Part15

9.4K 117 4
                                        

Pag uwi ko sa bahay ay dalawang mag asawang sampal na naman ang inabot ko kay mamang na walang tigil sa ka ngangawa, parang bata ding pinag kukurot ako ng matanda, di ko alam kung ilang sapak pa ang aabutin ko ngayong gabi, yuko ang ulong na upo ako sa sofa sa sala at nakinig sa walang katapusang litanya ng matanda. Kung may ayaw kasi sya yon ay ang pag sagot namin o pag talikod habang nag sasalita pa sya.

Maka lipas ang ilang sandali ay natapos din mag sermon si mamang at niyakap akong saglit Saka tumayo at iniwan akong mag isa pero bago tuluyang tumalikod ay bahagya pa akong piningot. Na iiling na nasundan ko na lang ng tingin ang matanda at pag kuway umakayat ako sa itaas at sinilip ang natutulog na si Gelo, malaki na ang anak ko at alam kong mahal na mahal nya ang mommy Emmanuelle nya.

Natuwa man sya sa laruang bigay ni Maureen pero saglit lang at si Emmanuelle na naman ang bukam bibig nya, halatang mahal na mahal nya ang dalaga, pero ang dalaga naman ay obvious rin na mahal ang anak ko. Iilang beses ko silang nakitang magka sama pero halata sa kilos nilang dalawa na mahal nila ang isat - isa. Sabi nga ni mamang ng dumating si Maureen ay kapag naka tagpo daw ako ng babaing katulad ni Emmanuelle mag aruga at tratohin ang anak ko kung hindi pa man si Emmanuelle ang babaing yon ay wag ko ng pakawalan.

Halata kasi ang disgusto nya kay Maureen kahit nag pipilit si Maureen na mapalapit sa matanda at halos tumira na dito sa bahay at mag lagi sa kusina ka luluto nitong  mga nag daang araw mapa luguran lang ang matanda pero hindi pa rin sapat para para magustohan nya ito o maging ni Gelo.

Minsang nag luto si Maureen ng spaghetti ay tinikman lang iyon ni Gelo at ang sabi mas masarap ang spaghetti na ni luluto sakin ng mommy ko. Ewan ko kung anong meron sa luto ni Emman para maging mas masarap sa luto ni Maureen gayong chef si Maureen sa barko.

Ang sagot ni mamang, kulang daw ang luto ni Maureen sa pag ma mahal, hindi ko alam kung kelan pa naging rekado ang pag mamahal sa spaghetti, dahil nang tikman ko naman ang luto ni Maureen ay paki lasa ko katulad lang rin yon ng lahat ng spaghetting pinoy na natikman ko.

Pag ka galing ko sa kwarto ni Gelo ay pumasok ako sa sarili kong kwarto at pabagsak na nahiga sa kama, Saka lang bumalik ang ala - ala ng kagagohan ko kanina, parang gusto kong sapakin ang sarili ko ng ipag sigawan ko sa mukha ng mga kaibigan ko na nagalaw ko na ang dalaga, kung hindi ba naman ako isang libot - isang tanga, ipi nahiya ko sa lahat ang dalaga.

I deserved all the slap and the ridicule I got tonight from everyone, sana lang tanggapin nila ang sorry ko kasi nag si sisi naman talaga ko sa mga ginawa ko, lalo na ng malaman kong hindi naman pala syota ng dalaga ang lalaki kanina kundi pinsan nya pala. Ewan ko kung panong nangyari dahil nong date namin sabi nya man liligaw nya yong Bryan na yon na napag kamalan kong Si Brandon na sinabi nya saking dati nyang type kesa don sa Bryan.

Sana rin kausapin ako ni Emmanuelle sa susunod na lapitan ko sya dahil kung hindi baka ma baliw ako, miss na miss ko na sya higit sa pagka miss sa kanya ng anak ko.

-------------------

Na idlip si Rolf sa pag iisip kaya hindi nya na malayang dumating sina Darwin at kinausap ang mamang nya, nagising na lang sya ng mag pa alam ang matandang aalis at hahatdan ng bihisan si Patrick, nag presenta  syang ipag drive ang matanda pero tumanggi ito dahil walang ma iiwan kay Gelo, bukod sa pumayag naman daw si Jordan na ihatid ito sa hospital, medyo masakit ang ulo nya kaya naligo sya at muling bumalik sa pag tulog pero na alimpungatan sya sa malakas na sampal na tumama nanaman sa na mamaga nyang mukha, tarantang na pa dilat sya at akmang gaganti sa nanampal ng mag salita ito.

"Salbahe kang lalaki ka! Ganyan ko ba kayo pina laki? Pina ki alaman mo pala ang nanay - nanayan ng anak mo, tapos ang kapal pa ng mukha mong ibando sa mga tao! Na kaka hiya ka!" Hiyaw ng matanda.

Unexpectedly ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon