Kabanata XVI
"You okay?" Tanong ko kay Cecile nang makitang nakaupo siya sa isang stool habang pinapaypayan siya ni Marie.
"Oo." Tipid ang ngiti niyang sagot.
Lumingon ako sa paligid at nakitang unti-unti ng humuhupa ang dami ng tao. May mangilan-ngilan na lang na natitira at ang iba ay naiwan para maglinis ng mga kalat. Saglit akong umalis para kumuha ng bottled water at bumalik din agad para ibigay iyon kay Cecile.
"Dapat ay hindi ka na masyadong kumilos, Sel."
"Okay lang ako!" Aniya. "Nahilo lang ako dahil sa sikip at init."
Umirap si Marie dahil sa sagot niya. Halatang hindi din nagustuhan ang ginawa ni Cecile.
"Bumalik na kayo sa bahay at magpahinga. Hihintayin ko lang si Leo at susunod na din kami."
"Mabuti pa nga!" Sagot ni Marie at tinulungan na si Cecile na tumayo.
Hinatid ko sila hanggang sa entrance at naghanap na din kami ng motor na pwedeng sakyan nila pababa para hindi na sila mahirapang maglakad.
"Ingat kayo!" Paalala ko.
"Sumunod ka agad, Ley." Ani Marie.
"Sige."
Nang makaalis na sila ay bumalik na ulit ako sa loob at naupo na lang ulit sa kawayan na upuan. Nasa loob pa si Leo ng barangay hall at mukhang may pinag-uusapan sila ng kapitan. Sinabi na niya sa'king sumabay na kami kina Ms. Lyn pero ayoko naman siyang iwan dito.
Napalingon ako sa entrance ng court nang marinig ang halakhakan ng mga lalaki. Nakita ako ni Jeffrey kaya agad siyang nagpaalam sa kanyang mga kasama at nilapitan ako.
"Bakit nandito pa po kayo, ma'am?" Tanong niya at pinahidan pa ang pawis niya sa noo.
"Hinihintay ko pa si Leo. Nasa loob pa kasi siya."
"Samahan ko na po muna kayo, ma'am." Ngiti niya at tinabihan ako.
Jeffrey has this friendly atmosphere. Palagi siyang nakangiti at talaga namang mahahawa ka sa kanya.
"Hindi ka ba hahanapin ng mga kaibigan mo?"
Nilingon ko ang kanyang mga kasama at nakitang naglalakad na sila paakyat.
"Maglalaro lang ang mga iyon ng basketball sa taas. Marami pa kasing kalat dito kaya doon na muna kami maglalaro. Susunod din po ako agad sa kanila 'pag nakauwi na kayo." Sagot niya at kinamot pa ang kanyang batok.
"Huwag mo na akong i-po. Hindi pa naman ako gano'n katanda." Nguso ko. "I'm just twenty."
"Pasensya na po, ma'am." Ngiti niya.
"Lacey na lang."
"Sige, Lacey..." Nahihiya niyang sagot.
"Ilang taon ka na nga?" Tanong ko sa kanya.
"Dise otso."
"Magco-college ka na?"
"Kung makakapag-aral sa pasukan pero imposible na iyon. Dito na kami tatanda." Tawa niya.
Napahinto ako at tumitig sa kanyang mga mata. Behind his laughters were sadness. Alam kong halos lahat ng mga kabataan dito ay gustong mag kolehiyo pero sadyang malayo sa kanila ang oportunidad kaya nakukuntento na lang sila sa simple nilang pamumuhay dito. If only I can do something to help them.

BINABASA MO ANG
Never Enough
Romansa"I guess sometimes you need a second chance because time wasn't ready for the first time."- Lacey Anne Gonzalo @gorgever ©All Rights Reserved