Kabanata IV
Dalawang araw na ang lumipas simula no'ng huli kaming nagkita ni Leo at no'ng sinabi niya 'yong 'I hope not to see you again' niya. Aba ang kapal pala ng mukha niya. Akala mo naman gusto ko siyang makita. Mahiya nga siya!
"Ang sakit talaga!" Agad na umikot ang mata ko nang marinig ang mga iyak ni Cecile.
"Sino bang tanga ang nagpaloko?" Agad naman akong binatukan ni Cassy at pinandilatan ako ng mata.
"Tumigil ka nga Ley! Kita mo na ngang nasasaktan na si Cecile 'tas ganyan ka pa!"
Inirapan ko lang siya.
"Tama naman si Lacey e. Una pa lang alam ko ng babaero si Jaspher pero pumatol pa din ako." Sumisinghot na sabi nito.
"Alam mo naman pala e."
Nakita niya kasi ang boyfriend niya na may kahalikang babae sa gitna ng market. Una pa lang pinaalalahanan na namin siyang 'wag sagutin 'yang si Jaspher dahil dakilang babaero at halata namang niloloko lang niya si Cecile, pero ang gaga para namang globe go lang ng go. Tingnan mo ngayon, tumutulo na ang uhog sa kakasinghot at kakaiyak.
"Sel, hindi mo siya dapat iniiyakan. Mas lalong lalaki ang ulo no'n pag nakita niyang may napaiyak na naman siyang babae. Marami pa namang iba diyan. Mas matino at mas gwapo pa." Lintaya ni Marie.
Tumatango naman si Cassy na sinasang-ayunan ang sinabi ni Marie.
"Pero hindi sila si Jaspher." Umiiyak na sagot nito.
Napatampal naman ako sa noo ko dahil sa sagot niya. Hindi ko naman alam na ganito pala kabaliw ang kaibigan ko sa lalaking 'yon.
"Niloloko ka lang niya Cecile. Okay lang ba sayo 'yon ha?!"
"Anong magagawa ko e mahal ko siya?"
"Pero hindi ka niya mahal! Pinaglalaruan ka lang niya."
"Babaero siya pero hindi siya sinungaling. Sabi niya gusto niya ako."
"Gusto hindi mahal!"
"Gano'n din naman 'yon. Do'n naman talaga nagsisimula ang lahat."
"Gumising ka Cecile. Huwag mong hayaang sa kanya lang umiikot ang mundo mo."
Parang nabingi ako sa mga pangaral nila kay Cecile na wala namang ibang ginawa kundi ipagtanggol ang Jaspher na iyon. Tsaka wala na naman kaming magagawa diyan, buo na ang isipan niya. Ewan ko nga ba kung nababaliw na ba yan si Cecile o ano e. Iiyak kasi niloko pero 'pag pinapatigil ayaw naman.
"Hindi niyo maiintindihan dahil wala naman kayo sa sitwasyon ko." Mas lalo lang siyang humagulhol sa pag-iyak.
Umikot naman ang mga mata ko. "We don't need to be in your situation Cecile para lang maintidihan ka. We know you're hurt pero isipin mo din naman ang sarili mo. Puro si Jaspher na lang ang iniisip mo e."
Hinagod-hagod naman nina Cassy ang likod niya at pilit itong pinapatahan. Nilapitan ko naman siya at niyakap. "You're fighting for nothing Sel. Know when to give up." Mahinahon kong bulong sa kanya na mas lalong nagpahigpit ng yakap niya sa'kin.
It's better kung didiretsuhin namin siya kesa naman paulit-ulit lang siyang masaktan. Masakit sa'min ang makita siyang umiiyak lalo pa't hindi siya 'yong tipo ng tao na madalas umiyak pero mas masakit sa'min ang makita siyang patuloy na nagpapakatanga at nagpapaloko. Love without loyalty and honesty is a big mistake. You shouldn't be in a relationship when you're just going to cheat and lie.

BINABASA MO ANG
Never Enough
Romance"I guess sometimes you need a second chance because time wasn't ready for the first time."- Lacey Anne Gonzalo @gorgever ©All Rights Reserved