Kabanata XII
Una kong naabutan sa bayan si Marie na nagtetext habang si Cecile ay kumakain ng sandwich.
"Si Cassy?"
"Papunta na daw. Wala ka bang bibilhin?" Tanong ni Marie.
"Wala." Tumabi ako kay Cecile sa upuan at tinitigan siya habang kumakain. "Sigurado kang sasama ka?"
Nag-angat naman siya ng tingin sa'kin at tumango. "Oo naman. Gusto kong tumulong."
Nagtitigan kami ni Marie bago sinuri ng mabuti si Cecile. "Anong palaman niyan?" Tanong ko habang tinitingnan ang kinakain niya.
"Itlog tapos ketchup." Sagot niya.
"Ketchup? Hindi ba ayaw mo niyan? Tsaka anong klaseng palaman naman 'yan." Takang sambit ni Marie habang tinitingnan ang pagkain ni Cecile.
"Okay naman 'yong lasa e kaya kinain ko na." Sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain.
Nagkibit-balikat na lang ako at kinuha ang phone ko para itext si Cassy.
To: Cassy
Asan ka na?
Maya-maya pa ay tumunog na ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.
"Asan ka na ba?!"
"Sorry Ley pero pupunta kasi kaming airport mamaya para sunduin sila Kuya Brendyl kasama 'yong asawa niya tsaka si baby Sam." Malungkot na paliwanag niya.
"Akala ko next week pa ang dating nila?"
"Iyon nga din ang akala namin pero kani-kanina lang tumawag si Kuya na parating na daw sila. Ewan ko ba sa mga 'yon, ang gulo."
"Gano'n ba. O sige okay lang. Dadalaw na lang kami diyan sa inyo pag nakauwi na kami."
"Sige. Ingat kayo!"
Pinutol ko na ang tawag at lumingon kina Marie. "Tayong tatlo na lang."
"Asan na ba sina Leo?" Tanong ni Marie.
"Parating na siguro 'yon." Sagot ko.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago namin nakita ang van na sasakyan namin. Lumabas mula doon si Leo at ang isang babaeng mas matanda ng kunti sa'min at nakasalamin.
"Sorry natagalan kami, tumawag pa kasi si daddy." Paliwanag ni Leo.
"Okay lang."
"Lyn, this is Lacey, Marie and Cecile." Pagpapakilala ni Leo samin.
Ngumiti naman ang babae at nag-abot ng kamay sa'min. "I'm Lyn Mendez."
"Hello po." Ganting ngiti namin sa kanya.
"Shall we go?" Singit na Leo. Tumango naman kami at pumasok na sa loob.
Nasa unahan nakaupo si Ms. Lyn na sinundan naming dalawa ni Leo habang nasa likod naman namin sina Marie at Cecile. Nagpatugtog si Ms. Lyn ng kanta para daw hindi kami mabore sa biyahe.
"Asan na 'yong ibang staff ng foundation?" Tanong ko kay Leo.
"Nasa kabilang van sila." Sagot niya at itinuro ang nakasunod sa'ming isa pang puting van. "Kumain na ba kayo?" Dugtong niya.
"Tapos na ata sila Marie."
"E ikaw?"
"Hindi ako bumibiyahe ng busog, nasusuka ako."

BINABASA MO ANG
Never Enough
Romance"I guess sometimes you need a second chance because time wasn't ready for the first time."- Lacey Anne Gonzalo @gorgever ©All Rights Reserved