Parang tinakasan ng lakas na na pa upo si Rolf sa isang silya at na sapo ang sariling ulo at ng hawakan sya ni Maureen at tangkaing yakapin ay tinabig nya ito.
"Pwede ba Maureen iwan mo muna ako." Pa asik na sabi nya sa dalagang parang ma iiyak na tumalikod at iniwan sya.
Naupo si Rick sa tapat nya at na iiling na tinignan sya.
"You messed up big time pre! Kung ako sayo wag ka muna mag papakita kay Patrick baka magka patayan kayong magka patid." Sabi ni Rick na naupo sa tapat nya at na aawang tumanaw sa palayong si Maureen.
"I know, pero shit hindi ko naman sinasadya yon." Na I hilamos ang kamay sa mukhang anas nya.
"Alam ko, pero wag mo ring sabihing hindi mo sinadyang pakialaman si Emmanuelle kasi hindi ako maniniwala sayo." Matiim ang titig sa kaibigang sabi ni Rick.
"Natural sinadya ko yon, pero hindi ko naman alam na dadating si Maureen." Pa anas na sagot nya.
"Anong ibig mong sabihin kayo talaga ni Maureen tapos pinaki alaman mo yong isa? Eh gago ka pala talaga pre Eh." Pa singhal na sabi ni Rick.
"Hindi mo na i intindihan pre eh, Si Maureen at ako wala lang yon, halos isang taon na kaming walang balita sa isat - isa, wala rin kaming usapan, tapos si Emman akala ko kami na pero lumayas nga kinabukasan Pag ka tapos nong nang yari samin, tapos ngayon lang bumalik may kasama pang iba." Parang nag papa liwanag naman na sagot ni Rolf.
"Eh kahit na pre, de sana sinundan mo sa manila, tas bingi ka na yata, hindi mo ba na rinig yong sabi ni Patrick kanina, pinsan lang daw ni Emman yong lalakI, Saka tama bang ipag sigawan mong may nangyari sa inyo, Buti tayo - tayo lang ang nandito, pano kung may mga kapit bahay ako at narinig yong sinabi mo, Ano pang mukhang ihaharap nong tao?." Himig nag si sermon na sabi ni Rick sa kaibigan.
"Hindi ko naman sina sadya, galit lang ako, plus kanina pa ko na ngangating sapakin yong lalaking kasama nya, mukhang hindi nya naman pinsan kasi kung maka kapit mukhang tuko." Sagot ni Rolf na halata ang disappointment sa tono.
"Na papansin mo yong kapit ng iba, pero yong hawak ni Maureen sayo hindi mo na pupuna, kinampihan mo pa kaya ayan ang nangyari, kung ako sayo pre, payong kaibigan lang linawin mong mabuti yong standing nong dalawang babae sa buhay mo bago ka tumira ng tumira, hirap sayo yang ulo sa baba ang pina pa iral mo." Sermon ni Rick sa kaibigan.
"Gago! Parang nong ikaw hindi utak sa baba ang pina iral mo ah!" Pa biro ng singhal nya kay Rick.
"Talagang hindi tol, hanggang halik at hawak lang ako kay Shiela ha bago kami kinasal, akala Lang ng tatay nya may ginagawa kaming milagro kaya nag panic, pero ayos lang at least kita mo naman, Masaya ko sa misis ko." Proud na sabi ni Rick.
"Oo na sige na, ako na ang gago! Pero pwede ba samahan mo ko kina Via baka de pa alam sa kanila yong nang yari, wala pa kasing lumalabas sa bahay nila eh." Bakas ang nerbyos sa tinig na sabi ni Rolf.
"Tangina mo kapitan, sa bagyo de ka takot pero sa mga bi beyananin mo kung payagan ka pa Eh takot ka, tara na tumayo ka na dyan." Na tatawang sabi ni Rick.
--------------------
Mag ka sunod silang nag lakad ni Rick pa punta sa bahay nina Via, hindi maiwasang pag tinginan sya ng mga tao sa dulo ng eskinita, bakit hindi eh putok ang nguso nya at halata na ang pa mamaga plus na mumula na ang kabilang pisngi nya na tinamaan ng suntok ni Patrick.
Tuloy - tuloy silang pumasok sa bakuran nina Via at pag katok nya sa pinto ay ang galit na mukha ni Emmanuelle ang nabuglawan nya pag bukas ng pinto, dalawang sapak sa magkabila nyang pisngi ang lumagapak sa mukha nya at matalim na titig ng ina ni Via ang sumalibong sa mga mata nya ng mag taas sya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Expected
RomantikTruth or Dare?! A childish game that she played one faithful summer night, and before she could think, the word dare came out of her mouth and the next thing she knew she was kissing a random stranger in that crowded bar. Emmanuelle was never bee...