The Test

14 0 0
                                    

"Bakit ka ba kasi nandito ah?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Wala akong magawa. Tutulungan na lang kita mag-aral." Nakangiti niyang sagot.

"Ha? Bat moko tutulungan? Diba may deal tayo. Gusto mo bang manalo ako? Tsaka, may exam ka rin diba?" Sunod-sunod kong questions.

Problema nito? Gusto niya bang matalo?

"Ahem." Tumungo siya at napansin ko naman ang nakangisi niyang bibig. "Zanne, bakit, ayaw mo ng tulong ko? Gusto mong ako talaga yung manalo noh? Parang gusto mo talaga yung kiss eh. Sus, pasimple pa toh oh. Tsaka, di ko na kelangan mag-aral."

"Che! Yabang! Tsaka hindi noh! Okay fine. Tulong ka sakin. Kakainis ka!" Umirap ako at napatingin sa malayo. "Oh, tanong na."

"Do you love me?"

"Che! Tanong sa science book!"

"Science book, do you love me?" Medyo natatawa niyang tanong. "Uy Zanne, bat di siya sumasagot?"

"Che! Maghanap ka ng tanong sa book! Matalino ka ba talaga? May tinatawag po na common sense."

"Ahaha, okay. Hmm. The genes of the cells can be found in?"

"The nucleus." Nakangiti kong sagot.

"Do you think I have a chance?" Ayan humihirit na naman.

"Do you want a sampal kuya?" Pinakita ko sa kanya ang kamay ko na nakapwesto na upang sampalin siya.

"Wag na, yung kiss na lang."

"Kiss mo kamao ko."

"Okay, my princess."

"Sige sure. Mamaya pula na yang nguso mo."

"Suplada." Nakanguso niyang bulong.

"Pak!" Sarap nung landing ng palad ko grabe.

"Ahaha!" Tumawa lang.

********

I'm at the school!!! Ayy! Kinakabahan ako. Madalas okay lang naman ang exams pero ngayon parang gusto ko mag-backout. Miss ko na ang phone ko. Ang tagal ko nang hindi nahahawakan yun eh. Ayaw ko rin magpatalo kay koya. Pero at least pagkatapos nito wala ng pasok. Yehey! Pahinga na rin sa wakas! Naku pagkatapos talaga ng school year nato matutulog ako ng isang buwan sa kwarto ko. Teka, mamaya na pala yung summer plans. Kelangan ko muna siguraduhin na di ako masali sa summer classes.

"Teka, pano nga ulit yung stage three?" Tanong ko sa katabi kong alien.

Oo, nagpaturo na talaga ako sa kanya. Sabi niya naman na wala siyang gagawain diba? Sulitin na lang natin ang grasya.

"I-transfer mo toh. Tapos divide both sides by whatever this number is. Syempre pag walang nakalagay, wag na." Maikli niyang explanation.

Ang hirap talaga na bobo ka noh? Kelangan mag-aral ng mag-aral. Pero di ibig-sabihin na medyo you know ka eh hahayaan mo na lang. Kelangan pa rin magsikap.

Pero nakakaewan yung iba dyan. Effortless pagiging matalino eh.

"Wala ka talagang balak mag-aral?" Takang tanong ko sa kanya.

He shrugged his shoulders and smiled. "I—"

Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Parang di pa nga nagsisimula eh. "Oo na, alam kong di mo na yun kailangan. Shebet."

"Ayy! Pano toh?! Pano toh?!" Frustrated na paghingi ng tulong ni Mika kay koya.

Ay, di ko pala nasabing andito rin yung tatlong musketeers.

Kuyang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon