Nakababa na ako at timing naman na nakapasok na si koya.
"Oh Zee, nagmamadali ka? May pupuntahan ka?" Takang tanong ni mom.
Eh pano, mabilis pa sa kabayo akong nakababa. Ewan ko ba.
"Uhh, ahem, wala, wala naman." Sabi ko sabay ayos sa sarili at dahan-dahang bumaba papuntang kusina.
Sinisilip ko si koya.
"Salamat po sa pagpapatuloy dito sakin. Liligpitin ko na po yung mga gamit ko. Babalik na ako sa bahay." Dinig kong sabi niya.
"Ahh, okay lang Dale, kahit ako na yung maglinis sa kwarto. Sige lang kunin mo na yung mga gamit mo."
Nakita ko naman si mom na niyakap si koya. Nakasilip pa rin ako. Nagpapanggap akong binubuksan yung refridgerator.
"Ak—" Natigilan naman siya at nakatitig sakin.
Mabilis kong binaling ang tingin ko sa loob ng ref.
"Ako na lang po." Pagpapatuloy niya.
"Wag na iho. Ako na. Sige, punta ka na sa taas." Dinig kong sabi ni mom.
May nahagip naman akong tuna sandwich sa ref kaya kinuha ko na lang. Okay tatlo yung kinuha ko. Tatlong triple decked. Umakyat naman ako sa taas at pumunta sa harap ng kwarto ko. Bukas yung pinto ng guest room. Sumilip naman ako.
Bat walang tao? Kala ko ba nag-aayos na ng gamit yun?
Sinirado ko yung pinto ng guest room at pumunta na sa harap ng pinto ko. Oh hala! Bat ito yung bukas? Ay, nakalimutan ko atang isirado kanina.
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at bumungad sakin ang isang lalaking saksakan ng kagwapuhan este kakapalan pala, oo kakapalan. Aba't! Ang langya umupo sa higaan ko.
"Hoy! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong ko na pasigaw.
"Ang pink talaga noh? Crush mo ba si Hello Kitty?" Tanong niya habang nakamasid sa buong kwarto.
"Che! Anong paki mo kung maganda yung room ko?! Tsaka, bat mo kilala si Hello Kitty? Bakla ka noh?" Nag-crossarms naman ako at dinilaan siya.
"Una sa lahat, di ako bakla. Pangalawa Zanne, kilala ko si Hello Kitty kasi fan niya ang nanay ko. Pangatlo, mas maganda ka kaya sa room mo." Nag-smirk naman yung baliw pagkatapos nung huli niyang sabi.
Ay shebet! Namula ata ako dun ah!
"Ch-Che! Labas! Ano ba kasing ginagawa mo dito ah?!"
"Sa susunod na araw na yung recognition noh?"
"Oo, change topic?"
"Malalaman na natin yung results."
"Oo, wag ka ngang ano!"
"Ano?"
"Yung ano!"
"Ano nga?"
"Bat ka ba kasi andtio?"
"Wala lang."
"Ganun? Edi labas!"
"Ito naman. Oo na po, palabas na." Tumayo naman siya at naglakad papunta sa may pinto.
"Koya..." Bigla ko namang naisip na tawagin siya.
"Hm?" Tiningnan niya ako na may halong pagtataka at admiration.
"Sa Sunday ah, punta ka. Sabay nating alamin yung results."
"I promise." Ngumiti naman siya at pumasok sa guest room.
BINABASA MO ANG
Kuyang Genius
RomanceIto ay kwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang maingay at bobitang babae at isang matalino at tunay kung magmahal na tao. Samahan niyo sila sa kanilang adventure patungo sa pag-ibig. Look out! Love might hit your heads!