Kinamagahan pagka kain ng almusal ay maaga rin silang umalis at umuwi, next week na ang kasal at marami pang dapat asikasohin kaya hindi sila pwedeng magtagal kahit gustohin pa nila. Pag uwi nila ay nila ay ini hatid lang sila ni Rolf at umuwi rin ito, maliban kay Gelong nag paiwan sa kanila.Sinundo na lang nito ang bata kina gabihan at dahil sa request ni Gelo ini hatid nya ang mag ama hanggang sa sasakyan siniil muna sya ng halik ng kasintahan bago ito tuluyang sumakay sa sasakyan at umalis, tumalikod sya at nag lakad pa uwi.
"Bakit kasi hindi pa kayo mag pakasal ni Rolf, attach na attach sayo ang anak nya, mukha namang mahal ka ni Rolf bat di ka pa kasi pumayag?" Bungad ni Clara na kasalukuyang nasa kanila kasama ng asawa.
"Ayoko pang mag asawa te, tama na muna yong ganto." Sagot ni Emmanuelle
"Hayaan mo na hon, bata pa naman si Emman, pero ikaw rin Ems baka maka hanap pa ng iba si Rolf, alam mo naman ang buhay barko daming tukso." Sabi naman ng asawa ni Clara.
"Ay naku kuya, di ko kawalan pag pinag palit nya ko sa iba, sa ganda kong to?!" Aniyang dinaan sa biro ang pangamba.
Sa totoo lang lately medyo ng hinayang sya na hindi sya pumayag makasal kay Rolf, siguro dahil nakita nya ang saya at excitement ni Via sa na lalapit na kasal nito. Kaya lang nahiya naman syang mag aya kay Rolf. Saka ang isa pang pumipigil sa kanya eh never pa namang nag sabi si Rolf ng I love you sa kanya. Minsang binanggit nya kay Clara sabi nito action speaks louder than words daw, kasi kung kilos naman daw ni Rolf ang mamasdan obvious na mahal sya nito. Pero ayaw nya kasi ng action lang, gusto nya ring marinig.
Hindi pa rin naman sya nag a I love you sa binata dahil baka mamaya hindi ito mag reply o hindi kumibo masaktan lang sya. Si Gelo lang ang sinasabihan nya ng I love you, kahit minsan gusto nyang ipa tungkol kay Rolf ang mga salitang yon.
Maliban sa absence ng words of love sa relasyon nila ni Rolf ay wala syang ma i pipintas, walang araw na hindi ito nag text o tumawag, madalas silang kumain sa labas o mag picnic kasama si Gelo, kung sa kama naman wala syang ma I pipintas sa galing at sarap nitong mag paligaya, not that she's experienced & she had another experience to someone else to compare him to. Kung ano man ang meron sila ni Rolf kontento na sya.
Matuling lumipas ang isang linggo and before they know it kasal na ni Via Kina bukasan at syempre pa sya ang maid of honor at best man naman si Rolf, si Gelo ang ring bearer, hindi naka uwi ang pamilya ng ate Louisa nila dahil masyadong maiksi ang notice at hindi pinayagan ng boss, ang ibang brides maids at groom's men ay ang mga kaibigan nina Patrick at Via, habang ang mga sponsors naman ay ang mag-asawang Almazan, mga co - teachers ng mommy Mona nila at Ilang pulis na ka trabaho ng daddy Ruben nila at ilan ring mga kaibigan ni mamang Juliet.
Via looked so regal in her beautiful off white filipiniana wedding gown na kopya ng soot ni Pia wurtzbach sa Ms. Universe pageant, habang ang soot naman ni Emmanuelle ay ang kulay royal blue na kopya rin ng soot ng beauty queen sa kanyang crowning moment.
Nang mag umpisa ang wedding march ay akay ng mga magulang si Via habang nasa likod naman nila si Emmanuelle, kasunod ang Iba pang mga abay. Nasa unahan at nag hihintay sina Patrick at Rolf na kapwa napaka kisig tignan sa soot na barong tagalog. Hindi ma alis ang ngiti sa labi nina Patrick at Via sa isat - isa, habang dinaman ma puknat ang titigan nina Rolf at Emmanuelle bagay na hindi naka ligtas sa paningin ng kapatid ng dalaga na si Arman at sa asawa nitong si Jen , na mga hindi na puna ni Emmanuelle na bisita rin pala sa kasal.
Nang matapos naman ang wedding vows at ceremony ay halos hindi na hiwalayan ni Rolf ang kasintahan, bantay sarado ang dalaga at halos hindi ma dikitan ng Ibang lalaking abay na mga kaibigan ni Patrick na galing pang Manila, may isa kasi na obvious na tinamaan sa dalaga at mayat - mayang bulungan ang isa pang abay, bulungang hindi naka ligtas sa pandinig ni Rolf.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Expected
RomanceTruth or Dare?! A childish game that she played one faithful summer night, and before she could think, the word dare came out of her mouth and the next thing she knew she was kissing a random stranger in that crowded bar. Emmanuelle was never bee...