NE. Pang-siyam na Parte

11 0 0
                                    

Kabanata IX

"Saan ka galing?"

"Diyan lang Ma." Agad akong humiga sa sofa at pumikit.

"Kilala kita Lacey Anne!" Tumayo siya sa harap ko at nameywang.

"Hindi ba dapat nasa store ka ngayon Ma?"

"Huwag mong iniiba ang usapan!" Pinaningkitan niya ako ng mata. Inis naman akong umupo.

"Kapag nandito ako sa bahay, pinapalabas niyo ako. 'Pag lumalabas naman ako, ganyan ang reaksyon niyo. Seryoso Ma?" Nakanguso kong sagot.

"Kahapon umalis ka ng walang paalam. Ngayon umalis ka din ng walang paalam. Ano sa tingin mo ang iisipin ko Lacey?" Galit niyang sagot.

"Sorry na Ma. Naiwan ko 'yong phone ko kahapon kaya hindi kita natext."

"E ngayon?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"Hindi naman ako pumunta sa malayo." Pagdadahilan ko.

"At saan ka nagpunta?" Pag-uusisa niya.

"Sa plantation." Simple kong sagot.

"Sa susunod magpaalam ka ng maayos." Pahayag niya.

"Opo. Sorry na Ma."

"Oo na. Siya nga pala, nagpunta dito si Cassy kanina at hinahanap ka. Tawagan mo na at sabihing nandito ka na."

"Sige po."

Lumabas na si Mama at kinuha ko naman ang phone ko at dinial ang number ni Cassy.

"Ley..."

"Sorry Cassy." Agad kong sagot.

Narinig ko naman siyang suminghot. "Bati na tayo?"

Natawa naman ako sa tanong niya. "Bati na tayo. Namiss kita!" Naluluha kong sabi.

'Pag talaga si Cassy ang umiiyak ay mahahawa ka. Demonyita kasi 'yan kaya nakakadala 'pag siya ang umiiyak.

"Namiss din kitang gaga ka!"

Inabot ng ilang oras ang usapan namin ni Cassy. Hindi namin pinag-usapan si Kuya Luke at buong oras e nagkwentuhan lang kami. Sa wakas gumaan na din ang pakiramdam ko. Hindi ako sanay na nag-aaway kaming dalawa.

"Pumayag ka na Ley. Matagal ka na naming iniimbitahan na maging muse ng team pero palagi mo na lang kaming tinatanggihan."

"Pasensya na Kevin pero alam mo namang hindi ako mahilig sa ganyan. Kung gusto mo si Cassy na lang, pwede ko siyang sabihan." Pagrerekomenda ko.

Nagkamot naman siya ng ulo. "Nanalo na si Cassy last year. Ikaw naman ngayon Ley, bagay ka naman do'n e."

"Sorry Kev pero ayoko talaga."

Nagbuntong-hininga naman siya at pilit na ngumiti. "Sige na nga. Hindi na kita pipilitin. Basta manuod ka bukas a!"

"Oo naman!" Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na siya para bumalik sa practice.

Bukas na magsisimula ang liga sa baryo namin. Sa hapon gaganapin ang parade at ang bawat team na kasali ay dapat may isang muse. Noong nakaraang taon ay si Cassy ang nanalo at ngayon naman ay ako ang gusto nilang isali pero sadyang wala akong hilig sa ganyan.

"Lacey!" Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ni Cecile.

"Anong ginagawa mo dito?" Taka kong tanong.

Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon