Anger

15 0 0
                                    

*Flashback Four Years Ago*

Ugh! Galit yung tyan ko! Gutom talaga ako! Naku naman, itutulog ko na lang talaga.

Ang tahimik ng gabi...

"Klink!" May narinig akong parang nabasag, ano kaya yun? Siguro may natabig lang.

Isang pogi, dalawang pogi, tatlong pogi...

********

"Haaaaaaaaayoooooooooooooop ka!!!"

Nagising na lang ako dahil sa matinis na sigaw ni Mom. Anong meron?

Mabilis akong tumayo mula sa higaan at pumunta sa may hagdan. Nakasalubong ko si Kuya Rich.

"Ano yun?" Takang tanong ko.

"Ewan." Nagmamadaling sagot ni Kuya.

"San galing?"

"Mukhang sa baba ata. Baka sa kusina?"

"Dali! Baka sa sala!"

Nagmadali kaming bumaba ng hagdan. Literal na lumaki ang mga mata namin sa nakita.

S-Si Dad! Mom ni koyang Dale! Si Mom na namumula at naluluha yung mata!

"Mga walang hiya kayo! Dito pa talaga sa couch ko!"

Walang suot na pang-itaas si Dad at bukas pa yung zipper ng mountain hiker's shorts niya. Yung Mom naman ni koya eh wala talagang suot kaya nagtakip siya gamit yung mga damit na nasa sahig kanina.

"Lumayas kayo! Mga taksil! Ang kakapal ng mga mukha niyo!" Sigaw ni Mom na hinahampas si Dad.

"Mahal! Mahal! Stop it!" Pagpipigil ni Dad sa mga kamay ni Mom.

"Stop? Ang bastos mo! Hayop! Baboy! Kalabaw! Manyak! Taksil! Traydor!" Sunod-sunod na sigaw ni Mom kay Dad.

"Ikaw babae! Ang kapal ng mukha mo! Naging mabait ako sayo! Tapos ganito ha? Mang-aagaw ka ng asawa! Dakila ka talagang kabit!" Sunod-sunod na sigaw ni Mom at sinugod yung nanay ni koya.

Di ko namalayang naluluha na pala ako. Niyakap naman ako ni kuya Rich at mukhang maiiyak na rin siya.

"Nawala lang ako sandali, tapos ayan na? Ang kakapal niyo! At sa bahay ko pa!" Naluluhang sigaw ni Mom.

"Labidabs... di namin sinasadya..." Mahinang bulong ni Dad kay Mom at pilit itong niyayakap.

"Itigil mo yang labidabs mo! Bloody hell with your excuses! Meron bang ganyan na di sinasadya? Ano? Aksidenteng napasok yung ano mo sa malandi niyang butas?!!" Sigaw ni Mom.

Kung di ako ang nasa sitwasyong ito, matatawa na ako. Pero hindi. Ang sakit! Ang sakit-sakit na masaksihan ang mga magulang mong nag-aaway ng ganito. Kasalanan niya! Ang babaeng yun!

Teka, kung bumaba lang ako kagabi, sana hindi nila natuloy... Kasalanan ko! It's all my fault! Kung pinairal ko lang ang pagiging matakaw sana napigilan ko pa sila.

Akala ko kagabi icocomfort lang ni Dad. Yun pala ibang comfort na ginawa nila!

Naiyak na talaga ako.

"Stop it! Stop!" Sigaw ko na pinapahiran ang mga luha.

"Anak." Bulong ni mom at niyakap ako. Naiiyak pa rin siya.

"Z—" Akmang yayakapin din ako ni Dad pero tinulak siya ni Mom.

"Get away from here! And don't ever come back! Ever!" Ramdam ko sa boses ni Mom ang lungkot at galit.

"La—"

"I said go!!!"

Kumunot ang noo ni Dad at hinila ang kamay ni kuya.

Kuyang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon