Asking for help

29 2 0
                                        

Pasensya na kung napapa-English ako ng bigla... I can't stand it T-T Hope you like it at least

********

"Hi guys." Bati ni Heather.

"H-Hello." Sabay naming sabi. Tahimik lang si Prim.

Tiningnan naman ni Heather ang hawak kong styrofoam ball na may pintura. "Saang part na kayo?"

"N-Nagkukulay pa lang kami." Sagot ni Kristy.

"Ganun ba?" Tinaasan niya ng kilay si Kristy. Napatango na lang siya bilang sagot.

Tahimik na ang lahat pagkatapos nun. Nagtitigan lang si Prim at Heather. Mapang-akit ang tingin ni Heather habang parang natutuwa na nanghahamon ang kay Prim. Biglaan na lang nag-ring ang bell. Buti na lang nawasak ang katahimikan.

********

Lunch na. Hinahanap ko si koyang genius sa campus pero parang wala siya. Kanina pa ako nag-iikot. San na kaya yun?

"Hoy! Bakla!" Kalabit sakin ni Mika.

"Oh, anong meron?" Takang tanong ko sa kanya.

"Anong meron ka dyan. Sinong hinahanap mo?"

"Ah, wala, si kuya Dale. Bat wala sila Viena?"

"Naghanap ng boylet. Hinanap lang kita. Ayaw mong makisali?" Sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko. "Tsaka bakit mo hinahanap si fafa Dale ha?"

"W-Wala, manghihingi lang ako ng tulong sa kanya noh! Napansin mo ba si Heather kanina?"

"Asuuuussss! Change topic ka agad. Galing mo girl! Pero, oo, napansin ko siya. Biglaan nagtransform girl. Mas gumandacious!" Na-aamaze na saad niya.

"Oo nga noh. Pano kaya nangyari yun?"

"Siguro may make-up crew."

Nagulat lahat sa nangyari kay Heather. Kaninang morning lang straight ang buhok nun. Tapos nung recess nakita ko pa siyang haggard at umiiyak. Then pagbalik niya naging curly ang hair and then ang poise tumindi. Anyare kaya dun?

"Maybe." Sabi ko na lang.

"Oh, san mo balak ngayon?"

"Sige, sama na lang ako sa inyo."

"Ayy sige girl. Andun sila sa gym, pinapanood ang mga boylet na nagbabasketball."

Naglakad kami papuntang court at naupo sa gilid.

"Goo fafa Richie! I love you! Ayieeee!" Tili ni Mika.

"Hoy Mika, kuya ko yan." Pag-awat ko sa kanya.

"Girl, sabihan mo kuya mo na akin na sya! Ayiiiieee! I love you fafa Richard!"

"Ay grabe siya oh."

"Go! Go! Go!" Malanding patalon-talon si Viena.

"Oy Viena! Baka malaglagan ka!" Pagpapatigil ni Yanny kay Vincent.

"Che ka girl! Di ako buntis! Nagpi-peels ako." Mataray niyang saad.

Napanganga naman kami sa narinig.

"Oh, natahimik kayo?" Napanganga pa rin kami. Viena shrugged her shoulders and continued shouting. "Go fafables! Go!" Napailing na lang kami.

"Nakita niyo ba si kuya Dale?" Tanong ko sa kanila.

"Ahh, hindi eh. Bat mo sinisearch kung asan si fafa Dale ha?" Nang-uusisang tingin ang pinukol nila sakin.

Wrong move Zanne.

"W-Wala noh. Kelangan ko lang siya."

"OMG! Kelangan mo siya?! So admit mo nang mahal mo si fafa Dale?!" OA nilang reaction.

Kuyang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon