Napilitang sumunod Si Emmanuelle kay Rolf at magka sunod silang pumasok sa kusina. Agad nilang nabungaran sina Via at Patrick kasama ang tyahin ng magkapatid na si mamang Juliet. Nag ka tinginan muna sila ni Via bago sya nag bigay galang."Good afternoon po." Bati nya sa matanda.
"Good afternoon din sayo hija, Thank you pala sa pag liligtas mo sa apo ko, kinabahan ako ng husto kanina." Anitong bahagyang na basag ang tinig.
"Naku okay lang po, don't mention it." Na hihiyang sabi nya.
" Ikaw ba hijo nag pa salamat man lang dito kay ano nga pangalan mo ulit neng?" Baling nito sa kanila ni Rolf.
"Of course mang!" sagot ni Rolf na bahagyang ngumisi.
"Emmanuelle po, pero call me Emman na lang po." Sagot nya naman.
"Ang ganda naman ng pangalan mo, bagay sayo, sing ganda mo." Magiliw na sabi ng matanda.
"Hindi nama ho pero salamat." Na hihiyang sabi nyang Tipid na ngumiti.
"Via, magkapatid kamo kayo Diba? Pero bakit di kayo magka mukha? Para kayong kapat gatas." De na pigilang komento nito.
"Po? Gulat na tanong ni Via na saktong kumagat ng chocolate.
"Ahm... Ang totoo po nyan, hindi naman talaga kami magkapatid ni Vi, mag pinsan ho kami, magka patid ang nanay namin, pero namatay po ang nanay ko sa panganganak sakin kaya po kina Via ako lumaki, Saka di ko rin ho alam kung nasan ang tatay ko. Mahabang paliwanag nyang medyo lumungkot ang boses.
"Ha? Ay Naku pasensya ka na na lungkot ka tuloy." Pag hingi ng paumanhin ng matanda na bahagya syang hinawakan ang kamay nya at pinisil iyon.
"Okay Lang po, masaya naman ako kina Vi, Saka mas mahal kaya ako ni mommy kesa dyan." May himig biro ng sabi nya na bahagyang inginuso si Via.
" Ay talaga po mang, kaya lagi kaming nag aaway nong mga bata pa kami." Naka tawa namang sang ayon ni Via.
"Pwede ba yon? Mga batang to, walang magulang na hindi pantay ang pag mamahal sa anak, kagaya ko pantay ang pag mamahal ko kina Patrick at Rolf at maging sa kapatid nilang si Larissa." Na ngingislap ang mga matang sabi ng matanda.
"Parang hindi naman mang!" Anang isang boses na biglang sumulpot kung saan.
Napa tikhim si Rolf, habang napa ngisi naman si Patrick na naka yakap sa baywang ni Via.
Napa tingin naman sya sa pinang galingan ng tinig at nabuglawan nya ang isang magandang babaing naka ngiti at halos walang inalis ang mukha kay Patrick. Nahulaan nya agad na ito ang tinutukoy na si Larissa.
"Ikaw pala hija, bakit ngayon ka lang? Nasan ang asawa mo?" Agad na tanong ng matanda.
"May tinatapos pang trabaho si Ian mang, susunod na lang daw bukas, kaya nag bus ako. Hi kuya long time no see, i miss you!" Baling nito kay Rolf saka tila batang nag lambitin sa leeg nito at hinagkan ang binata sa magkabilang pisngi.
"Ay sus! I miss you ka dyan, gusto mo lang ng pasalubong!" Naka tawang sabi ni Patrick na ikinatawa nilang lahat maliban kay Larissa na nag kunyaring nag tatampo.
"Selos ka nanaman palibhasa mas mahal ako ni kuya kesa sayo! Bleh!" Sabi nito kay Patrick sabay belat. Napa kamot na lang ng ulo ang binata at napa ngisi.
"Hi Via! I break mo na nga yan si Bunso ng ma broken-hearted at nang meron akong ma asar ng bongga, parang baka pa naman yan umiyak." Naka ngising baling nito kay Via.
"Wag naman te, love ko kaya to, Saka ang pogi - pogi pa, kinikilig ako." Sagot ni Via na naka tawa, saka bahagyang hinaplos ang gwapong mukha ni Patrick, obvious na inlove na inlove sa isat- isa ang dalawa.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly Expected
DragosteTruth or Dare?! A childish game that she played one faithful summer night, and before she could think, the word dare came out of her mouth and the next thing she knew she was kissing a random stranger in that crowded bar. Emmanuelle was never bee...