"One, two plus three." Lipat sa kabilang libro, "Ano nga yung formula?" Lipat sa isa pang libro. "Negative, change the sign." Lipat sa isa pang libro, "Tapos?" Lipat sa notebook, "Divide, cross..."
Andito pa ako sa school. Tapos na naman yung mga klase. Hinihintay ko na lang si Dad. Pero dahil nga ayaw kong magpatalo, di ako nagsasayang ng oras. Sa school pa lang ginagawa ko na yung mga assignments ko.
"HOY!!!" Napatalon ako sa malakas na sigaw nila Viena.
"Ay! Asong buntis na sumasagot ng assignment sa Math na pagkahirap-hirap!" I stood unintendingly and blurted out.
"Kelan ka pa naging aso?" Natatawang tanong ni Mika.
"Tsaka buntis ka girl?" Sinundot-sundot naman ni Yanny ang gilid ko.
"Bat ngayon ka sumasagot ng ass sa Math?" Nagtatakang tanong naman ni Viena. Bat seryoso ata si Viena ngayon?
"Hoy mga bakla!" Pinandilatan ko sila. "Una sa lahat. Di ako aso! Mga langya! Second of all, anong buntis pinagsasabi niyo ha?!" Namewang naman ako. Tiningnan ko ang mga natatawa nilang mga mukha. "At tsaka..." Namula naman ako.
"Problema mo baby kamatis?" Nagtatakang tanong ni Yanny na nakatutok sa mukha ko.
"Che!"
Wala pa akong sinasabihan tungkol dun sa deal. Neither do I have the intention to tell anybody. Walang hiya kasi si koya! Napressure lang ako noh.
"Oh, iwan ka na namin." Pamamaalam ni Mika.
"No girlalu. Mananatili ang aking beauty ditey." Bumakla naman ulit si Viena. Anong meron dito?
"Ha? Bakit? Anong gagawin mo dyan?" Nagtatakang tiningnan ni Yanny si Viena.
"May gusto lang aketch na... basta! Sige, gora na you mga vaklush!" Sabi niya sabay pabebe wave.
"Vavye!" Nagwave din yung dalawa at naglakad palayo.
Tumingin ako kay Viena na nagtataka. Kinabahan ako bigla...
"A-Anong g-gusto mo?" Napalunok naman ako at niyakap ang sarili ko.
"Hoy! Ingreta ka! Wag kang feeler! Di yung..." Ngumuso siya sa ano ko... yung ano. "Di yung yan ang gusto ko. Wag kang pauto sa title nung chapter bakla!" Natatawa niyang sabi at nagflip ng imaginary hair niya.
"Oh, eh ano?" Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Medyo natatawa rin ako dun sa naisip kong gagahasain ako ni Vincent. Yuck lang!
"Zeee! Andito na si dad!" Sigaw ni kuya habang naglalakad palapit sa amin.
"Eto! Eto yung hinihintay ko!" Masayang sigaw ni Viena sabay takbo papunta kay kuya Rich.
Akmang yayakap na siya pero umiwas patagilid si kuya. Ayan tuloy, yung kabayo kong friend? Nadapa lang naman. Nakasudsod ang lips sa lupa.
"Yuuuuck! Blah! Blah!" Lumuwa-luwa siya sa gilid at pinahid ang lips niya. "Girlalu!!! Langyaaaaaa yang kuyaaaaa moooo! Bat umiwas? Ayan tuloy, si mader Earth ang first kiss ko!"
"Heh! Umuwi ka na nga! Sea horse!" Pagtaboy sa kanya ni kuya. "Oh Zanne, ayusin mo na yung mga gamit mo."
Natatawa na lang akong inayos yung mga gamit ko.
"Kuya, padala nung bag oh, pleeeaaassee." Kumikinang ang mga mata at nakaclap ang mga kamay na pakiusap ko sa kanya.
"Heh! Mukha kang aso!" Sigaw ni kuya sabay hila nung bag ko.
Natawa naman ng pagkalakas-lakas si Viena. Ay, nasa sahig pa pala yung baliw?
"Asong buntis na sumasagot ng assignment sa Math! Ahahahaha!" Natatawa niyang turo sakin. At pag sinabi kong natatawa si Viena, ibig-sabihin nun dinig ng buong school.

BINABASA MO ANG
Kuyang Genius
RomansaIto ay kwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang maingay at bobitang babae at isang matalino at tunay kung magmahal na tao. Samahan niyo sila sa kanilang adventure patungo sa pag-ibig. Look out! Love might hit your heads!