Ulan ay dumating,
sa pusong nahihimbing.
Binulabog 'man'din,
isipan ko't damdamin.Tuluyang sumabay,
sa bawat patak na taglay.
Tuwa't galak ang naramdaman
at pumuno sa katauhan.Sa kaniyang pagbuhos,
kasiyahan ay tila 'di maubos,
tuluyang nilunod,
ng ligaya't lugod.Ngunit kaakibat ng ulan,
ang hanging walang humpay.
Puso kong puno ng kasiyahan,
pangamba ang sumabukay.Sapagkat ulan ay napalitan,
ng bagyong 'di inaasahan.
'Di man lamang napaghandaan,
pagkawasak ng kaligayahan.Tila kulog na umalingawngaw,
ang sakit na naramdaman.
Tuwa ay napalitan,
takot ang nangibabaw.Kasing bilis ng kidlat,
ang hapding nalasap.
Dahil sa isang iglap,
naglaho ang lahat.Kaya't sa muli niyang pagdating,
'di na kailanman susuungin,
ng hindi na muling kamtin,
sinapit yaring damdamin.

BINABASA MO ANG
POETRY
PoesieTula Koleksyon ng mga Emosyon Likha ni: 25_Summer malayang pagbahagi ng mga halo-halong emosyon na binuo ng mga salita't titik at naging isang Tula. Ang pangongopya sa gawa ng iba sa kahit anong paraan ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas. Malaya k...