Naging abala ang lahat sa mga sumunod na araw dahil sa na lalapit na kasal Nina Via at Patrick, at dahil hindi pumayag si Emmanuelle na pakasal kay Rolf at sumabay sa kasal ng dalawa ay imbes na sa katapusan ng susunod na buwan ay naging mas maaga pa ng dalawang linggo ang petsa ng kasal ng dalawa, sinagot ni Rolf ang kalahati ng gastos sa kasal bilang regalo sa kapatid, tinulungan naman ng dalaga si Via sa pag pili ng gown, pa mimili ng wedding invitations at pamimigay.
Na pag kasunduang kuning ninang ang mama Ellie ni Emmanuelle at ang asawa nitong si Congressman Almazan na papa Rod kung tawagin ng dalaga, pumayag ang mag asawa kaya sinamahan ni Emmanuelle ang kapatid at si Patrick sa pag hahatid ng invitations at syempre pa sumama si Rolf at si Gelo.
Si Rolf ang nag da drive ng sasakyan at nasa likod sina Patrick at Via, habang kandong naman ni Emmanuelle si Gelo sa unahan katabi ni Rolf. Masaya silang nag byahe pa Bolinao at ng dumating sila sa bahay ng mga Almazan Ay masaya silang sinalubong ng mama Ellie ng dalaga. Lahat sila na gulat sa laki ng pag kaka hawig ng dalaga dito, iisipin ng kung sino mang maka Kita na mag - ina ang dalawa.
Tuwang -tuwa din ito ng makita si Gelo at agad na kinarga at hindi na binitiwan, tuwang tuwa ito sa bata. Bahagyang nag taka si Rolf kung bakit kilala ng mama Ellie ng dalaga ang anak pero inisip nyang baka na ikwenento na ng dalaga ang bata sa tyahin nito kaya hindi na sya nag komento.
Nang bumaba ng hagdan ang dalawang binata ay masayang sinalubong ng dalaga ang dalawa at panabay ng mga itong niyakap si Emmanuelle na kung hindi pa nag protesta ay hindi bibitiwan ang dalaga.
Tipid syang binati ni Brandon ng makilala sya, habang si Bryan naman ay malaki ang ngiting inilahad ang mga kamay at kinamayan sila nina Patrick at Via. Typical na politiko aniya sa isip, hindi na sya mag tataka kung isang araw ay ito ang pumalit sa pwesto ng ama pag dating ng araw.
Nag pa baba si Gelo sa ina ng mga binata at patakbong nag pa kandong ito kay Brandon, mukhang masungit ang binata pero nag taka sya sa ipinakitang pagka giliw nito sa anak nya, binuhat pa nito iyon at ipinanhik ang bata sa itaas, pag baba ulit ng mga ito ay may bitbit ng remote controlled plane ang anak nya at excited itong nag tatakbo pa labas ng bahay habang kasunod si Brandon sa likuran.
Akmang susundan nya ang anak ng pigilan sya ng dalaga.
"It's fine, leave them be, ganyan talaga yang dalawang yan pag mag kasama." Anang dalaga, na pa kunot noo sya pero hindi nya isinatinig ang pag tataka, pero ang dalaga na ang sumagot sa tanong sa isip nya.
"Lagi kong dala ang anak mo sa mga lakad ko sa Manila kaya kilala nila ang isat - isa, don't worry hindi sya papa bayaan ni Brandon, Mas love pa non si Gelo kesa sakin." Anitong naka tawa.
Natatawang sinang ayunan ni Bryan ang sinabi nya.
"So anak, baka naman sa susunod kayo na nitong si Rolf ang ikasal? Wag mo kaming kakalimutang imbitahan, sana madaliin nyo na, lumalaki na si Gelo kailangan nya ng kompletong pamilya." Baling ng mama Ellie ng dalaga sa kanila, mula sa pakikipag usap kina Patrick at Via.
"Mama talaga, mina madali nyo na ko mag asawa, akala ko ba isasama mo pa akong mag tour sa Australia Pag ka graduate ko." Naka ngusong sagot ng dalaga.
"Pwede ka pa rin namang mag tour, kayong dalawa or kayong tatlo sa honeymoon nyo, kayang - kaya namin ng papa mo at tita Elenang pag ambagan ang honeymoon package nyo." Naka ngiting sabi ni mama Ellie.
Napa ngiti si Rolf at inakbayan ang dalaga.
Kapag lahat boto sa kanya mukhang hindi sya ma hihirapang kumbinsihin ang dalagang pakasal sa kanya. Aniya sa sarili.
"Anyway, dito na kayo mananghali at mag hapunan, actually dito na rin kayo matulog bukas na kayo umuwi, gusto ko pang maka sama si Emmanuelle, mag bonding muna tayo, Saka mamaya pa dadating ang ninong Rod nyo, Via, Patrick at sayo na rin Rolf I'm sure matutuwa yong makita si Gelo, sabik na kasing mag ka apo kaso ito namang kambal namin hindi pa nag aasawa, nag aaral pa kasing pareho." Ani mama Ellie
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Expected
Любовные романыTruth or Dare?! A childish game that she played one faithful summer night, and before she could think, the word dare came out of her mouth and the next thing she knew she was kissing a random stranger in that crowded bar. Emmanuelle was never bee...
