Shriek

13 1 0
                                    

Hapon. Wala akong magawa.

Tatlong araw ko nang hindi nakikita si koya. Pati yung nanay niya wala rin. Ewan ko ba, bat ko ba yun hinahanap?

"Zee, laro tayo dali!" Pag-aaya ni kuya Rich sakin.

"Anong laro?"

"Tagu-taguan."

"Seryoso kuya?"

"Oo dali!"

"Akala ko ba ayaw mo na ng pambatang mga laro?"

"Sinong may sabi na pambata yun?"

"Ikaw!"

"Wehhh, di kaya."

Anong problema ni kuya? May sakit ba toh?

Tiningnan ko naman siya ng maigi. "Kuya Rich, may lagnat ka ba?"

"Ha? Bat mo natanong yan?"

"You're weird."

"Dali na kasi! Laro na tayo!"

"Eee! Sige na nga! Ang kulit!"

"Yes! Oh dali! Ako muna magtatago!"

"Nge! Ano yun? Ikaw kaya nag-aya."

Ayy, tinakbuhan ako? Sige na nga.

Lumapit ako sa pader at nagsimulang magbilang. "10!"

"9!"

"8!"

"7!"

"6!"

"5!"

"4!"

"3!"

"2!"

"1!"

"Ang 'di nakatago siya na ang taya!"

Hmm. Tingin ko alam ko na kung asan magtatago ang isang toh. Nung bata pa kami lagi yung nagtatago sa cabinet ng kwarto nila Mom. Kaya palagi akong panalo!

Naglakad na ako papunta dun. Bat kaya naging makulit bigla si kuya? May problema kaya yun? Ipacheck-up ko na kaya?

Nakapasok na ako sa kwarto nila Mom. Sabi na eh dito nagtago! Bukas yung cabinet. Dahan-dahan kong nilapitan. Hinawakan ko yung knob tapos binuksan ng bigla.

"Huli!!!"

Ayy, bakit wala? Hala, ano toh? May nakalagay na papel sa ibabang parte nung cabinet. Kinuha ko naman at binasa.

"You are such a crystal.

Your face as good as art.

Though you may be stupid,

at times, you're mostly smart."

"At any time I feel sadness,

at any time I feel envy,

your smile alone that caress

wraps its joy around me."

"Though I, as far as the sun from the moon,

swear that whatever happens,

my heart belongs to you.

Since the start, today, and beyond the end."

"Zee! Talo ka!" Sigaw ni kuya Rich.

"Ayy, akala ko andito ka! San ka ba nagtago?"

"Secret! May bago akong nakita! Di mo na ako mahahanap!"

"Ganun?"

"Oh, may merienda sa baba. Kain tayo." Pag-invite niya at nagsimula na maglakad. Sumunod naman ako.

"Ayy really? Sino gumawa? Diba wala si mom?" Takang tanongsss ko.

"Ako." Sabi niya at ngumisi.

"Ayy, wag na lang."

"Heh! Di wag!"

"Hehe joke lang. Ay kuya! Ibig ba nung sabihin sa kusina ka nagtago?"

"Hehe, hindi." Mas lumaki pa yung ngisi niya.

Nakarating na kami sa dining at naupo na ako. Nilapag naman ni kuya yung bagong lutong tinapay. Mainit pa! Naupo rin si Dad na may dalang libro.

"Kuya, seryoso ikaw gumawa?"

"Ako nga!"

Alam niyo, yang si kuya, tamad lang yang tingnan pero magaling yan magluto. Hari siya ng kusina dito sa bahay. Every Christmas tumutulong siya kay Mom sa paghahanda ng makakain.

"Tagal naman nung nanay niyo." Sabi ni Dad.

"Oh, Dad. Patience is a virtue. Baka maghanap ka na ng iba dyan ah?" Pabirong tanong ni kuya.

"Sige! Dali Rek! Sama ka!"

"Hoy! Dad!" Umirap naman ako at kumuha ng pandesal.

"Biro lang! Ahaha!"

Bat parang tawa ng tawa tong mga toh ngayong araw? May nangyari bang hindi ko alam?

"Dad! Totoo bang may bagong lilipat dito sa village?" Tanong ni kuya.

"Oo, dyan sa harap."

"Ha?!" Napasigaw naman ako.

"OA ah!" Sabay nilang sabi.

"May papalit sa bahay nila koya?"

"Oo." Mahinanag bulong ni kuya Rich. May malakas bang bulong?

"A-Akyat muna ako sa kwarto ko."

Mabilis akong tumayo at binilisan ang pag-akyat sa hagdan. Pakiramdam ko maiiyak ako na ewan. Parang ibig kasi nung sabihin na di na makakabalik dito si koya Dale.

Teka? Bat ba ako nalulungkot na di na babalik yun? Shonga na talaga ako noh?

Nakahiga lang ako sa kama ko. Nakatitig sa kisame. Ayan na! Napapapikit na ako. Ayun.. haaayyy...

********

"Thomas... THOMAS!"

Nagising na lang ako sa matinis na sigaw ng isang babae.

"Thomas! Anak ko!"

Ay, ano meron?

Tumayo naman ako agad at sumilip sa bintana. Hala! Yung nanay ni koyang. Lasing ata.

"Thomas! I miss you anak! Mahal kita!" Sigaw-sigaw nung nanay niya dun sa bahay.

Nasa labas lang siya ng gate tapos may hawak na bote.

"DALE!!!"

Arouch! Masakit sa ears ah!

"Walang hiya ka Paul! Nilayo mo sakin ang anak ko!"

Ayy, may kausap ba siya?

"Walang hiya ka! Wala kang hiya! Ah-ah-ah-ah!" Naiiyak niyang sigaw.

Napansin ko naman na bumukas yung gate ng bahay namin. Lumabas si Dad.

"DAAAALLLLE!" Ayan na naman yung sigaw na yan eh.

Siguro sisigawan din siya ni Dad ng, "HOY! Kung ayaw mong matulog! Magpatulog ka!" Pero siguro lang.

Lumapit si Dad sa likuran nung Mom ni koya at pinat yung likod niya. Yumakap naman siya kay Dad. Naiiyak na talaga siya. Inescort siya ni Dad papasok sa bahay namin. Siguro icocomfort ni Dad. Ang bait naman ng tatay ko.

Bigla naman ako nakaramdam ng gutom. Pero tinatamad akong bumaba. Itutulog ko na lang toh.

Kuyang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon