Naghintay ako sa paparating na teacher. Gwapo daw? Ayan na, bumukas yung pinto. Dinig ko ang katahimikan ng buong klase. Babae at lalaki nanahimik. Malamang takot mapagalitan. First day of school pa naman.
Pagkabukas ng pinto, pati ata kaluluwa ko natahimik. Shebet! Ang gwapo! Ang puti niya, tapos yung buhok, ayos na ayos. Nakasuot siya ng suit, kulay itim. Kitang-kita ang magandang hubog ng mga balikat niya. Ang ganda ng lakad. Pakiramdam ko humina yung oras. Tumingin siya sakin at ngumiti. Pakiramdam ko may kasabay na kindat ang ngiting yun kahit wala naman. Ang landi ko na sa isip ko noh?
"Good morning class. I am your new teacher in Mathematics 12. Hindi muna tayo maguumpisa ng lessons ngayon. Syempre! Ayaw ko namang mabore kayo sa unang araw. Baka sabihin niyo nakakatamad akong teacher. For now, dahil di ko kayo lahat kilala, or I guess I know some of you." Pagkasabi niya nung huling part tumingin siya sakin. "Pero konti lang yun kaya let's have an introduction from each one of you, and then I'll introduce myself. Let's start from this side." Sabay turo sa babaeng nasa may left side ng left side ni Mika na nasa left ko naman. "Say your name, age, and three things you like."
Hala, ibig nung sabihn pang-apat ako. Naku maghanda!
Tumayo yung girl at kumindat kay sir.
"Ahem landi." Bulong ni Viena na nasa right side ko naman.
"Agree." Bulong din ni Yany sa likuran ko.
"Umm sir. My name is Alexandria ahihihi." Tawa ba yun? Pabebe, anlande. "I'm 17 years old. I like chocolate, flowers and you."
"Grabe teh... super kapal ng fefe." Bulong ulit ni Viena.
"Kumindat pa talaga, langya." Bulong din ni Yanny sa likuran ko.
"Next." Nag-smirk si sir at tinuro ang sunod na student.
Ang gwapo lang nung smirk niya.
"Hi, hi mga classmets! Hi po sir! Ako si Donald Tambo! Gikan Cebu! Este galing pong Cebu. Ga-- Mahilig po ako sa mangga po, ug—at aso, tsaka po sa foods. 18 years old po!" Ngumiti-ngiti pa siyang nagsalita at naupo na rin.
Ayan si Mika na.
"Hiii po! Ako po ang pinakamaganda, pinakacute, pinakasexy at pinakamabait na estudyante ng ating school. Mika Gonzales! I like kitties, bunnies, and kitkat! And I am proudly 17 years old, with a heart!" Nagbow pa si Mika kaya pumalakpak ang buong room.
Napangiti si sir at pinaupo na si Mika. Ang gwapo niya habang nakangiti. Nakakahulog. Langya!
"Miss."
Ang gwapo niya habang tinititigan ako.
"Miss."
Shobra...
"Zanne..." Biglaang tawag ni sir.
Ha? Ano? Yes? Teka, pano nalaman ni sir name ko? Eh di pa nga ako nag-iintroduce eh. Hala, introduction, ako na pala.
I instantly stood up.
"Ay, yes! Oo! I'm Zanne Mercados, ang nag-iisang pinakapretty at pinakamatalinong girlalu sa buong school!" Hala, pano ko yun nasabi? Ang kapal... "I'm 17 years old. Mahilig ako sa chocolates, cats and books about love." Namumula akong umupo.
Nakakakaba siya. Grabe! Grabe! Grabe!!! Tiningnan ko siya at ngumiti ng pilit. Kumindat siya sakin at ginulo ang buhok ko.
Tiningnan ako ni Viena na parang, "Close kayo?"
Ayan, si Viena na pala. Nagpatuloy lang ang mga introduction hanggang sa matapos lahat.
"I'm Vincent Potasyo, but you could call me Viena, I am 18 years old. Mahilig ako sa lipstick, clips at dresses." Ala miss universe niyang intro.

BINABASA MO ANG
Kuyang Genius
RomanceIto ay kwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang maingay at bobitang babae at isang matalino at tunay kung magmahal na tao. Samahan niyo sila sa kanilang adventure patungo sa pag-ibig. Look out! Love might hit your heads!