"Uy, Zanne, sige na oh." Sundot sakin ng walang hiya.
"Ayaw ko nga sabi eh." Sinapak ko yung kamay niyang kanina pa kalikot ng kaiikot sa bewang ko. Chansing na ah.
"Sige na." Nagpacute pa talaga 'tong mukhang aso na 'toh.
"Ayaw ko nga sabi eh. Bat ang kulit mo?"
"Please." Ang walang hiya ay nag-puppy face. Oo, lalaking nag puppy face. Ano gusto niya, sapak?
"Heh! Ayaw ko nga eh."
Kung nagtataka kayo kung ano ang ipinagpipilit niya at inaayawan ko eto yun.
*Flashback*
Naglalakad ako sa hallway papuntang science lab nang biglang...
"Zanne! Zanne!" Sigaw ng mokong. Napatingin tuloy lahat ng mga tao sa amin.
"Ano?" Mahinang tanong ko.
"May fb ka ba?"
"O, bakit?"
"Anong name?" Sabay pakita ng phone niya na nakaopen sa fb.
"Aanhin ko yang phone mo?"
"Tanga ka ba Zanne? I-input mo na yung fb name mo."
"Ako pa ang tanga ah? Ayaw ko nga!" Sabay walk-out papuntang science lab. Ibig-sabihin nun nag walk-in ako papuntang Sci Lab.
*Flashback Ends*
"Zanne." Sundot niya ulit.
Susuntukin ko na sana pero biglaan na lang may tumawag ulit sakin. "Zeee! Andito na si Dad! Uuwi na!"
Tiningnan ko ng masama yung impakto, "Swerte ka." Tapos tumakbo papunta kay kuya Rich.
"Zanne!" Dinig ko pang sigaw habang palapit na ako kay kuya.
Napansin ko naman na sumaludo si kuya Rich kay koyang Dale.
"Oh, san na si Dad?" Takang tanong ko nang napansin kong wala si Dad sa kotse namin.
"Ayun oh." Sabay turo kay Dad na nasa kumpol pala ng mga babaeng teachers. Shebet naman oh!
********
6:00 na ng gabi kami nakauwi, si Dad kasi eh. Lagot siya kay Mommy mamaya. Ano kayang pede gawin? Hmm. Dali-dali kong kinuha ang tablet ko mula sa drawer at in-open ang FB ko. Ay, dami ko na namang notifications, messages tsaka friend requests. Sensya na lang sa iba, puno na ang friends ko eh.
"Sorry, my friend capacity is full :(" Madalian kong tinype at pinost sa aking kaygandang wall.
Sabay-sabay na notification ulit ang lumabas.
"Ay sayang."
"Okay lang yan Ms. Beautiful, sa relationship status na lang ako."
"Ayy ano ba yan."
"La na ang pangarap ko T-T"
Iilan lang yan sa mga comments an natanggap ko. Hay nako, ang baby ko pa kaya. Ewan ko sa mga toh.
"Zee! Kakain na!" Sigaw ni kuya Rich.
"Sige, bababa na!" Sigaw ko pabalik. Puno lang ng sigaw yung family namin noh? Ewan ko ba.
"Anong pinagsasasabi ng anak mong nililigawan mo yung adviser niya ha?!" Sabay hampas ni Mom sa balikat ni Dad. Sabi ko na eh. Lihim na napabungisngis si kuya habang nakaupo at umunang kumain. Lihim din akong napatawa at naupo na.
"Labs, di noh." At hinimas-himas naman ng pogi kong tatay ang mga nasapak na bahagi ng katawan niya.
"Ayy nay! Niloloko ka nyan. Kita ko kaya." Pagbibiro naman ni kuya at humigop ng mainit na sabaw.

BINABASA MO ANG
Kuyang Genius
RomanceIto ay kwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang maingay at bobitang babae at isang matalino at tunay kung magmahal na tao. Samahan niyo sila sa kanilang adventure patungo sa pag-ibig. Look out! Love might hit your heads!