"Bye Mom!" Sigaw ko sa pinakamaganda kong mother sa Earth. Malamang siya ang pinakamanganda kong mother sa Earth. Wala ng iba eh.
"Ingat anak!" Sigaw ni mom pabalik.
Lumabas na ako ng gate at dahan-dahan itong isinira.
Ayy, four years na ang lumipas. Madami na ang nagbago. Hindi ko muna ikikwento para may thrill. Hehe. Basahin niyo yung story para malaman niyo yung unexpected changes.
Matagal akong tumayo sa harap ng gate namin at naghintay ng masasakyan.
Ayun! Isang pagbabago... hay! Bat di ako sumakay sa sasakyan ni Dad? Wala lang.
Matapos ang matagalang paghihintay ay may dumaan ding motorsilo kaya nagmadali na akong sumakay. Mahirap na ang malate noh!
Infairness, isa rin sa mga pagbabago ay ang katawan ko. Mas gumanda na ako ngayon. Kung makapagsalita ako ah! Pero mas lalo akong pumuti, lumaki na din yung kambal sa harapan, mas humaba rin yung maganda kong buhok at mas naging straight. Pero tingin ko nadagdagan din yung aircon sa loob ng hot kong body.
Of course mabait pa rin ako. Ha? Anong ibig niyong sabihin na mataray ako? Di ah!
Nakarating na rin ang sinasakyan ko sa harap ng school. Dun pa rin ako nag-aaral. At least may mga bagay pa rin na hindi nagbago.
"Salamat manong." Sabi ko sabay abot ng bente dun sa driver.
"Good luck iha!"
Ang bait naman ni kuyang driver.
"Kuya..." Bulong ng utak ko.
Oo na! Oo na! Miss ko na si K—
"Girlalu!" Sigaw ni Mika kaya naputol ang pag-iisip ko.
"Babaeng pangit!" Bati naman ni Viena.
"Makapangit ah! Hello Zanne! Long time!" Bati rin ni Yanny.
Sabay silang tumakbo papunta sakin.
"Hello din mga bakla!"
Ayy, ang mga toh?
Si Viena, infairness ang gwapong bading. Sarap lang ikiss. Kung di toh bakla, malamang crush ko toh. Kaya lang vaklush eh, so wag na lang pala. Di siya gaya ng ibang bading na puno ng clip ang hair, disente naman siyang manamit at panlalaki pa rin.
Si Yanny, naku yan! May crush na yan! Di lang nagsasabi, masyadong malihim eh. Kahit kami na mga kaibigan niyang 'tunay' hindi niya sinasabihan. Pinutol niya yung buhok niya kaya hanggang balikat na lang. Pero ang straight.
Si Mika, as usual malandi. Pero mas naging cute yung friend kong toh. May crush na din siya, masyadong unexpected noh? Pareho sila ni Yanny na mas gumanda. Mas mahaba na hair niya tapos curly.
"Ay girlaley! Excited na aketch for this school year! May bago daw tayong teacher sa Math!!! Pogi daw!!!" Malanding sigaw ni Viena.
Kakasabi ko lang diba? Panlalaki kung magsuot pero ang galaw at puso, kalahi naming tatlo.
"Ayy! Seriously? Ligawan natin dali!!!" Tili naman ni Mika.
"Kala ko ba may crush ka na?" Tinaasan siya ni Yanny ng kilay.
"Eh sa pagkakaalam namin ikaw rin eh meron." Sabat ko kay Yanny.
Namula naman siya at umirap.
Ayy, ayan, masyado na kasing nagfocus sa changes. Nakalimutan kong sabihin na first day of school na nga pala ngayon. Grade 12 na kaming apat. Ay teka...
"Mga bakla! Tingnan natin kung asaang section tayo!" Pag-aaya ko sa kanila.
"Ay sige!" Pag-agree nila Yanny at Mika.
![](https://img.wattpad.com/cover/61457046-288-k3d0b54.jpg)
BINABASA MO ANG
Kuyang Genius
RomanceIto ay kwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang maingay at bobitang babae at isang matalino at tunay kung magmahal na tao. Samahan niyo sila sa kanilang adventure patungo sa pag-ibig. Look out! Love might hit your heads!