"Uy, Zanne. Sorry na!" Sabi ng makulit na lalaki sa tabi ko. Sabay sundot pa sa tagiliran ah.
"Che! Sorry mong mukha mo." Naka cross-arms na sabi ko at umirap pa sa kanya.
"Ano ba kasi dapat kong gawin?" Sabi niya sa paawang tono.
"Tumalon ka!" At nag-umpisa na ako maglakad palayo sa leshugas na nilalang nato. Nakakainis talaga!
"Dug-dug!" Napahinto na lang ako bigla ng may narinig akong parang bumagsak. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog. Nakita ko ang walang hiya habang paulit-ulit na tumalon.
"Anong ginagawa mo?" Inis-inisan kong tanong. Natatawa ako pero tinatago ko lang.
"Sabi mo tumalon ako diba?" Huminto siya at umupo sa sahig na hingal na hingal.
"Shunga! Tumalon ka mula sa mataas na building." Natatawa kong sabi at nag-walkout na ng tuluyan. Problema nun?
Hi! Ako nga pala sa Zanne P. Mercados, 12 years old sa kasalukyan. Palagi akong hinahabol ng boys at oo tumatakbo ako palayo, of course. Bata pa ako noh tsaka Grade 7 pa ako at kelangan ko muna mag-aral.
Yung walang hiyang yun naman ang kapit-bahay kong shunga. Akala ko pa naman matalino. Eh top 3 yun overall sa grade level nila eh. Ang pangalan niya ay Dale timang este Dale Thomas F. Dela Pena. Grade 9 na yun. Malapit na siyang magtapos, nakakaselos naman.
At mali kayo! HINDI KO SIYA FOREVER! Ilang taon na iyang nanliligaw sakin, well, 2 months. Nakakainis siya, sunod ng sunod. Sana lang talaga mawala na sa buhay ko para peace na ang life.
Ano? Gwapo ba siya? Capital N and O. NO! Puwes, yun ang opinyon ko. Sabi ng mga kakalase ko eh hot daw siya. Yuck!
"Zanne." Aba't! Sumunod pala 'tong shunga na'to?
"Lumayo ka nga." Sabay lakad ng mabilis.
Anong ginawa niya? Well, kaninang umaga.
*Flashback*
Hay sa wakas! Recess na! FOOD! Ay teka, di pa pala pwede. T-T Nakalimutan kong tapusin homework ko kagabi eh.
Napahinga na lang ako ng malalim at kinuha ang notebook ko mula sa bag.
"Zanne." Banggit ng isang lokong lalaki sa likuran ko. Di ko na lang papansinin. Diba nakitang nag-aaral ako? "Uy, Zanne." Isa pang tawag, naiinis na ako, busy nga eh diba? "Zanne."
"ANO?!" Napasigaw ako kaya narinig ng buong room. Tumahimik sila lahat. Teka, pano nakapasok 'tong lalaki na'to sa classroom ko? Classroom ko talga, may-ari lang?
"A-Ano, mali iyong sagot mo sa number one. Ilipat mo muna yung mga 'to para maging all in one place ang like terms." Teka ano daw?
"Ano?" Takang tanong ko. Eh tama naman ah, all in one place naman yung like terms. Problema nito?
"Tsaka yung mga 'to, dapat wala ng unit kasi di naman ano eh." Ano ulit?
"Ha?" Takang tanong ko na naman.
"Kulit mo Zanne, tanga lang? Ayusin mo nga." Natatawang sabi niya. Aba't!
"Koyang Genius! Kaya ko na 'to. KAYA LUMAYAS KA MULA SA CLASSROOM NA'TO or else... basta!"
"Sungit." Pabulong niyang sabi habang naglalakad alabas.
"ANO?!" Sigaw ko sa kanya. At itong mokong, naglakad lang palayo.
Nailing na lang ako at tumingin ulit sa assignment ko. Ilipat daw? Walang unit? Ay sige, 'wag na makipagtalo sa matalino, matalino yun kaya sigurado akong tama ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Kuyang Genius
Storie d'amoreIto ay kwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang maingay at bobitang babae at isang matalino at tunay kung magmahal na tao. Samahan niyo sila sa kanilang adventure patungo sa pag-ibig. Look out! Love might hit your heads!