Kabanata XIV
Tinitigan ko si Leo habang nakikipag-usap siya sa mga tao. Hindi maipagkakailang magaling din siyang mamuno, he knows how to handle people. Hindi ko tuloy alam kung anong klaseng pagpapasaway ang ginawa niya kaya ipinatapon siya dito. Mukha din naman kasi siyang mabait.
Kanina ay namasyal lang kami sa mga bahay-bahay at nangumusta sa mga tao. Pagkatapos no'n ay bumalik din kami agad dahil nagreklamo na akong masakit na ang paa ko. Pagkadating namin dito ay wala na kaming ibang ginawa kundi maglakad kaya siguradong mangangalay 'tong paa ko mamayang gabi.
"Hey."
Napalingon ako kay Cecile nang tumabi ito sa'kin sa pag-upo dito sa kubo.
"Si Marie?" Tanong ko.
"Ayun, tumutulong. Alam mo naman ang babaeng 'yon, kapag luto ang pinag-uusapan, gora agad!"
Mahilig kasing magluto si Marie kaya suki ito lage ng kusina. Ewan ko kung iyon din ba ang dahilan kung bakit HRM ang course niya.
Mamayang alas tres ay may feeding program sa court kaya naghahanda na sila para doon. Sa pagkakaalam ko ay bukas pa mamimigay ng mga educational and agricultural materials.
"Bakit hindi ka natulog?" Tanong niya sa'kin.
"Hindi ako makatulog e. Siguro dahil nasa ibang bahay tayo." Ngumuso ako at inisip ang mangyayari sa'kin mamayang gabi. Siguradong mapupuyat ako!
"Maaga kang aantukin niyan, sige ka. Teka, anong oras tayo uuwi bukas?"
"Hindi ko alam. Sana ay medyo maaga kasi nangako ako kay Kim na pupunta sa birthday ni Jason."
"Birthday pala ni Jason? Pero bakit pupunta ka pa? Hindi ba't dapat ay magpapahinga ka na niyan?"
"Nasabi ko ng pupunta ako..."
"Bahala ka!" She rolled her eyes. "Magmumukha kang zombie niyan sa party."
"Ang ganda ko namang zombie." Sagot ko at sumandal sa kanyang balikat.
Humikab ako at sinubukang ipikit ang mga mata pero sadyang hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ang lagkit ng katawan ko!
"Saan tayo maliligo?" Mahina kong tanong kay Cecile.
"Dios Mio! Buti natanong mo!" Nanggigigil niyang sagot. "Gusto ko na ding maligo beh. Kaso... Nakakahiya naman kasi 'di ba? Magsasayang pa tayo ng tubig e alam naman nating pahirapan nga kung kumuha sila ng tubig dito."
"So, hindi tayo maliligo?"
Bumagsak ang balikat ko habang iniisip na hanggang pag-uwi namin bukas ay hindi pa kami nakakaligo. Hindi naman sa nag-iinarte ako, pero sadyang ayoko lang talaga 'pag hindi ako nakakaligo. Ang init sa katawan.
"Pa'no kapag bigla akong natae? Beh, pa'no ako?!" Impit na bulong sa'kin ni Cecile.
"Pigilan mo!" I laughed. "O wag kang kumain ng marami para hindi ka matae."
"Oo na!" She pouted. "Huwag lang tayong magsayang ng tubig."
Pareho kaming napalingon sa mga kasama namin nang umingay sila at may dala ng mga tuwalya.
"Sel! Ley! Tara! Ligo tayo!" Malaki ang ngiting tawag sa'min ni Marie.
Nagkatinginan naman kami ni Cecile bago tumalon sa upuan at agad na lumapit sa kanila.

BINABASA MO ANG
Never Enough
Romansa"I guess sometimes you need a second chance because time wasn't ready for the first time."- Lacey Anne Gonzalo @gorgever ©All Rights Reserved