Valentines Eve

26 0 0
                                    

"BIRTH DAY KO NA BUKAS!" Sigaw ko sa buong bahay, pero malamang buong baryo yung nakarinig.

Sinadya ko. Magiging thirteen na ako bukas! Pinaalala ko lang sa kanila. Hirap na, baka nakalimutan nilang bukas ang brithday ko noh! Pero alam niyo ba? Malamang hindi. Pero kasabay ng birthday ko ang Valentines. Ewan ko ba. Dapat sweet girl ako at madaling mainlove, pero bat baliktad? Baby pa kasi ako eh.

"Hoy! Nakakabulabog ka!" Sigaw ni kuya Rich galing sa kwarto niya.

"Sarreh!"

Naexcite lang. Ito naman si kuya. Ay, kelangan kong magmadali. Papasok pa aketch sa school.

********

"Lalala." Masayang naglalakad ako papuntang cafeteria.

"Oh, blooming ka ata?" Takang tanong ni Yanny.

"Ay bundat na itey, buntis yan, girl ang baby." Sagot ni Viena. Tiningnan ko siya ng masama at nagpatuloy sa paglalakad ng masaya.

"Yan buntis? Wala na ang perlas? Imposible pa yan sa forever." Sabat ni Mika.

"Che kayo, wag kayong panira ng magandang mood." Masigla kong sabi.

"Bat naman kasi masaya ka?" Nagtatakang tanong ni Mika.

"Bawal?" Naiinis kong tanong.

"May sinabi ba akong bawal? Meron ka?" Natatawa niyang tanong.

"Buntis nga diba, pano magkaka-mens?" Natatawa ring tanong ni Viena.

"Che, naiinis ako sa inyo. Kinalimutan niyong, birthday ko!" At diniinan ko pa talaga ang 'birthday' na part.

Natigilan naman sila at sabay-sabay na sumigaw ng, "HAPPY BIRTHDAY!"

Tinakpan ko ang tenga ko at natatawa silang tiningnan. "Bukas! Birthday ko bukas!"

Binatukan naman nila akong lahat, "Bukas pa pala eh, bat ngayon maganda ang mood mo?"

"Bawal?" Inirapan ko sila.

"Gutom na siguro. Tara sa cafeteria." Suhestiyon ni Yanny.

Nag-agree naman lahat. Naglakad na kami papunta sa cafeteria at naghanap ng mauupuan. May isang table pa. Tinuro ni Mika kaya naglakad na kami papunta dun. May napansin naman ako kaya hinila-hila ko silang lahat palayo.

"Problema mo?" Takang tanong nila.

"Ayaw ko dyan." Nagmamakaawa kog tinig.

"Eh bakit? Choosy pa?" Naiiritang tanong ni Viena.

"Ehh, ang lapit sa isang asungot eh." Sabi ko sabay turo sa isang mokong na ang pangalan ay Dale Thomas churva ek ek.

"Sus, dami pang arte. Kinikilig ka lang sa presence ni fafa Dale eh." Sabi ni Yanny sabay sundot sa gilid ko.

"Ehh, ayaw ko nga." Nagpadyak-padyak pa ako.

"Sus. Kung alam lang namin, si fafa Dale nakabuntis sayo noh?" Natatawang tanong ni Mika.

"Hindi noh!"

"Sus. Defensive." Sabay sundot ng dalawang babae sa mga gilid ko.

"Che! Fine dun na!" At inunahan ko pa sila maglakad papunta sa chairs. Syempre dun ako naupo sa pinakamalayo kay koya Dale.

"Ayun, papayag din pala." Sabay nilang sabi habang paupo. Binigyan ko silang lahat ng death glare.

"Ako na bibili." Pagpepresenta ko. Gusto ko lang mapalayo sa asungot sa lalong madaling panahon. "Anong sa inyo?"

Kuyang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon