bukod sa hindi pa sya naka kapag ayos ng mga dadalhing gamit ay hindi pa sya nakaka pag pa alam sa isang importanteng tao sa buhay nya na alam nyang mag tatampo kapag de sya nag pakita sa buong bakasyon lalo nat alam nitong wala namang klase.
Sangdamakmak ang messages nya sa phone pero de nya pinansin, sa halip ay na pag pasyahan nyang tumawag muna sa bahay bago sya pumunta, pero medyo disappointed sya ng malamang wala ito at nasa bakasyon, kung gumising lang sana sya ng maaga de sana naka usap nya sana ito kahit sa phone.
"Di bale mag kikita naman kami sa pasukan." Aniya sa sarili. Saka inumpisahang I empake ang mga dadalhin, tanghali na ng matapos sya, at dahil ayaw nyang bumyahe pag mainit naisip nyang kinabukasan na lang sya ba byahe pa uwi sa kanila.
--------------------------------------
Kinibukasan maaga syang na gising at mabilis na naligo at ginawa ang mga seremonyas nya sa katawan bago nag bihis at bumaba.
Pag baba nya ay halos mangilan ngilan lang ang tao sa karaniway busing canteen, marahil dahil walang pasok kaya ganoon, ka kaunti lang rin ang choices ng datiy sandamakmak na ready to eat food sa canteen ni ate Malou.
Not much choice kaya omorder nalang sya ng hotsilog at isang milo, pagkabayad ay agad nyang nilantakan ang pagkain nya at ng matapos ay nag mamadaling pumanhik sa itaas at na nipilyo. Muli syang lumabas at nag pa alam sa landlady nyang si ate Grace na uuwi muna sya sa probinsya sa buong duration ng bakasyon at nag sabing pag uwi nya na ang bayad sa renta. Sanay na ito sa kanya kaya agad itong pumayag.
Nang maka pag paalam ay muli syang bumaba, nasa likod nya ang backpack nya at bitbit nya naman ang overnight bag nya. Nag lakad sya hanggang sa paradahan ng jeep, buti na lang pag dating nya saktong may jeep na byaheng cubao kaya agad syang sumakay. Makalipas ang halos isang oras dahil sa pang umagang traffic ay naka rating rin sya sa cubao, tumawid sya ng tulay at nag lakad papunta sa paradahan ng bus byaheng Pangasinan.
Sini swerte yata talaga sya ngayong umaga dahil saktong may pa alis na aircon bus sa terminal ng victory liner, deretsong Alaminos. Sumakay na sya at ilang sandali pa at bumyahe na ang bus. Mahigit anim na oras ang byahe kaya naisipan nyang patugtogin ang luma at mumurahing mp3 player nya at nakinig sa mga paburito nyang kanta.
Makalipas ang ilang oras at napa idlip sya nang mag mulat sya ng mata ay papasok na sila ng bayan ng lingayen sa pangasinan ibig sabihin mahigit isang oras na lang ang ipag hihintay nya at ba baba na rin sya.
Sa kalaunan ngay naka rating na rin sya sa destinasyon ng bus nag madali sya sa pag baba at agad na lumipat sa estasyon ng jeep na byaheng Burgos na man, doon sya nag dalaga dahil noong mag ha highschool na sya ay lumipat doon ang buong pamilya ng tita Mona nya, o Mommy kung tawagin nya dahil doon na permanenteng na destino ang asawa nitong si Ruben na hepe ng pulisya sa nasabing bayan.
Palaki sya ng mag asawa dahil na matay ang mama nyang si Alicia na kapatid ng mommy Mona nya sa panga nganak sa kanya at dahil dadalawa naman ang mga itong mag ka patid ay wala itong nagawa kundi kupkopin sya lalo nat wala namang ipina kilalang asawa ang mama nya dito. De nya alam kung sinong tatay nya, kaya sa ang apelyedong dala nya ay ang apelyedo rin ng namayapa nyang ina.
Mabait naman at talagang minahal rin sya ng mag asawa, pero dahil nga medyo malalaki na ang mga anak ng mga ito ng isilang sya ay alam ng mga itong hindi naman talaga sila mag kakapatid kaya habang lumalaki ay alaga syang tuksuhin ng tatlong pinsan. Pero nang mag silaki naman sila ay naging close rin sila, lalo na ng pinsan nyang si Via na apat na taon lang naman ang tanda sa kanya, ito ang bunso ng mommy Mona nya.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Expected
RomanceTruth or Dare?! A childish game that she played one faithful summer night, and before she could think, the word dare came out of her mouth and the next thing she knew she was kissing a random stranger in that crowded bar. Emmanuelle was never bee...
