NE. Pang-labing Isang Parte

12 0 0
                                    

Kabanata XI

"Talaga bang sasama na kayo bukas?"

"Opo tita. Mabuti na din po 'yon para makatulong kami." Sagot ni Marie.

"Madaming lamok at malamig doon kaya siguraduhin niyong magdala ng jacket at kumot." Paalala niya.

"Alam na po namin 'yon Ma." Singit ko.

"Ikaw Cecile ayos ka na ba?" Baling ni Mama sa tahimik na nakikinig na si Cecile. Ngumiti naman ito.

"Opo tita."

"Mabuti naman o siya iiwan ko na muna kayo at magluluto pa ako."

Agad namang umalis si Mama at nagpunta sa kusina.

"Sama ako sa inyo Ate!" Biglang sigaw ng kapatid ko at lumabas sa kwarto niya.

"Hindi."

"Bakit hindi?! Pwede naman akong sumama a! 'Di ba Ate Cassy?" Nakanguso siyang bumaling kay Cassy na nanunuod ng tv.

Ngumiti naman ito sa kanya. "Tsaka na 'pag malaki ka na."

"Madaya!" Sigaw ng kapatid ko at sumunod kay Mama sa kusina. Nagtawanan naman sila Marie at Cassy.

Tumabi ako kay Marie. "Break na muna tayo sa mga problema bukas."

"Anong oras tayo aalis bukas?" Tanong ni Cecile.

"Malayo daw kasi ang Buena kaya baka mga alas sais ng umaga. May susundo sa'ting government van kaya magkita na lang tayo sa bayan para sabay-sabay na at baka may mga bilhin din tayo." Sagot ko.

"Pa'no 'yong ibang mga tauhan ni Gov? Doon din ba sila matutulog?" Baling ni Cassy sa'kin.

"Iyong iba babalik dito kasi dadalhin pa nila 'yong mga agricultural materials, kinabukasan pa kasi 'yon ipamimigay. Pero maiiwan naman daw si Ms. Lyn para samahan tayo do'n, siya 'yong isa sa mga in-charge ng foundation."

"Exciting 'to. First time kong pumuntang bukid." Pumapalakpak na sagot ni Marie.

"Sana lang hindi ako mahilo sa van."

"Tumabi ka kay Leo para in case na mahilo ka, pwede mo siyang sukahan." Tumatawang sagot ni Cassy.

Inismidan ko siya. "Sa'yo ako tatabi."

"Speaking of Leo, malapit ng magsimula ang game nila kaya tara na." Singit ni Marie.

Agad naman kaming tumayo at naglakad papunta sa court. Marami na ngang tao pagdating namin do'n at halos puno na ang mga bleachers. Pinili namin ang upuan na nasa pinakadulo at doon kami nagsiksikan.

Sinilip ko ang phone ko at may ilang texts doon si Leo.

From: Leo

Wish me luck.

From: Leo

You're still not here.

Agad akong nagtipa ng reply sa kanya.

To: Leo

I'll cheer for you. :)

Nilibot ko ang paningin ko at nakita sa kabilang court ang kalabang team na nagwawarm-up na. Sa kabila namang court ay sina Kevin pero wala doon si Leo.

"Asan na 'yon?" Mahina kong bulong.

Kinalabit ako ni Cassy at tinuro ang table ng mga officials. Doon ko nakita si Leo na nakaupo habang kinakausap siya ng mga ito.

Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon