NE. Pangalawang Parte

23 1 0
                                    

Kabanata II

Dala-dala ko ang camera ko nang mamasyal sa may parke. Kinuhanan ko ng litrato 'yong mga bulaklak, mga batang naglalaro, mga street vendors, o kung anuman 'yong nakikita ko na nagugustuhan ko. Nakaugalian ko na kasing ipunin lahat ng mga pictures na nakuha ko at idinidikit sa loob ng kwarto ko. Sa tuwing wala kasi akong magawa ay iyon ang pinagkakaabalahan kong tingnan.

Naupo ako sa may bench at isa-isa iyong tiningnan habang nakangiti. Tinutok ko uli ang camera sa harapan ko para sana kuhanan ng litrato ang nakadapong bubuyog sa bulaklak nang bigla nitong nadaanan ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Binaba ko ang camera ko at nakita si Leo na nakasandal sa kotse niya habang may kausap sa cellphone nito. Itinaas ko uli ang camera at kinuhanan siya ng litrato. Napatawa na lang ako sa resulta nito, nakakunot ang noo niya at tila ba inaaway ang kausap niya. Hindi pa masyadong malinaw kasi maya't-maya siyang gumagalaw kaya nagmumukhang nilabasan ng espiritu ang katawan niya.

"Sungit talaga ng isang 'yon. Pati sa tawag may kaaway." Natatawa kong bulong sa sarili ko. Tumayo na ako at naglakad patungo sa nagtitinda ng tempura. "Dalawang stick po." Sabi ko at inabot ang bente pesos.

Agad niya naman akong binigyan ng binili ko at isinawsaw ko ito sa maanghang na sauce.

"Masarap?" Taka akong lumingon sa nagtanong no'n at nakitang si Leo pala iyon na sinusuri ang dala kong pagkain.

"Oo. Gusto mo?" Inabot ko sa kanya ang isang stick ng tempura pero tumanggi siya.

Lumapit siya sa mga nakadisplay na pagkain at tinuro ang fishball. "Isa nga nito." Sabi niya at inabot ang limampung piso. Binigyan din naman siya agad ng tindera at inabot din sa kanya ang sukli niya pero tinanggihan din niya ito.

"Dagdagan mo na lang 'yong kinakain niya." Turo niya sa akin at umalis na papunta sa nakaparada niyang sasakyan.

Sinundan ko naman ng tingin ang papaalis niyang sasakyan at kinunotan na lang ng noo ang tindera. "Uhh.. Pakibigay na lang po do'n sa mga batang kalye. Salamat." Sabi ko bago tuluyang umalis at nagpunta sa convenience store namin.

Di ako mahilig magpalibre kaya mas mabuting ibigay na lang 'yon sa mga bata kesa naman masayang. Naglakad na ako papunta sa convenience store namin at tutulong na lang siguro ako kila mama sa pagbabantay doon.

Pagkabukas ko ng glass door ay natanaw ko na si Papa sa may cashier area. "Pa!" Tawag ko sa kanya at nagmano.

"Bakit ka nagpunta dito? May kailangan ka ba?" Taka niyang tanong at pinasadahan ng tingin ang itsura ko.

"Wala po. Dito na lang muna ako." Sagot ko at pinuntahan si Mama na nag-aayos ng mga nakadisplay na junkfoods at nagmano na din ako sa kanya.

"Tapos ka ng mamasyal?"

Napaismid naman ako at di na lang siya pinansin. Ang bilin niya kasi ay pumunta akong Magsaysay at mag-enjoy doon pero dahil tinamad ako ay sa parke na lang ako nagpunta. I don't know what's with her at trip niya akong pagalain. 'Yong iba nga diyan ay napakaprotective sa mga anak nila at ayaw ng palabasin sa mga bahay nila. Protective naman si Mama pero gusto niya lang daw talagang maenjoy ko ang pagkabata ko. Sadyang hindi lang talaga ako 'yong tipo ng tao na mahilig gumala, pwera na lang kung gustong-gusto ko na talagang maglakwatsa.

"Nagkita kami ni Leo kanina." Pag-iiba ko ng topic at tinulungan na siya sa pag-aayos.

"Anong ginawa niyo?"

"Wala. Umalis din kaagad e."

Napaharap naman siya sa'kin at nginisian ako ng nakakaloko. "Nanghihinayang ka?" Panunukso niya.

Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon