NE. Pang-walong Parte

14 0 0
                                    

Kabanata VIII

"Ayaw mo ba talagang sumali?"

"I'll think about it."

"Masaya 'yon. Magagaling naman 'yong mga magiging kasama mo. Tsaka ayaw mo no'n, new set of friends." Pahayag ko.

Nagkibit-balikat lang siya at umupo sa upuang kahoy na sadyang ginawa ng mga trabahador namin sa ilalim ng punong mangga para pahingahan nila.

"When?"

"Next week na ata 'yong opening. So sasali ka nga?"

Nagkibit-balikat siya at humiga doon habang inuunan ang mga braso nito. "Magpapalista pa ako?"

"Sasabihin ko na lang kay Kevin na isali ka. Kayo naman ang magiging magka-team e."

"You're that close?"

"Hindi masyado. Tama lang." Sagot ko.

"Is he still courting you?"

"Ewan ko. Sa text lang naman kami nag-uusap kasi busy 'yon sa practice."

"I see." Tipid niyang sagot at ipinikit ang mga mata.

Naglakad ako at tumingin-tingin baka sakaling may makita akong hinog na mangga na hindi nasama sa ani. "Bakit bigla kang nag-aya dito?" Tanong ko sa kanya.

"I'm bored. Ikaw lang naman ang medyo nakakausap ko dito kaya sa'yo ko naisip na magpasama."

"Gusto mo ng bumalik sa Maynila?" Humarap ako sa kanya at tiningnan siya pero nanatili lang siyang nakapikit.

"No."

"Hindi ka sanay sa buhay probinsya 'di ba? Malayo sa buhay na kinalakihan mo." Pahayag ko.

Pagak naman siyang tumawa. "Aside from the night clubbing ay wala na akong ibang namiss do'n."

"Kaya ka siguro pinauwi dito." Komento ko.

"Maybe."

"Pasaway." Bulong ko.

Kumuha ako ng panungkit nang makakita na ako ng hinog na mangga. Agad ko itong itinaas at sinubukang kunin.

"What are you doing?" Napalingon ako kay Leo at nakitang nakakunot noo siyang nakatitig sa'kin.

Ngumiti na lang ako sa kanya at sinubukan uli itong sungkitin. Tumingkayad pa ako para mas lalo ko itong maabot pero sadyang nasa pinakataas na ito ng puno. "Come on." Mahina kong bulong.

"Need help?" Nasa tabi ko na siya at nameywang habang tinitingnan ako. Lumingo lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

"Hindi mo 'yan maaabot."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa panunungkit ng mangga. Kung bakit ba kasi ito pa 'yong napili ko sa dinami-rami ng punong pwedeng kuhaan.

"Akin na."

Inilahad niya ang kamay niya pero hindi ko ito pinansin. "Kaya ko."

"Sabi mo e." He smirked at bumalik sa upuan.

Nagbuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang panunungkit.

"You have all the time in the world to get that mango." Natatawang sabi niya.

Ayan Lacey, pabida pa. Ngumuso ako at inis na binaba ang panungkit bago siya tiningnan. Tinaasan lang niya ako ng kilay habang lokong nakangiti.

Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon