Part 4

11.5K 137 0
                                    

Ang ganda at ang sexy nya daw puri ng mga kasamahang guro ng Mommy nya pati na ng mga dating teachers nya nong highschool, Tipid nyang nginitian ang mga ito, habang ang mommy nya naman ay alanganin ang ngiti at bahagya syang pinandilatan, pino naman syang kinurot ng ate Clara nya sa tagiliran sabay bulong na malandi, pero himig pabiro sabay dagdag na manang- mana daw talaga sya sa kagandahan at ka seksihan nito. Na pa ngiti rin sya at Agad na sinang ayunan ang sinabi nito.

Pag ka kuha nila ni Via ng susi ay sa gilid na sana sila dadaan pero sa dami ng tao ay napilitan syang mag lakad pabalik sa pinang galingan, ramdam nya parin ang tingin ng mga tao at dinig ang bulungan ng kababaihan na obvious na insecure sa kanilang mag pinsan, maiksing white body con dress kasi ang soot ni Via showing her slender form and long legs na lalo pang na emphasized sa red high heeled shoes na soot nito.

Pag daan nila sa isang mesa ay nag bulungan ang dalawang babae pero dinig naman nila, tinaasan lang ito ng kilay ni Via sabay.

"Hay sister ang insecurity, hindi na gagamot at naka mamatay, buti na lang tayo pretty." Medyo malakas na sabi nito sa kanya, sapat para maka rating sa pandinig ng dalawang nag bubulungan.

"I agree." Pag sang ayon nya naman, sabay tuwid ng tayo at taas noong nag lakad sa pagitan ng mga mesa.

Pero na pahinto sya ng nangibabaw sa bulungan ang malakas na sigaw ng isang bata.

"Mommy!" Awtomatikong iginala nya ang paningin at hinanap ang pinang galingan ng boses na kilalang kilala nya.

"Mommy! Mommy I'm here!" Muling sigaw nito, Napa tingin sya sa mesa nina Rolf at Patrick at kitang kita nya ng halos palundag na bumaba sa kandungan ni Rolf ang batang lalaking kilalang-kilala nya at makikilala nya ang boses kahit sa karamihan ng tao.

Ito ang anak - anakan nyang si Gelo, o Marco Angelo apo ng isa sa mga professor nya sa university. Ewan nya kung bakit magaan ang loob nya sa bata from the first moment na nakita nya ito 3 years ago, nag u umpisa palang itong mag lakad noon. Chubby at super cute kaya agad nyang na pansin, habang dala - dala ito ng yaya at nag hihintay na matapos ang klase ng lola nito.

Na pa hinto din si Via at na papantastikohan at kunot noong pinag lipat lipat ang tingin sa kanya at sa ngayon ay tumatakbong bata palapit sa kanya.

Napunit ang maluwang na ngiti sa mga labi nya at awtomatikong inalis ang sunglasses nya at malalaki ang hakbang na sinalubong ang bata. Walang paki alam sa mas lumakas na ugong ng bulungan, wala syang pake kung agaw eksena sila sa gitna ng plaza.

" Baby don't run, baka madapa ka." Medyo malakas na sabi nya, Saka may binilisan pa ang hakbang at ng mag pang abot sila ay agad nyang sinaklit ang bata at kinarga.

Agad naman nitong ipinulupot ang mga braso nito sa leeg nya at pinag hahalikan sya sa mukha.

"I missed you mom! Where have you been? I been waiting for you." Anito sa maliit at may himig tampong boses.

" I miss you too sweetheart, but you know mommy is very busy in the university, didn't granny told you? And I called up yesterday looking for you but ate minda said you left early, I was supposed to come and pick you up, then we can go to the mall and play." Mahabang paliwanag nya.

"Oh I see! My daddy came to pick me up." Naka ngiti ng sagot nito saka bumitiw sa kanya at nag pa baba, nang mailapag nya ito ay agad nitong hinagilap ang palad nya at hinawakan ng mahigpit.

"Come I'll introduce you to my daddy!." Bakas ang excitement sa tinig na sabi nito sabay hila sa kanya at patakbong nag lakad.

"Baby wait up, don't run, baka madapa tayo." Aniyang Napilitang bilisan ang pag hakbang at imbes na sa unahan ang tingin ay sa sahig sya naka tingin sa pag aalalang baka matapakan nya ang mga paa nito, kaya muntik na syang atakihin sa puso ng sa pag angat nya ng paningin ng huminto sila ay mukha ni Rolf na naka kunot noo ang na buglawan nya.

Unexpectedly ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon