Kabanata VI
Ilang oras na ang lumipas simula no'ng naging chatmate kami ni Leo. From strangers, to, neighbors, to chatmate, to friends. Di lang ako nakapagreply nang dumating na si Cassy para sunduin ako papunta sa palayan. Di naman pala siya gano'n kalala katulad ng iniisip ko, makapal lang talaga ang mukha niya minsan.
"Bilisan mo naman diyan Ley." Pagrereklamo niya ng huminto ako mula sa paglalakad. Tinitigan kong mabuti ang lalaking nagbubuhat ng mga sakong palay.
"Si Leo ba 'yon?" Tanong ko kay Cassy na lumingon naman sa'kin para tingnan kung sino ang tinuturo ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya at napatalon bago ako mabilis na hinila. "Si Papa Leo! Oh my God! Bilis beh!" Kinikilig niyang sigaw. Napalingo na lang ako at sumunod sa kanya.
"Hello mga Tatay!" Masaya niyang sigaw at kinawayan namin sila. Gumanti naman sila at nagpatuloy na sa pag-aani habang si Tatay Jun ay lumapit sa amin.
"O anong sadya niyo dito?" Taka nitong tanong at ibinaba ang suot nitong sumbrero.
"Tutulong po sana kami." Masayang sagot ni Cassy.
"Naku, nagsasako na kami. Hindi niyo na kaya iyon."
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na pabalik na si Leo galing sa bodega. "Edi tutulong na lang po kami sa paglalagay ng mga palay sa sako." Sagot ko.
"Oo nga po Tay. Sige na po, wala kaming magawa sa bahay e. Kesa gumala ay mas gugustuhin na lang po naming dito na lang tumulong." Pangungulit ni Cassy.
Napakamot naman ng ulo si Tatay Jun. "May jacket ba kayong dala? Baka mangati kayo."
"Meron po!" Masaya naming sagot at ipinakita ang dala naming jacket.
"O siya. Halina kayo."
Pagkatapos naming isuot ang aming mga jacket ay dali-dali kaming sumunod kay Tatay at nginitian ang iba pa niyang mga kasama. Magkatabi kaming umupo ni Cassy at tumulong na sa paglalagay ng mga palay sa sako. Pasado alas tres pa ng hapon kaya malakas pa ang sikat ng araw at mahahalata mo pa ang mga pawisang noo ng mga nag-aani.
"What are you two doing here?" Agad akong napatingala nang marinig ang matigas na Ingles ni Leo. Siniko naman ako ni Cassy.
"E ikaw bakit ka nandito?" Ganti kong tanong sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at agad bumaling kay Cassy.
"Tumutulong kami. Matagal na namin 'tong ginagawa." Agad na sagot nito. Napaikot naman ang mga mata ko at nagpatuloy sa ginagawa. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at tiningnan ng maigi ang aking mga kilos.
Di ko na lang siya pinansin at nagkunwaring seryoso sa ginagawa. Habang si Cassy naman ay kanina pa panay ang nakaw ng tingin kay Leo.
Lumapit ako sa kanya at mahinang bumulong. "Matutunaw 'yan."
"Gwapo kasi." Ganti niyang bulong.
"Akala ko ba may ka-MU ka?"
"Selos ka?" Hagikhik nito.
"Baliw." Ismid ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at nang-iinis na tumingin. "Wag kang mag-alala, loyal ako. Sa'yo na 'yan." Mahina nitong tawa. Siniko ko lang siya at sinamaan siya ng tingin.
"Anong pinagbubulungan niyo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Leo.
Nagtinginan naman kami ni Cassy at sabay na lumingo. "Wala."

BINABASA MO ANG
Never Enough
Roman d'amour"I guess sometimes you need a second chance because time wasn't ready for the first time."- Lacey Anne Gonzalo @gorgever ©All Rights Reserved