Kabanata XIII
"Hindi na po kayang umakyat ng sasakyan ma'am kaya hanggang dito na lang po tayo."
Nagising ako nang marinig ang boses ng driver. Nakita kong nagising din si Leo at agad na tumingin sa likod para tingnan ang mga kaibigan ko na ngayon ay mahimbing pa ding natutulog.
"Kailangan na nating maglakad. Get your things." Pahayag ni Ms. Lyn.
"Gisingin mo na sila Lacey." Ani Leo.
"Okay." Sagot ko at ini-slide ang pinto ng van. Sinuot ko na muna ang aking travelling bag bago bumaba ng sasakyan.
Tinapik ko ang balikat ni Marie dahilan para unti-unti siyang magbukas ng mata. "Kailangan na nating maglakad papunta sa taas."
Tumango siya at binalingan ang katabi para gisingin. Nilibot ko ang paningin at namangha sa ganda ng tanawin. Halos kulay berde ang lahat ng makikita at sagana sila sa iba't-ibang klase ng tanim. Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ng ibang staff. May ibinilin sa kanila si Ms. Lyn bago ito naglakad papunta sa pwesto namin.
"Let's go?"
"Sige po." Ngiti ko at sumunod sa kanya.
Naunang maglakad ang kapitan ng barangay at si Ms. Lyn. Mukhang kanina pa niya kami inaabangan dito para i-guide kami. Tumabi sa'kin si Leo habang si Marie at Cecile ay nasa likod lang namin at busy sa pagkuha ng litrato.
"Their life here is very simple." Komento ko.
Simple lang din naman ang buhay namin pero hindi kasing simple ng sa kanila. They don't even have electricity and water. Sa balon lamang sila madalas kumukuha ng tubig. I wonder if they're drinking it also, maybe.
"Kaya mas kailangan nila ang tulong ng gobyerno."
"Do you always... do things like this? I mean the voluntary help?"
"This is also my first time." Natatawa niyang sagot.
"Oo nga pala. City boy ka pala kaya imposibleng sumama ka sa mga ganito."
Napalingon ako sa iilang mga magsasaka na napatigil sa kanilang ginagawa para tingnan kami. May iilan ding mga sumisilip sa bintana ng kanilang mga bahay. Pinahidan ko ang tumulong pawis sa noo ko. Matindi na ang sikat ng araw kasi pasado alas otso na ng umaga. Inabutan ako ni Leo ng bottled water na agad ko namang tinanggap at ininom.
"Thanks." I uttered.
Sa ilang minutong paglalakad ay nakahinga lamang ako nang makita na ang nagkukumpulang mga tao sa maliit nilang court. Narinig ko din ang mahinang pasasalamat ng mga kasama namin dahil sa wakas ay nakarating na kami.
"Nakakapagod." Hingal na sabi ni Cecile at agad na binilisan ang paglalakad para makaupo sa sementadong upuan sa loob ng court. Agad namang tumabi sa kanya si Marie.
Ang iilang staff ay dumiretso din sa pag-upo habang si Leo at Ms. Lyn ay kausap ang ilang kagawad ng barangay. Ine-expect ko na ang ganitong eksena 'pag dumating kami. Nagkalat ang mga bata na tila ba alam nilang may dadating na tulong sa kanila kaya excited sila. I smiled when I saw happiness in their faces.
"You guys can rest first." Anunsyo ni Ms. Lyn.
Binilang ko kung ilan kaming lahat at nalamang labindalawa lamang kaming sumama at hindi pa kasama ang dalawang driver. Hindi ko alam kung officials ba sila o volunteer lang din.
"Magpahinga na muna kayo ng mga kaibigan mo." Sabi ni Leo nang makalapit siya sa'kin.
"E ikaw?"
BINABASA MO ANG
Never Enough
Romance"I guess sometimes you need a second chance because time wasn't ready for the first time."- Lacey Anne Gonzalo @gorgever ©All Rights Reserved