Part 7

10.9K 134 5
                                    


"Aray ko, bitiwan mo nga ako! Bat ka ba nang hihila?!" Malakas at inis na sabi ni Emmanuelle kay Rolf na mahigpit na hawak ang braso nya at kaladkad pa rin sya.

Hindi ito umimik pero bahagyang niluwagan ang pagkaka hawak sa braso nya pero hindi sya binitiwan, medyo lumiit din ang mga hakbang nito at ng madala sya nito sa medyo kubling lugar ay saka lang sya binitiwan.

Naka simangot na hinaplos - haplos nya ang brasong bahagyang na mula at mukhang mag papasa sa higpit ng hawak ng binata kanina. Tinitigan nya ito ng masama at agad nya itong inirapan ng salubungin nito ng masamang tingin ang titig nya. Parang gusto nyang panuyuan ng lalamunan, sa parang apoy na na babanaag nya sa galit na mga mata nito at sa na mumulang mukha at leeg.

"Ano ti titigan mo na lang ba ko?! Bat di ka mag salita ng malaman ko kung anong pinag puputok ng butsi mo!" Inis na singhal nya dito.

"Nag tatanong ka kung anong pinag puputok ng butsi ko?! Gano ka ba ka busy para hindi mo magawang sagutin ang tawag ko o i reply kahit isa sa text messages ko? Saka tignan mo nga yang itsura mo wala ka ng tinakpan kaya pinag fiestahan ka ng kalalakihan!" Singhal ni Rolf sa kanya na hinagod sya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tinignan nya ang sarili, so far wala syang nakitang masama sa damit nya.

"Anong problema mo sa damit ko? Hindi naman ikaw ang bumibili ng damit ko kaya wala kang paki alam kung anong isuot ko! Saka natural mag soot ako ng ganito dahil beach themed wedding ang pinuntahan ko hindi lamay, anong gusto mong isuot ko duster, yong puro bulaklak sa palengke?!" Sigaw ni Emman.

"Wag mo kong sigawan, hindi ako bingi!" Mataas ang boses na bulyaw ni Rolf na parang sumi singasing na toro at umuusok ang ilong.

"Wag mo rin akong sigawan! Ano ba kita at bakit ba ako mag papaliwanang sayo?! Saka anong pinag sa sabi mong tawag at text eh wala naman akong na tanggap galing sayo!" Singhal nya din.

" Anong wala? Sa dami ng text at tawag ko sayo imposibleng wala kang natanggap! Ang sabihin mo busy ka ka entertain ng mga lalaki mong kulang na lang lamutakin ka sa harap ng kung sino - sino!" Balik bulyaw ni Rolf sa kanya na nag lalabasan ang ugat sa leeg at naka kuyom ang mga kamao, kung hindi sya galit malamang natakot sya sa itsura ng binata.

Itinapon nya sa paanan ni Rolf ang hawak nyang bouquet ng bulaklak na nasalo nya kanina ng itapon ni Carina ang bouquet nito. Saka padaskol na ini labas ang cellphone nya.

"Ayan kalkalin mo nga dyan kung asan dyan ang sinasabi mong text at tawag mo!" Inis pa ring sabi nya sabay bato ng cellphone nya sa binata, na sapol ito sa noo at wasak na bumagsak sa paanan nito ang cellphone nya.

Gusto nyang ma iyak pero hindi nya nagawa, dahil sa isang iglap na saklit na sya ng binata at naisandal sa dingding na kawayan ng likod ng cottage na katabi nila at walang sabi - sabing sinunggaban ng halik.

Marahas ang paraan ng pag halik ni Rolf sa kanya pilit nyang ini iiwas ang mukha at itinutulak ang binata, pero na pin down sya nito sa dingding kaya hindi nya magawang maka wala. Plus nang mag bago ang paraan ng pag halik ng binata sa kanya ay na malayan nya ang sariling tinutugon ang halik nito at hinayaan nyang laruin ng dila nito ang loob ng bibig nya at di nag tagal ay maging ang dila nya ay nakikipag laro na rin.

Ang kaninang mga palad nyang pilit itinutulak palayo ang binata ay na ngungyapit na sa balikat at leeg nito at bahagya pa itong hinihila palapit sa kanya, sa sobrang lapit nila sa isat isa ay mukhang wala ng hangin na makaka daan sa pagitan nila.

Ang kanina ring mga kamay ni Rolf na mahigpit na saklit sya ay malaya ng nag lalakbay sa katawan nya, naruong humaplos sa mga pisngi nya, sa leeg at balikat. At malaya ring pumipisil sa dibdib, mga hita at pang upo nya. At sa bawat pisil at haplos nito ay unti - unting nag lalaho ang inis nya sa binata. Na papa ungol at na papa daing sya sa mga ginagawa nito sa kanya at na iiliyad nya ang dibdib.

Unexpectedly ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon