Long Time

26 0 0
                                    


Tapos na ang classes ko para ngayong araw. Nagpasama ako kay Viena sa faculty. Kelangan ko kasi si koyang Dale.

"Excuse metch, Ms. Helga, andyan ba si faf—este sir Dale?" Tanong ni Viena sa isang teacher at nag-flip ng bangs niya.

"Oh yes. Bakit?" Sagot naman ni miss na nagtataka.

"Fwede makatalkshow?"

"Sandali." At tumayo si miss tsaka umalis.

Ilang minuto rin kaming naghintay sa may pinto ng faculty. Ano kaya ang kinatatagal nun? Nakakainis, mukha na tuloy kaming tanga ni Viena na nakaupo sa may pinto dito.

"Ayy, yes sir. Oo nga eh. Ahahaha." Dinig naming tinig ni Ms. Helga.

Napatayo kami agad at tumingin sa loob ng pinto.

"Yeah. It's kinda not good right, is it?" Tanong ni koyang na nakatitig sa malanding teacher.

Langya, baka nagharutan pa toh kaya natagalan.

She flipped her hair and giggled. "Okay lang naman. Kita ko nga yung mukha nila eh, ahihihi."

"Lande pa more." Bulong ni Viena na parang nagtitimpi.

Ugh! Pumasok ako sa loob at hinawakan ang kamay ni koyang. "Ms. Helga, can I talk to him now?" Tanong ko na may pilit na ngiti.

"Ahh, yes. Yun nga pala yung dahilan kung bakit kita pinabalik sa faculty sir Dale." Nakangiti niyang sabi.

Shebet! So ibig-sabihin nakalimutan ng bruhang toh kung bakit niya pinapunta si koyang?

"Alright then, if you'll excuse us, we have to go." Nakangiti ring sabi ni sir at kinuha ang case niya sa isang table.

"See you tomorrow." Kumindat ang ahem, malande at nagwave.

"Alright." Kindat niya pabalik.

Eww...

Natulala naman ako kasi hawak ko pa rin pala yung kamay ni koyang. Mabilis ko itong binitawan at hinila si Viena palabas.

"Humabol ka na lang sa gate." Mabilis kong sabi.

Shebet, medyo madilim na rin.

"Kita mo yun girlaley? Ang sharap ufakan ni miss. Talandiiiii!" Naiiritang tili ni Vincent.

"Lakompake dun noh."

"Hala..."

"Bakit, may problema ba?"

"Hala ka..."

"Ha? Ano kasalanan ko?"

"Sheeeee—"

"Ano nga?!"

"Nagseselos ang vaklush sa tabi ni aketch." Bulong niya na nakanganga ang bibig.

"Ha? Bakit?"

"Eh inis ang feslak mo oh!"

"Ikaw kaya maghintay ng ganun tapos yun pala nakipagharutan lang yung hinihintay natin kaya natagalan!!!" Pasigaw kong sigaw. Ano daw?

Ahh, basta. Naiinis talaga ako sa lalaking yun. Napakamaharot. Pinaghintay pa kami tapos yun lang pala kinatagal.

"Zanne!" Tawag ng nakakalokang boses ng alieng galing sa Mars na ang sarap ipatilapon hanggang planet X.

"Che! San na kotse mo?! Bilisan na nga natin!" Umirap ako at naglakad papuntang parking lot.

"Zanne!" Habol niya sa tabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kuyang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon