NE. Pang-labing Limang Parte

21 0 0
                                    

Kabanata XV

Nagsuot lamang ako ng simpleng t-shirt at pedal bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa aking relo at nakitang pasado alas dos na ng tanghali. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang feeding program.

"Mauuna na ba kayo sa court, Lacey?" Tanong sa'kin ni Ms. Lyn na kakarating pa lang kasama ang iba pang staff.

"Opo. Sasama na po kami kay Kapitan." Sagot ko.

Tumango lamang siya at dumiretso na sa loob ng kwarto. Nagpaalam din muna ako kina Cecile at Marie bago tuluyang lumabas ng bahay.

Nakita ko si Leo na naka v-neck t-shirt at maong pants. Pinaglalaruan nito ang kanyang labi habang kausap ang mga taga rito. Napatingin siya sa gawi ko dahilan para ngumiti siya at maglahad ng kamay. "Come here."

Lumapit ako sa kanila at agad siyang umakbay sa'kin.

"Si Lacey nga po pala." Pagpapakilala niya sa'kin sa mga kausap niya.

Isa-isa din silang nagpakilala sa'kin at halos hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila dahil sa kanilang dami. Puro sila mga matatanda na tila ba may posisyon din sa kanilang barangay.

"Tara na sa court at kanina pa naghihintay ang mga tao doon." Sabi ng isa sa kanila na sa tingin ko ay si Tatay Sol.

Nakahawak lang ako sa braso ni Leo habang paakyat kami. Kausap niya ang Kapitan at ang Kagawad na naghatid sa'min kaninang umaga sa bahay.

Pagkarating namin doon ay agad na sumalubong sa'min ang mga bata. Ngayon ay halos mapuno na ang court sa dami ng mga tao. Maliit lang din kasi ito at limitado lang ang taong kaya nitong okyupahin.

"'Wag kang lalayo sa'kin." Bulong sa'kin ni Leo.

Tumango lamang ako at hinawakan na niya ang kamay ko para makapasok kami sa loob. Iginiya kami ng Kapitan at agad naman kaming pinadaan ng mga tao na nakaharang sa entrance. Nginitian ko lang ang mga taong nakakasalubong namin.

"Asan na si Lyn? Siya ang magho-host nito." Rinig kong sabi ni Leo sa paparating na sina Kuya Larry at Kuya Mark.

"Parating na sila."

Saglit akong tumingin kay Leo na busy na sa pakikipag-usap bago lumapit sa table na naghahanda sa mga pagkain.

"Pwedeng tumulong?" Tanong ko at tiningnan ang kanilang ginagawa.

Meron silang ipamimigay na chicken soup, sliced bread, pansit at juice. Simple lang pero siguradong makakabusog naman sa kanila. Pagkatapos naman ng feeding program ay mamimigay din sila ng relief goods sa bawat pamilya.

"Sige po, ma'am." Nakangiti niyang sagot. "Ikaw na lang po maglagay ng juice sa plastic glass."

Agad naman akong tumalima sa kanyang utos. Madali lang naman iyong gawin kaya hindi na ako nahirapan. Bumaling ako sa harap ko nang makitang nagsilapitan na ang mga bata at pilit silang pinapalayo ng mga kasama kong naghahanda ng pagkain.

"Doon na muna kayo." Utos niya sa mga bata pero hindi naman sila nakikinig.

"Lacey!"

Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ni Leo. Malalaki ang kanyang hakbang papunta sa'kin at nakakunot ang noo.

"I told you not to stay away from me!" Naiinis niyang sabi.

"I want to help, Leo. Bumalik ka na doon. Okay lang ako dito." Sagot ko at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

"Let's go. Tumulong ka na lang mamaya sa pagdi-distribute niyan."

Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon