Help?

30 0 0
                                    

Kumakain ako ng mag-isa sa cafeteria. Recess pa lang. Kanina ko pa rin hinihintay yung tatlong aliens. Ang tagal naman nila. San na ba ang mga yun? Nagpatuloy lang ako sa paghihintay. May malakas naman akong narinig na bumagsak sa table ko. Tiningnan ko ang tao ng masama. Si koya pala. Anong ginagawa nito dito?

"Hi Zanne." Nakangisi niyang bati.

Ngumiti lang ako ng pilit tapos umirap. Pinagpatuloy ko na rin ang pagkain.

"Ganda nga, suplada naman." Dinig kong bulong niya.

Tiningnan ko siya na naiinis.

"Bat ka ba andito ha?" Naiinis kong tanong.

"Gusto kong bisitahin ang lips mo. Malapit ko na silang matikman eh. Kelan nga yung recognition?" Tumawa pa siya ng bahagya.

"Che!" Sigaw ko na may laman pang pagkain ang bibig.

"Oh, ingat, baka mabulunan ka. Isarado mo muna ang maganda mong bibig." Natatawa ulit niyang sabi.

Lumunok ako at dinilaan siya.

"Zanne, di yung dila kelangan ko. Yung lips." Bumungisngis siya at binuklat ang libro sa table.

"Che! Gamit din naman yung dila sa kiss diba?" Di ko rin inexpect yung lumabas sa bibig ko. Ano bang problema ko sa layf?

"Ahhh, tsk, tsk, tsk! Gusto mo palang French kiss yung gawin natin ah?" At natawa na naman siya ng sobrang lakas. Ibig-sabihin nun kumalat ang boses niya sa cafeteria.

"Che!" Namumula kong sigaw.

"Oy! Oy! Anetch itey?" Kumikembot na naglakad sila Viena palapit samin.

"Wala!" Galit kong sabi sabay cross-arms.

"Bat ka sumisigaw?" Nagtatakang tanong ni Mika.

"Masaya kasi ako!" Pasigaw ko ulit na sabi.

"Ay, fafa Dale, kumusta?" Lumapit si Viena kay koya at hinaplos-haplos ang balikat nito.

"Ahem lande." Pabulong na sabi ni Yanny.

"Che ka girlalu! Jelly ka lang eh!" Umirap si Viena at niyakap-yakap si koya mula sa likod.

Napansin ko namang nandidiri si koya pero hinayaan na lang niya.

"Mmm bango!" Inamoy ni Viena ang shoulders ni koya at lumayo na.

Napabuntong-hininga naman si koya at parang naginhawaan.

"Oh girl. Tapos ka na kumain?" Tanong ni Yanny habang paupo.

"Ay hindi. Di pa ako tapos. Ang tagal niyong dumating eh, hinintay ko pa kayo. Heh! Nauna na ako. Gutom na ako. San ba kayo galing?"

"Si Vincent kasi may nahagip na boylet, ayun nilande." Maikiling paliwanag ni Yanny.

"Ahh, ikaw palang sea horse ka ang may kasalanan." Tiningnan ko si Vincent na nakatutok naman kay koyang Dale.

"Mhmm." Tumango lang siya at nakatitig pa rin kay koya.

"Nung huli akong nakakita ng ganyang tingin muntik na akong magahasa." Natatawa kong saad.

Lumingon naman si Viena at ngumisi.

"Attempt lang naman eh." Malandi niyang sabi. At kumindat pa ang shebet na baklang toh!

Nagpatuloy lang sila Yanny at Mika sa pagkain, si Viena naman sa paglandi, at ako sa pagdaldal at pagkikwento hanggang sa magring ang bell. Tumayo na ako at nagligpit ng kalat.

"Hatid na kita Zanne." Tiningnan ko naman si koya Dale. Nakangisi na naman oh.

"Wag na! Baka ikaw pa ang malate, ako na naman masisisi. Tsaka andyan naman sila Mika oh. Sila na lang."

Kuyang GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon