Cells

35 3 3
                                    

"You will have to create either an animal cell model or a plant cell model. This will be your requirement for my subject so I could sign your clearance. If you can't pass then I'm sorry. I will not be held responsible." Pagpapaliwanag ng teacher sa harap namin.

Kinakabahan naman ako sa mga sinasabi niya. Pano pag di ko kinaya? Lagot ako.

"You're free to choose which one you will make. This will be a group project." Ay group project naman pala eh. Kaya yan. "Let's start the groupings now, count from 1 to 5."

At nagsimula na ang counting. Napunta ako sa group 2. Ay kasama ko si ex-crush tsaka yung top one sa room namin. Galing. Kayang-kaya.

"Form 5 circles, group one, two, three, four, and five." Utos ng teacher sabay turo kung saan pipwesto ang groups namin.

Nagmadali naman akong maghanap ng upuan at hinila papunta sa pwesto. Mahirap ng maagawan noh!

"Ay andito si Prim!" Mahinang tili ng babaeng kong kaklase sabay haplos sa lap ng top one.

Siya si Prim Mike H. Lee. Half Chinese ata siya or Half Japanese. Di ko alam. Crush siya ng bayan but of course, exempted ako dun. Bali-balita naman na may pagnanasa sakin si Prim. Hoy! Di ako assuming noh! Balita nga lang diba? Pinakamatalino siya sa amin. Kahit anong pagsisikap ko di ko sila maungusan sa top. Top three lang ako eh.

Yung babaeng medyo malande naman ay si Heather K. Vasquez. Sa pagkakatanda ko, anak siya ng mayamang Americano na may ari ng isang malaking kompanya. Kaya siguro ang puti niya. Napakalaki naman ng crush niya kay Prim. Siya ang top two sa room at di ko rin siya kayang ungusan sa rankings.

"Itigil mo nga yan." Sabay pitik ni Prim sa kamay ni Heather na nasa lap niya.

"Ano ba namen Pri-Pri baby ko. Alem ko namen na gusto mo lang haweken ang kamey ko eh, may papetek-petek ka pa." Malandeng sabi ni Heather.

Pri-Pri ang tawag niya kay Prim. Halata namang nahihiya si Prim at lumingon sa ibang direction. Tingin ko wrong move yun kasi nabaling ang tingin niya sa mata ko. Awkward... Ngumiti siya kaya ngumiti na lang din ako. Napansin siguro ni Heather kasi bigla siyang umirap at kinurot si Prim sa tagiliran.

"Hoy Pri-Pri. Baka nakakalimutan mong nagkasundo na ang mga Dad natin at arranged na ang marriage natin ha?!" Mataray niyang sabi at nag-cross arms pa.

Tiningnan siya ni Pri-Pri este Prim ng masama. Ayan nahawa na ako.

"Heather..." Mahina pero seryosong tawag niya.

Nakita ko naman ang lungkot at sakit sa mata ni Heather.

Nagpasya akong basagin ang katahimikan. "Oh, chismis na lang? Projects muna. Hehe... he... he." Mabagal na paghina ng tawa ko.

Ang awkward na naman. Nagsalita pa kasi ako eh. Wala namang ibang natatawa. Kakahiya. Napansin ko naman si ex-crush na pasimpleng umirap. Ay vaklush talaga.

"Papansin." Mahinang bulong niya. Pero nakita ko ang paggalaw ng bibig niya kaya alam kong yun ang sinabi niya. Di ko na lang pinatulan.

"O sige, ano na?" Tangkang basag naman ng isa ko pang kagrupo. Nawala na talaga ang awkward silence this time. Kapag siya nawawala, kapag ako lumalala? Ano toh ha?

********

Natapos na ang meeting namin at lunch na ngayon. Nagmadali akong kumain at pumunta agad sa library. Madaming libro ang nakapatong sa mesa.

"Blag!" Malakas na paglapag ng mga libro sa mesa.

Tiningnan ko ng masama yung asungot. Kita nang nag-aaral eh, distorbo! Si koyang genius pala.

Kuyang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon