Housemates

13 0 0
                                    

Ang haggard ko pa pero carry lang. Mabilis akong naligo, nagbihis, hinanda ang dapat dalhin at bumaba sa dining. Andito na si kuya Rich at Dad. Nasa kusina pa rin si Mom at nagluluto ng almusal. Naupo na ako at matiyagang naghintay. Natapos na si mom at inilalapag na niya ang scrambled egg sa mesa. Kararating lang din ni koyang Dale. Medyo basa pa ang bukoh niya, fresh na fresh. Ang pogi lang, teka, ano bang pinagsasasabi ko?

"Oh Dale. Tapos ka nang maligo? Kain ka na oh." Pag-imbita ni Mom.

"Salamat po." Sabi niya sabay upo at hawak sa ulo niya.

"May problema?" Tanong ko sa kanya.

Napangiti naman siya bigla. "Concerned?" Bulong niya.

"Che." Pabulong pero may halong inis na sabi ko.

"Pag-alis, sumabay ka na lang samin ni Zee, Dale." Suggestion ni Dad. Seryoso ba siya? DAD NAMAN EH!

"Opo sir." Tumango siya at nag-umpisang kumain.

"Tito na lang." Ngumiti si Dad. Tumango ulit si koya.

"San nga pala ang Dad mo Dale? Bat di namin siya nakikita?" Takang tanong ni mom. Paupo na siya at inaayos ang sarili.

Nakita ko naman si koya na biglaang nagulat sa sinabi ni mom. Tumungo siya at parang nag-iisip. "B-Busy po si Dad."

"Ahh, ano bang trabaho niya?" Chismosa talaga ang nanay ko. Bayaan na nga.

"Engineer po." Nakatungo pa rin siya at mabagal na ginagalaw ang pagkain.

"Ahh."

"Bilisan na ninyong kumain, maghahanap pa ako ng babae." Sabi ni Dad. Alam siguro niyong may problema sa pagtatanong ni Mom.

"Anong sinabi mo?" Sabay kurot ni mom ng madiin sa tenga ni Dad.

Ayan, siya naman ang may problema ngayon.

"Wala! Wala! Aray! Wala nga sabi! Bilisan niyo para di kayo malate!" Bumitaw naman si mom.

Hinawak-hawakan ni Dad ang masakit niyang tenga. Ayan kasi. Anlande teh. Napansin ko si koyang na napapatawa ng konti. Napangiti naman ako sa itsura niya. Ang cute niya pala pag nakangiti. Teka what?

********

"WHAT?!!" OA nilang reaction. Sinabi ko kasi sa kanila na samin muna titira si koya Dale.

"Bakit sa inyo siya titira?"

"Bakit hindi samin?"

"Magkasama ba kayo sa kwarto?"

"May nangyari na ba sa inyo?"

"Pede makitira?"

Sabay-sabay nilang tanong.

"Ang OA ha!" Sigaw ko.

"Bestie." Lumapit sa Viena at lumingkis sakin. "Magsleepover kaya ulit tayo?" Tanong niya, with matching kislap-kislap pa sa mata ah.

"Ay girl, magandang ideya. Kami na magdadala ng foods." Lapir din sakin ni Mika.

"Hoy! Kayong dalawa ah! Parasites!" Sigaw ni Yanny. Lumapit siya sakin at biglaang lumuhod. "Sabihin mo sa parents mo, makikitira din ako." Nag-pout pa siya.

Binatukan siya nila Mika ng sabay. "Kami nga sleepover lang, ikaw makikitira?!" Sabay na sigaw nila.

"Naman eh." Paawang boses niya habang patayo.

"Pero bakit?" Sabay nilang tanong.

"Eh kasi, sabi nung nanay niya may trabaho daw siya. Di pedeng iwan ng mag-isa si koya." Pagpapaliwanag ko.

Kuyang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon