The Deal on Valentines Day

27 0 0
                                        

30777 na pogi. 30778 na pogi. Wala na. Di na ako nakatulog. Nakabaon lang yung mukha ko sa unan. At pilit ko pa rin sinusubukang maidlip. Di na ako nakatulog dahil sa sinabi niya kagabi. Nakakainis talaga. Bumangon na lang ako at naupo sa may dresser. Tumingin ako sa salamin at, "Ahh! May halimaw sa kwarto!" Tumili ako dahil may parang bruha sa harapan ng dresser ko.

Malalakas na yabag ang narinig ko. "Yung susi. Akin na... Salamat."

Pumasok sa kwarto sila Mom at Dad. Kasama rin nila si koyang Dale.

"Zanne, anong problema?" Nag-aalala nilang tanong sakin.

Di ko naman napansing naiiyak na pala ako.

"M-May witch!" Nauutal kong sabi at tumuro sa dresser.

Napansin kong natatawa si koyang genius pero pinipigilan lang niya.

"Zanne. Akala ko naman kung ano na. Sige, maligo ka na at maghahanda pa kami sa baba." Utos ni Mom.

Sabay silang umalis ni Dad kaya naiwan kami ni koya na magkasama. Ang mokong hindi na napigilan ang tawa niya. Mabibingi ata ako sa lakas eh.

"Anong problema mo?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"I-Ikaw ka-kasi! Ahaha!" Hawak ng kanang kamay niya ang abs este tiyan niya. Tumuturo naman sa dresser ang isa.

Tumingin ako sa dresser, "Ahhh! Ako pala yung witch!" Natataranta kong sigaw.

"Ahahahaha!" At tawa pa more si koya.

"Che! Che! Umalis ka sa kwarto ko!" Sigaw ko sa kanya sabay tayo at tulak sa kanya palabas.

"Ahaha Zanne. Oo na lalabas na." Humarap siya sakin at sumeryoso ang mukha. "Ang ganda mo! Ahahaha!" At natawa na naman siya ulit. Kairita lang!

"Che!" At sinirado ko ang pinto ng pabagsak.

********

Natapos na ako sa pagligo. Ang ganda ko na ulit. Pero inaantok pa rin ako. Hays. Naglakad ako papunta sa bed para mahiga muna. Nagulat na lang ako nang may makitang isang napakagandang gown sa ibabaw nito. Scarlet na scarlet ang kulay. May silver linings din. Katabi nito sa kama ay isang pares ng gloves. Ayy! Feel ko tuloy ang pagiging prinsesa. Sinuot ko agad syempre. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at nagsimulang maglakad palabas. Sumalubong naman sakin ang isang note na nakadikit sa wall.

"Hi! Sundan ang rose petals pababa. Tanggalin mo na rin ako sa pader at itapon sa basura. Tamad maglinis ang nanay mo." Yun ang nakasulat sa note.

Natawa naman ako at kinuha ang note sa wall. Pababa na ako ng 'grand' staircase. Feel na feel ko talaga ang pagiging princess. Parang slow motion naman ang lahat. Nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng suit at white gloves. Naghihintay siya sa may baba ng hagdan. Ang ganda naman. Salamat sa kung sino ang nag-arrange ng birthday ko. Hinawakan ko ang kama niya. Naku! Feel na feel ni Viena ang pagiging prince ah. Dinala niya ako kay Dad at Mom na nakasuot na din ng magagandag damit.

"Oh anak, ang ganda mo." Papuri ni Dad.

"Para ka na talagang princess." Pahabol ni Mom.

"Princess of the Frogs." Bulong ni kuya.

"Che!" Pinandilatan ko siya.

"Oh anak, makigulo ka muna dun sa mga kaedad mo. May pagkain din sa dining." Sabi ni Dad.

Tiningnan ko naman si Viena na naghihintay. Kasama na rin niya sila Yanny at Mika. Nakasuot din ang dalawang bruhilda ng mga gown. Ang gaganda na namin! Ay shebet!

"Sure Dad. Salamat." Sabi ko sabay yakap sa tatlong mahahalagang tao sa buhay ko.

Kumalas na ako at naglakad papunta kina Viena.

Kuyang GeniusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon