NE. Pang-limang Parte

13 0 0
                                    

Kabanata V

"Pwede ba Leah maupo ka na lang dito?" Inis na tanong ko sa kapatid ko. Maya't-maya kasi siyang lumalabas sa office ni Papa tapos pagbalik ay may dala ng pagkain.

"Nagpaalam ako Ate." Sabi niya habang iniikutan ako ng mata.

"Yeah right. Gusto mo bang maubos ang tinda natin?"

"Bakit ko naman gugustuhin?" Inosente niyang tanong. Inis ko na lang siyang inirapan.

Wala na atang makakatalo sa kakulitan ng kapatid ko. Pasalamat siya at mabait si Mama at Papa kaya hinahayaan lang siyang lumamon ng lumamon. Sabagay sa ganiyang edad daw niya madalas malakas kumain ang mga teenagers.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalaro sa phone ko habang nakaupo sa upuan ni Papa. Maya-maya pa ay lumabas na naman ang kapatid ko. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa din siya dumadating kaya lumabas na ako sa office at hinanap siya.

"Masarap 'yan Kuya."

"Sige bibilhin ko. Pili ka, ako na ang magbabayad."

"Talaga? Salamat!"

Napalingon ako sa likod nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad na nanlaki ang mata ko nang nakita ang kapatid ko at si Leo na nag-uusap. Tinutulungan siya ng kapatid ko na maglagay ng pagkain sa cart. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi niya ako nakikita.

Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa kakapalan ng mukha ng kapatid ko. Para kasing mas madami pa ang pagkaing para sa kanya kesa kay Leo. Pinandilatan ko siya ng mata nang mabaling ang tingin niya sa'kin. Ngisian niya lang ako ng nakakaloko at tumingin ulit kay Leo.

"Hihingi din daw si Ate, Kuya Leo." Dinig kong sabi ng kapatid ko habang tinuturo ako. Nanlaki naman ang mata ko at napanganga.

Lumingon sa gawi ko si Leo at tiningnan ako ng may pagtataka sa mukha. Sinenyasan ako ng kapatid ko na lumapit kaya wala na akong nagawa kundi ang dahan-dahang maglakad papunta sa kanila.

"Magkapatid kayo?" Gulat na tanong ni Leo.

"Yup! Nakakapagtaka 'no? Mas maganda kasi ako sa kanya." Masayang sagot ng kapatid ko habang tumatawa.

Pabiro ko naman siyang hinampas at pekeng nakitawa bago siya binulungan. "Umayos ka."

Ngumiti naman sa kanya si Leo. "What do you want Lacey?" Baling niya sa'kin.

"Ha?" Gulat kong tanong.

"Gusto niya ng chocolates. Goya to be exact Kuya." Singit ng kapatid ko bago ako kinindatan. Siniko ko naman siya.

"Nagbibiro lang 'yang kapatid ko Leo. Alam mo na bata." Sabi ko habang dinidiinan ang salitang bata. Nginusoan naman niya ako.

"Pabebe lang talaga 'yang si Ate." Bawi ng kapatid ko.

"Huwag kang maniwala sa batang 'to. Ganito na talaga 'to dati pa." Sabi ko at inakbayan siya pero ang totoo ay sinasakal ko na siya.

"Mahiyain talaga si Ate kaya kunwari ayaw." Inakbayan din niya ako at sinakal. Nagsukatan kami ng tingin at una naman siyang bumitaw bago bumaling kay Leo at ngumiti. Naguguluhan siyang tumingin sa aming dalawa kaya ngumiti na lang din ako.

"Are you two fighting?" Taka niyang tanong.

"Hindi!" Sabay naming sigaw ng kapatid ko at lumilingo pa. He just raised his brows.

Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon